Chapter 16 Puzzled mind

108 4 5
                                        

Emelyn's POV

Golly. Gosh. Grim. Gang. Geng. Ging. Galunggong. Waaahhh! Sira ka na Emelyn! Hoooo! Hingang malalim.

Gaano kalalim?

Malalim pa sa balon.

May lalalim pa ba dun?

Oo yung paghinga mo.

Ahh paano?

Huminga ka ng malalim.

Gaano kalalim?

Malalim pa sa balon.

May lalalim pa ba dun?

Oo yu-- Teka! Umulit nalang ako ah? Tsk. Ang OA ko na super. Ay, oa na super pa? San ka pa?

N-n-nandito (ay natatae lang?) na kasi 'yung parents ni Alex. Sa isang sofa magkatabi kami ng parents ko. Tapos sa katapat naman namin ay parents ni Alex at siya. Parang mamamanhikan lang e? Ayy.

"Simulan na natin." Galit na wika ni mama. Pero ang saya pa naman niya kanina eh?

"Sa uulitin, gusto naming mag sorry kas--" -mom ni Alex

"Di na kailangan. Diretso na tayo sa dapat nating pag-usapan." Si mama na atat na atat na atang paghiwalayin kami ni Alex. Support ako kay mama, ba syempre. Haha. Uy, nakakatawa pa pala ako sa kabila ng lahat ng 'to? Hooo. Bahala na.

*ring-ring*

Ooppss, nakaistorbo si phone ko.

"Excuse me po muna.." Lumayo ako ng kaunti at sinagot ang tawag.

Kakatawag lang sa akin ng lalaking ito kahapon tapos tumatawag na naman ngayon? Masyado niya akong miss. I chuckled.

Sinagot ko ang tawag ni Allen.

"Hello, baby bakit?"

"CYNA!" Mukha siyang hinihingal.

"Ohh?" Bigla akong kinabahan.

"S-si R-Rocielle." Anong meron? Tss nakakakaba, promise.

"Oh? Anong nagyari??" Tanong ko nang nag-aalala.

"Nandito sa ospital, y-yung ospital na pinakamalapit sa bahay namin. 'K-kung saan nagtatrabaho si Rocielle. Pumunta ka na d-dito ngayon! Tapos t-tatawagan ko na rin si A-Amor!"

"H-ha? Oo! Oo."

In-end niya na rin agad 'yung call. Waahh nanginginig ako. Sana okay lang si Rocielle.. huhu sana sana..

Bumalik ako kayna mama.

"Ahh ehh ma, pa, mom, ah basta lahat po kayo. Aalis muna po ako ah? Kailangan lang po talaga."

"Bakit anak? Anong nangyari?" Si papa.

"Ahh ehh yung kaibigan ko daw po kasi.. naospital. Pupuntahan ko na po ah sorry po." Akmang paalis na ako nang biglang magsalita si Alex, "Sino?"

"Si Rocielle." Sagot ko.

"Ano?? Ah ge sasama ako. Hahatid na kita."

"Ha, wag na, kay--"

"Ah basta, tara." Hinatak niya na ako papunta sa sasakyan at nagpaandar ng kotse.

Anong trip nito?

Kinakabahan na nga ako para kay Rocielle..

Tapos sinabayan pa ng katopakan ng lalaking ito.

May topak nga ba?

Pero bakit ganun?

Gusto niya ba talaga akong ihatid lang?

Pero nagulat siya nung nalaman niyang si Rocielle ang nasa ospital ngayon.

Magkakilala ba sila?

Nag-aalala ba siya kay Rocielle?

Impos-- Pero walang imposible sa mundo.

Aish ang gulo.

Bakit?

What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon