Emelyn's POV
Pagkatapos kong ngumanga mula sa sinabi ni manang ay agad rin akong bumaba. Pagkadating na pagkadating ko sa sala, ay naaninaw ko agad ang gwapong mukha ng baby ko. Pfftt ang korni ko na. :3
"Good morning baby Cyna." Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Shemay 'yung puso ko asan na..
"Bagay pala sa'yo 'yung ganyan." Sabi niya sabay nguso sa suot ko. Ha? Anong sabi niya? Eh teka, nakapantulog pa pala ako, as in pajamas.
Ngumiti ako at tsaka nagsalita. "Bagay ba? Gusto mo ito nalang suotin ko pag mag de-date tayo?"
Oops, instant poker face si Allen. "Joke lang baby Allen. Nga pala, aga-aga anong ginagawa mo dito? Tsaka kakatawag ko lang sa'yo di ba? Wala ka man lang pasabi na--" Napatigil ako dahil sa ginawa niya. He kissed the tip of my nose. Ang akala ko nga sa lips eh.
"Wag mo ngang dinadaanan sa pahalik-halik sa ilong ko. Sagutin mo 'yung tinatanong ko sa'yo! Paanong--" Natigilan na naman ako dahil sa nagsalita siya.
"Isa pang mahabang sermon baby, sa lips na kita hahalikan." What the? Ano daw? Lips? Awtomatikong lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya kasabay ng pag-init ng pisngi ko at pati bibig ko ay kusang napatikom. Aba'y multi-tasker pala ang mukha ko?
"Edi natahimik ka." Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa unti-unti na akong natauhan at nakipag-usap ng maayos.
"Yung nangyari kasi baby. Paki-explain. Labyu." Biruin mo 'yon, naisingit ko pa?
"I love you too." He then pinched my cheeks. "Ganito kasi 'yun, muntik na akong hindi makatulog kagabi dahil dun sa nangyari. Napakasaya ko na minahal ako pabalik ng taong mahal ko. Masaya ako na nailabas ko na ang katotohanan. Na pinatawad mo na ako. Na.."
"Na pwedeng pakibilisan?" Singit ko sa pagsasalita niya. Pinapahaba pa kasi, ayaw nalang deretsuhin kung bakit nagpunta siya dito.
"Teka lang, ganito nga kasi. Edi natapos na 'yung gabi, hindi pa rin ako makatulog hanggang sa di ko nalang namalayan na unti-unti na pala akong lumalakbay sa panaginip ko kasama ka." Ang dami namang sinasabi nang lalaking 'to, kung di ko lang 'to mahal, naku. "Tapos..." Tumingin siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi ko. "Tapos sabi sa panaginip ko, unti-unting lumalapit ako sa'yo.." Bawat salita niya ay sinasabay niya sa aksyon niya. Lumapit ang mukha niya sa akin na parang kaunti nalang talaga mahahalikan niya na ako. "Tapos mas linapit ko 'yung mukha ko tsaka...." Waahh hahalikan niya na ako. Isip Emelyn! Isip. "Tsaka kita tinulak!" sabi ko sabay tulak sa kanya.
"Ang ganda naman pala ng panaginip mo, baby Allen." Poker face lang ang isinagot niya sa akin, kasungitan nga naman ng kagwapuhan oh.
"Pero 'yung totoo kasi, Allen." sabi ko sabay tumango-tango siya at umupo sa sofa. "Ganito kasi 'yun.." Tahimik akong umupo sa tabi niya at hinintay ang sasabihin niya.
"Hindi ko talaga intensyon na dalawin ka ng ganito kaaga, lalo na't baka natutulog ka pa. Kaya sinubukan kong pumunta dito hindi para dun, kundi para kunan ng litrato 'tong bahay na tintirhan mo." Anong kalokohan naman kaya ang naisip ng lalaking 'to?
"Eh? Para saan?"
"Para sa scrapbook ni Rocielle. Alam mo naman 'yung babaeng 'yun, ang tanda na may nalalaman pang scrapbook."
"Hoy! Hindi siya matanda noh! Kasi kasing-edad lang natin siya. Hmp." sabay nguso ko.
"Itutuloy ko pa?" Hala kinokontra ko kasi siya. Nag-peace sign nalang ako sa kanya at tumango ng tatlong beses.
"Sabi niya kasi, gusto niya na sa tig-iisang pahina ng scrapbook na 'yun na may ilagay tayo, kahit ano daw na gusto natin. Siguro hindi pa niya kayo nakakausap ni Amor. Ako 'yung unang sinabihan kasi malamang magkasama lang kami nun." Tig-iisa kami? Ano kayang pwedeng ilagay ko? Tsaka bakit naisipan ni Rocielle 'yun? At bakit kumuha ng litrato si Allen ng bahay na ito? Ang dami namang tanong sa utak ko. Di bale, masasagot rin 'yang mga 'yan.
"Tapos.." pagpapatuloy niya. "Naisipan kong kuhanan ng litrato 'tong bahay na tinutuluyan mo at 'yung bahay namin. Pagsasamahin ko 'yun sa isang pahina ng papel nung scrapbook tapos may equal sign na kung saan ang kalalabasan ay isang magandang bahay, kumbaga pang-dream house."
"P-para saan?"
"Para pag naayos na natin ang lahat, pag wala na kayo ni Alex, magiging tayo, aayain kitang magpakasal tapos dun tayo titira." Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.
What the? Nga-nga ako dun ah. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Teka, isip ulit Emelyn, isip. Ah! Ililiko ko na 'yung kwento.
"Eh baby Allen, kung kukunan mo lang pala ng litrato, bakit pumasok ka pa dito?"
"Kasi naman, nagtaka ako nung tumawag ka, parang malungkot ka, kaya naisipan kong puntahan ka na."
"Ahhhh." sabay ng pagtango ko.
"Ano nga bang problema baby Cyna?"
"W-wala." Wala nga ba? Haayy. I sighed.
"Imposible al--"
"Okay lang ako. Kung may problema man, sasabihin ko sa'yo ha.."
"Alright. Magsabi ka ha? Ayokong sinasarili mo 'yung problema." He kissed my forehead.
"Dito ka na mag breakfast." Offer ko sa kanya. Then he agreed.
---------
Amor's POV
Buti successful kami dun sa surprise ni Allen kay Emelyn. Sabi ni Rocielle, nakakaginhawa daw na nakatulong kami. Well, pwede na rin.
Palabas na ako ng bahay. Sasakay na ako sa kotse ko para pumunta sa kompanya na pinagtatrabahuhan ko. I am a secretary there.
Pero bago ko pa buksan ang pintuan ng kotse ko ay tumunog ang cellphone ko.. Unknown number? Sinagot ko na para malaman kung sino 'tong tumatawag.
"Hello?" sabi ko. Ang tahimik sa kabilang linya.
"Samantha Amor... Meneses, right?" Kinilabutan ako. Bakit iba 'yung way ng pagsasalita niya. Parang may ipinahihiwatig sa pangalan ko?
"S-sino ka ba?" tanong ko.
I heard him laughed for a second. "It's not so important, sweetie. I just want you to know that I missed you... kayo ni Emelyn." Then he laughed again. A bad and arrogant laugh. "But wait, before you hang up, I'll give you my last words sweetie... I'm back." In-end ko agad 'yung call. Wala akong naaalala na may lalaking kilala namin pareho ni Emelyn na nakaibigan o naka-atraso man lang namin?
Sino siya?
Bakit ganoon siya magsalita?
May kasalanan ba ako sa kanya? O kami?
Imposibleng pinagloloko niya lang ako kasi alam niya ang buo kong pangalan... May gusto siyang iparating... Hindi ko alam kung ano 'yun...
BINABASA MO ANG
What The?
RomansaEmelyn Cyna Amandi had an arranged marriage with Mr. playboy Alex Smith. They don't love each other but they are already living in one house. What will happen if Emelyn Cyna Amandi-Smith fall inlove with another guy, named Allen Guieb. Will Mr. Alex...