Chapter 1

35 1 0
                                    

Kauna-unahang story ko ito sa wattpad. Kaya kapag may pagkakamali ako patawad na lang.

Paalala:

*Cute ang author (may angal?)

*Hindi araw-araw ang pag-update ko.

*Yan lang! Sana magustuhan niyo yang story.

By: StAnCaSiLove

Ongoing pinag-iisipan pa. Mabagal ako mag-isip eh! Yan lang problema natin guys.

Plagiarism is a crime that you cannot copy others own work without proper permission.

Red's POV.

Andito ako sa loob ng kotse ko. Pinapanood ang mga estudyanteng nagsisibabaan sa kani-kanilang kotse dito sa parking lot. Ang iba'y naka-uniporme; regular students at ang iba'y naka-civilian; transferees. Ngunit karamihan sa kanila ay ang mga naka-uniporme.

First day of school. Ugh! Hindi pa ako nakaka-move on sa bakasyon eh!

Pagkababa ko ng kotse ko ay may biglang tumawag sa phone ko. Agad-agad kong kinuha yung phone ko mula sa bulsa ng slocks ko at sinagot yung tawag.

"Hello?" sagot ko at nagpatuloy-tuloy sa paglalakad. Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko ang mga babaeng nakabungisngis at mukhang kilig na kilig habang nakatingin sa akin. Nginitian ko naman ang mga ito at hindi ko na nahintay pa ang mga reaksiyon nila dahil umiba na ako ng tingin at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Yow Red!" sigaw ng nasa kabilang linya. Agad ko namang inilayo yung phone ko mula sa tenga ko at umirap. Nakakarindi yung sigaw na yun.

What the?!

Ang maganda kong tenga...

Hinimas-himas ko muna yung tenga ko at inilapit ulit ito sa tenga ko.

"Ano?!" I shouted back. Akala nito ah!

"Gago! Ang lakas ng sigaw mo ah!" reklamo nito sa kabilang linya. Ayan! Ano ngayon sa feeling? Psh!

"Tarantado! Ikaw ang nauna ulul." sumbat ko dito. Eh! Sa siya naman talaga. Kita niyo naman di'ba? Di'ba?!

"Ako na naman?"

"Oo! Ikaw!" panunumbat ko dito. Aba! Dapat lang na sabihin sa kaniya yung ginawa niyang paninigaw ah!

"Tsk! Ish! Oo na!" suko nito. Narealize na siguro.

"Napatawag ka?" tanong ko dito. Na-curios ako bakit ba?

"Wala lang! Namiss lang kita beybe." natatawang sagot nito. At nagawa pa talagang mang-inis
ng pwet na ito.

Beyond My ExpectationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon