Chapter 6 Unknown

167 11 2
                                    

Alex's POV

"Ano na? Tulala ka dyan?"-Sean

"Hoy Alex, tao ka pa?"-Sean

Nagising lang ang diwa ko ng hinimas ko na ang likod ng ulo kong mula sa pambabatok ni Sean -_-

"Bakit ka ba nambabatok dyan?"

"Kanina pa kaya kita kinakausap. Wala ka nang ginawa kundi titigan 'yang laptop mo! Wala namang picture ng chicks dyan, problema mo bro?"

"Wala. Gawin mo na nga lang yung dapat mong gawin."

"Kanina ko pa tapos." Tapos na siya? Naman oh. Si Sean nga pala siya. -_- Sean Jorge Clinton. Tropa ko maraming taon na, dito rin siya nagtatrabaho sa kumpanya namin. Masipag 'yan, basta usapang trabaho mabilis niyang naipapasa. At isa pa, masipag ring humanap ng babaeng magmamahal daw sa kanya ng totoo. Ma-kalokohan kasi kaya walang nagtatagal. Nagsalita ang hindi. Tsk. Magtigil ka konsensya. -_-

"Oh natahimik ka na naman. Inlove na ba ang bro kong gwapo pero mas lamang ako?"

Ano daw? Inlove? Di uso sa'kin 'yun.

"May masabi ka lang Sean, magtigil ka pa."

"De magtigil. Pero balitaan mo lang ako kung kailan kita ilalakad kay Emelyn ha?"

"Lumayas ka nga dito."

"De lalayas." Tumayo na siya at akmang palabas na nang pinto nang bigla pang humirit.

"Bro paghahanda kita ng kape bukas, mukhang mapupuyat ka dyan kakaisip." Sabay labas niya at sara ng pinto.

Kahit kailan malakas talaga ang topak ng taong 'yun. Ako, mapupuyat kakaisip? Teka! Ngayon ko lang napansin. Oras na pala ng uwi. Takte na Sean naman oh. Hindi man lang sinabi.

~~~~♡♡~~~~

Emelyn's POV

Pagkaalis ko mula dun sa pinag-usapan namin nina DenMae at nung Jeric na boyfriend niya, ay agad kong kinuha ang cellphone ko.

Tatawagan ko na sana si Allen nang biglang may nag-pop. May message. Pero ... unknown number?

From: Unknown Number

Ilang taon lang tayong di nagkita, di mo na agad ako naalala.

Ha? Sino naman kaya 'to? Baka naman na-wrong send lang. Ide-delete ko na sana 'yung message nang may nagtext na naman.

Again? Ah baka sasabihin lang nitong wrong send siya. Mabasa na nga lang.

From: Unknown Number

Emelyn. Ganyan ba? Kalimutan na?

To: Unknown Number

Sino ka ba?

Hindi pa yata ako matutuloy na makipag-usap kayna Allen dahil dito. Bakit ba kasi parang kinakabahan ako? Haayy kalma Emelyn.

*beep*

Mukhang siya na 'tong nag reply. Please magpakilala ka. I slowly opened the message.

From: Unknown number

Missed me, Didi? ;)

Shiiit. Ano 'to?? Totoo ba 'to?? Mas kinabahan akong bigla. Siya.... siya lang ang tumatawag sakin ng 'Didi'. Bakit bumalik pa siya? Para maghiganti? O di kaya..... waahh tama na. Ayoko nang isipin pa 'to. Emelyn kalma ka lang. What the? Paano akong kakalma kung alam kong nandyan lang siya sa paligid? Paano kung nagkausap na pala kami? Ughh ayoko na. Ayoko nito.

Naglakad ako nang mabilis. Ayoko nang isipin kung ano man ang nasa nakaraan. Habang naglalakad ako ay bigla ko na namang naramdaman ang pagtunog ng message tone sa phone ko.

Nanginginig akong buksan ito. Baka siya na naman. Baka hindi niya na ako tigilan. Unti-unti akong tinignan at biglang lumuwag ang pakiramdam ko ng makita kung kaninong message ito galing.

From: Rocielle

Emelyn? Busy ka ba? Pwede ba tayong mag-usap? In personal ha. Please. Importante lang. :)

I replied 'Okay. Saan?'

Then na-receive ko nalang yung itinext niyang address. Maybe, next time ka nalang Allen. May bukas pa.

What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon