Chapter 12 French Fries

137 8 0
                                    

Emelyn's POV


Kinabukasan matapos ang date kuno namin ni Allen ay pumunta naman siya dito sa bahay. Hindi naman halatang nami-miss niya agad ako no?

Buti naman si Alex ay nasa opisina.


"Bakit hindi mo man lang ako tinawagan na pupunta ka?" Taning ko sa lalaking ito na nakaupo sa sofa at feeling home sa panonood ng Detective Conan.


"Hindi na kailangan 'yon." Sagot niya sa tanong ko na tila isang lingon sa akin ay di niya nagawa. Na-adik na ata kay Conan. Pasalamat siya lalaki si Conan, dahil kung hindi, baka nagselos pa ako.


"Eh anong hindi kailangan? Paano kung nandito si Alex?"


"Ano naman? May gagawin ba tayong masama?"


Boom. Natigilan ako dun. Oo nga naman, may point siya. Ano-ano kasing nasa isip ko eh. Kakain nalang ako ng chichirya, isipin ko fries 'to.


*ding dong*


Ako na ang lumabas para pag buksan ang nag door bell.


Pagbukas ko, siya ang bumungad sa akin.
"A-alex? D-di ba may ano ka ngayon ahh ano--"


"Wala na 'kong meetings. No projects. Kaya pwede siguro akong umuwi sa bahay na 'to?"

"Oo n-naman." Bakit ba nauutal ako? Eh tama naman ang sinabi ni Allen na wala naman kaming gagawing iba. Aish. Sumunod na ako kay Alex pagpasok. May bitbit siya na maliit na lalagyang papel. Feeling ko may naaamoy akong fries. Waahh guni-guni ko lang ba 'yon? Sayang naman.


Napansin kong nagtitigan si Alex at Allen sandali tsaka umakyat na si Alex. Ganoon ba sila magbatian? Ang weird.

Umupo nalang ako sa tabi ni Allen at siya, ayun busy pa rin sa panonood. Feeling detective.


Maya-maya ay bumaba na si Alex, na bitbit pa rin 'yung lalagyang papel? At para hindi naman mukhang bastos ay inaya ko na siyang makisama sa amin.


"Ayos lang din ba dyan sa kasama mo?" Tanong niya sa akin.


"Ah! Oo Alex, upo ka. Busy sa panonood 'tong isa eh."


Umupo siya sa kabilang sofa, nasa iisang sofa kasi kami ni Allen.


Nagulat ako ng umakbay sa akin si Allen. "Ang cute cute mo talaga baby Cyna." Sabay pisil niya sa pisngi ko.


What the? Tawagin daw ba akong ganun sa harap ni Alex? Sabagay, ano nga bang pakielam ng isang Alex Smith sa isang Emelyn Cyna Amandi Sm--Amandi lang.


"Ano ba?" Bulong ko kay Allen sabay alis ng kamay niya.


"Emelyn, nga pala oh, para sa'yo." Inabot sa akin ni Alex 'yung hawak niya. Pagtingin ko kung anong laman, kyaaaah! :"> Alam ng karamihan na gustong-gusto ko 'to. Pero di ko akalain, as in hindi talaga, na inuwian ako ni Alex ng paborito ko! Anong meron?


"Thank you Alex. Thank you, thank you!" Nagulat ako nang bigla ko siyang yakapin. Feeling ko nag-freeze.


"Ehem. Ehem." Nang marining ko ang sarcastic voice ni Allen ay bigla aking umupo ulet sa tabi niya at kumain na lang.


Naramdaman kong tumingin sa akin si Allen, "Bata ka pa lang ba mahilig ka na sa fries?"


"Hmm. Oo. Lagi nga akong nililibre noon ni-- ah wala, wala."


"Nino?"


" 'Yung childhood best friend ko." Napayuko ako, naalala ko na naman siya. "Dahil sa kanya kaya ko naging favorite ang fries." Naramdaman kong lumingon rin si Alex sa akin at nakikinig sa sinasabi ko.


"Sobrang close namin nung bata pa kami. Kung hindi lang talaga nangyari ang inaasahan noon.." Sana nakapagpaliwanag pa ako. Kung nakausap ko pa siya, sana wala siyang galit sa akin ngayon. "Sayang nga lang din kasi hindi ko nalaman ang pangalan niya. Sa apelyido kami nagpakilanlan. Weird no? Kaya simula noon, tinawag niya na akong Didi. Dinoble 'yung last syllables ng Amandi, at siya naman -- ay wala." Napapahid ako sa naramdaman kong luha na pumatak. Geez. Ang babaw ng luha ko. Lalo na pagdating sa childhood life ko.


"Anong di inaasahang nangyari, Emelyn?" Tanong sa akin ni Alex. Nangyari? 'Yung tipong ...


"Wag muna natin siyang tanungin tungkol dun, Alex." Wika ni Allen. Buti nalang. Ang sakit kasing alalahanin. Parang lovelife lang, hirap mag move on.


"Alex dude, wala ka man lang bang maiinom na wine dyan?" Kanina kakaiba ang tingin nila sa isa't-isa tapos ngayon pa dude-dude nalang? Aba boompanes pala.


"Umiinom ka pala?" Tanong ni Alex sa napangising si Allen. Alam ko si Alex, occasionally lang umiinom 'yan eh. Si Allen, ewan ko lang, wala pang nababanggit sa akin.


"Bakit hindi? Tss. Labas mo na, inom tayo." Ayoko ng tono ni Allen. -.-


"Gusto mo sa susunod nalang dude, 'pag wala si Emelyn." Uy buti may nakaalala pa sa akin dito. Akala ko kasi hangin lang ako.


"Hindi naman tayo makakadami Alex. Tsaka 'wag ka masyadong magpaka-good boy kung hindi naman talaga."


"Allen.." Siniko ko siya pero nginitian niya lang ako.

What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon