Allen's POV
"Ang ganda ganda mo talaga Amor.." sabay pisil ko sa pisngi niya.
"A-ano bang meron?" Bulong niya habang nakaakbay ako.
"Just go with the flow." Sabi ko sabay kindat sa kanya.
Nagtaka kasi ako kung anong meron sa pagtawa ni Jeric at pagtitinginan nila ni Cyna kanina. Aba parang natapakan ata yung pagkalalaki ko dun. Seloso na kung seloso, eh bakit ba?
"Naalala mo 'yung pinagkukwentuhan natin kanina? Hahaha ang saya nun 'di ba?" -ako
"Pinagkukwe--- ahhh oo! Hahaha ang saya nga grabe. Eksdi pa para mas masaya." -Amor
"Muntik ka pa ngang madapa eh, tatanga-tanga kasi. Hahaha!" -ako
Nakatanggap ako ng pag batok mula kay Amor.
"Aray!"
"OA? Masakit? Masakit?"
"Oo, masakit." Seryoso kong tono.
"Ayyy naku po nagdrama. Tsaka teka nga! Wag mo kong binabaliktad dyan ha, ikaw 'yung muntik madapa, hindi ako."
"Ahh ako ba? Hahaha!"
"Ay hindi, hindi."
"Sorry na. Akala ko kasi.... tayong dalawa, ay iisa lang." Boom.Panes. Banat din yun uy. ;)
"Ang mais, Allen! Tigilan mo 'ko."
"Teka, teka. Meron pa 'ko."
"Ng?"
"Regla ka ba?"
"Putakte naman Allen! Ano bang klase 'yang pinagsasabi mo? Langya parang ---"
"Mag bakit ka nalang." Daming satsat eh.
"Oh, bakit?"
"Kasi.. mahal kita.. ;) " sabi ko sabay ng pamumula ni Amor. Hahaha. Si Cyna? Mamaya ko na lilingonin pero tiyak nag-iinit na 'yung dugo nun.
"Oh tapos? Connect?" -Amor
"BOOM TAGOS!" -Allen
Si Amor di ko maintindihan ang mukha, namumula pero naka poker face. Ayus.
"Allen oh.." Inabot niya sakin yung binili naming pagkain "Kumain ka na, gutom lang yan."
Nginitian ko siya "Ang sweet mo talaga Sam."
Sam, mas masarap siyang tawaging Sam. :)
Emelyn's POV
Waahhh! Wala po akong kasalanan T_T Bakit ginaganito nila ako?
Tao din ako! May puso. Allen naman... masakit kaya -3-
Nag-iinit ang ulo ko sa inis..
Nag-iinit ang mga mata ko na gustong maluha..
Nag-iinit ang ilong ko na parang umuusok..
Nag-iinit.. ang kamay ko.. kasi.. biglang may humawak..
Paglingon ko..
"Jeric -_- ?"
"Ayaw mo yun, tutulungan kita. Gantihan lang kayo. ;) "
"Ayoko." Sabi ko sabay alis ng kamay niya. "De mas lalong nagalit sa'kin 'yan." Dugtong ko sabay ngumuso.
"Ayan na naman yung labi mo." Sabi niya.
O___O Umayos agad ako. Mahirap na. -__-
"Akala niya siya lang meron. Emelyn, meron din ako." -Jeric
"Ng regla?"
"Topak." Sabi niya sabay batok sa akin. Aba? Close na pala kami?
"Eh ano ba yun?" Tanong ko.
"Tae ka ba?"
"Tae? Bakit mabaho na ba ako? Umitim na ba ako? Pa--?"
"Pick-up to, wag kang OA -_- "
Ah! Pick up pala yun, ang gara naman.
"Ulit, take 2. Tae ka ba?" Tanong niya ulit.
"Alam ko na yan. Kasi mahal kiTAE. Sus." O di ba? Naunahan ko siya. Tsk.
"Hindi. Mag bakit ka nalang. Take 3. Tae ka ba?"
Ayon sa instincts ko (wow lalim) nakikinig sila Allen. Siguraduhin lang ng Jeric na 'to na matino ang sasabihin niya.
"Bakit?"
"Kasi.. gusto sana kitang ilabas mamaya."
Pfft di ko alam kung maiinis o matatawa ba ako na ewan. Hahaha! Pwede na.
"Hahahaha nice Jeric, pasado yung pick up mo." Sabi ko.
"Sabi mo yan ah, date tayo mamaya. ;) "
Huwaaaat? Seryoso ba sya?
Di na ako nakasagot, alam ko mahilig lang siya mangtrip. Di ba? Di ba?
"Alex tol." Tawag ni Jeric kay Alex.
"Bakit?"
"Pahiram sa asawa mo mamaya ah."
Paano niya nalaman na asawa ko si Alex? Ah baka nabanggit na ni Amor. Magkasama nga pala sila sa trabaho.
"Ge bilisan niyo lang, hahanapin sa akin yan nina mama."
"Oo salamat. "
Lumingon sa akin si Jeric sabay thumbs up. "Okay na." Tsaka siya ngumiti ng nakakaloko.
Nyaay.. magkakaayos pa kaya kami ni Allen?
"Dapat pala di nalang ako naaksidente, kung ano-anong kalokohan pumapasok sa mga utak niyo. Amor at Allen? Ge. Emelyn at Jeric? Okay. Trip niyo eh. Pero salamat na rin pala sa pagpunta." Aruy. Nagdrama si Rocielle. Haha. :)
Tsaka buti naman okay na siya.
"Ahh tsaka guys.." pagpapatuloy niya. "Pwede bang mag-usap muna kami ni Emelyn, yung kaming dalawa lang? Sandali lang."
Ha? Okay.
Lumabas na rin muna sila. Pinisil pa nga ni Jeric yung kamay ko eh. Si Amor at Allen ayaw tumingin sa akin. T_T
"B-bakit Rocielle?"
"Emelyn, alam mo na naman siguro no. Sorry ha? Kasi ganto yun.." Di ako sumasagot. Pinapakinggan ko lang siya.
"Kami ni Alex noon pa man. College palang tayo tinatago ko na yun sa inyo. Tapos.. tapos nakipag break ako sa kanya nung nalaman kong i-a-arange marriage siya sa'yo. Uyy galit ka ba?"
"Ha? Ako? Hindi ahh. Nagulat lang naman ako. Hindi kasi halata. Di ako makapaniwala pero dapat paniwalaan. Tsaka don't worry, aasikasuhin na naman namin yung sa annulment."
"Hahaha di ko naman minamadali yun. Baka si insan." Haayy si Allen. "Tsaka yung sa scrapbook, grabe kaya ko pinagawa sa'yo 'yung isang page kasi akala ko magagalit ka pag nalaman mo to, para eka may remembrance. Haha di naman pala. Yung dahilan naman ng kay Amor at Allen.. ah basta. Haha okay na tayo ah?"
"Okay naman talaga tayo."
Kami lang ni Allen hindi...
Naknampalaka. Napakaseloso kasi, dapat nagtatanong muna.
*message tone*
Kinuha ko yung cellphone ko at binasa yung text na mula na naman kay U.N. (Unknown number -,-)
From: Unknown number
Yow Didi. ;) Padaan lang sa inbox mo.
What the?
BINABASA MO ANG
What The?
RomanceEmelyn Cyna Amandi had an arranged marriage with Mr. playboy Alex Smith. They don't love each other but they are already living in one house. What will happen if Emelyn Cyna Amandi-Smith fall inlove with another guy, named Allen Guieb. Will Mr. Alex...