Red's POV.
Konting tiis na lang. Makakabalik na rin ako sa dati. Welcome back room na naman. Hahaha...
"Oyyy! Break na muna daw sabi ni miss. Miss... Ano nang pangalan nun? Basta. Yung teacher na panget este naka-glasses na may mga digidig sa mukha. Oyyy!" sigaw ni Lime na siyang ikinalingon namin sa kaniya. Nakakarindi yung sigaw...
Nag-thumbs up na lang kami sa kanya at saka isinantabi muna namin yung mga ginagawa namin.
"Red favor nga!" anang pinsan ko na si Sky nang makalapit sa akin. Abala ito sa pagpupunas ng mga pawis niya habang yung kasama naman niya ay pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay nito.
Katatapos ko lang rin magpunas ng pawis sa katawan ko at abala ako ngayon sa pagsusuot ng t-shirt na dala ko.
"Sige. Ano yun?" sabi ko dito nang matapos na akong magbihis.
"Pabili ng snacks... Pagod na kasi ako eh! Bilhan mo na rin friend ko." naka-pout na sabi nito at saka itinuro yung kasama niya na malanding nakatitig at nakangiti sa akin. Tsss... As if naman na pansinin ko. Kayo na lang! Hahaha...
Tumango na lang din ako dito at inayos ang nagulo kong buhok. Inabot ko na yung perang pambayad nila Sky para bibili sana pero natigilan ako nang marinig ang boses ni Lime.
"Oh! Ano na? Hindi ba kayo magbe-break? Kahit tubig lang? Tara na uy!" yakag ni Lime habang pinapagpagan ang damit.
"Ah! Nagpabili na kami. Sabay na lang kayo ni Red." nakangiting sabi ni Sky kay Lime at saka tumingin sa akin nang nakangiti at saka kumindat. Napasimangot naman ako sa ginawa ng pinsan kong Hapon.
Tsk!
"Tsss... Halika na!" yakag ko kay Lime sabay lapit dito at hatak ko sa braso nito.
"Aray! Put---a... Punyeta ah!" pagmumura ni Lime sabay bawi nito sa braso nito mula sa pagkakahawak ko.
"Ahyyy... Bad yan Ruru... Tsk! Tsk!" sabay iling ni Sky at ang tukoy nito ay ako. Nickname ko yung Ruru eh!
(-_-)
"Anak ng... Ruru?! Hahaha... Putcha... Anong klaseng pangalan yan? Hahaha! Ruru daw..." tawa at pang-iinis ni Lime sabay sundot sa tagiliran ko. Feeling close naman. Tsss...
"Shut up!" asar na saway ko dito at saka iwas ko ng tingin kasabay niyon ay ang naramdaman kong pag-init ng pisngi kong sa tingin ko ay namumula na. Tsk! Ayokong naaasar eh!
"Break na tayo Ruru." pigil ang tawang sabi ni Lime sabay lapit sa akin.
"Tsss... Naging tayo ba para mag-break?" naniningkit ang matang pamimilosopo ko dito. At nakita ko naman ang bahagyang pagkunot ng noo nito.
"Tsk!" angil naman nito sabay irap.
"Malay mo... Maging kayo? Ayieh!" kinikilig na bulong ni Sky sa akin. Whuuut?!
(•o•)
Halos manindig naman ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang sabi ni Sky. Magiging kami?! Ni Lime?!
No! No!
"Pakyu!" pasigaw na mura ko naman dito.
"Ahyyy! Bad yan Ruru... Tsk! Tsk!" panggagaya naman ni Lime sa sinabi ni Sky kanina. Tatawa-tawa ito nang banggitin ang nickname ko. Ish!
Bakit kasi Ruru pa?!
Bahagya ko naman itong inirapan at saka nagpamulsa.
"Tayo na nga." asar na sabi ko sabay kalabit sa braso ni Lime at saka na tumalikod.
"Ahy! Lime kayo na daw oh! Stay strong! Ayieh!" tila nang-aasar na sabi ni Sky...
(°0°)
Huwaaaatttt????????
Kunot ang noong napalingon ako kina Sky at Lime at nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Lime.
"Gago!/Pakyu!" mura namin ni Lime dito pero patuloy pa rin ito sa pagtawa.
Anong problema ng baliw na ito?
"Bahala ka ngang bumili ng snack mo..." asar na ako nang ibigay ko pabalik kay Sky yung pera niya na siyang ikinatigil ng tawa nito at napatingin sa pera.
"Ahyyy... Parang binibiro lang eh! Sige na! Joke lang yun uy!" suyo ni Sky sa akin at pilit na ibinabalik yung pera sa akin. Pero nagpapakipot pa rin ako habang nakanguso at naka-cross arm.
Bahala ka diyan!
"Hoy! Wag feeling babae Red. Pakipot ka te?" bigla ay naiinis na sabi ni Lime habang nakataas ang kilay.
Tsk! Wag kang KJ!
"Tsk!" naiinis naman at padabog na kinuha ni Lime yung pera kay Sky. "Ganon lang. Ganon lang kadali kunin yung pera pambili Red. Hindi naman nakakamatay no?" may pagkasarkastikong sabi ni Lime at saka walang ano-anong umalis na sa harapan namin.
Wala na kaming nagawa ni Sky kundi sundan na lang ito ng tingin. Kung hindi ba naman nang-inis yang si Sky, malamang walang magta-tantrums.
"Ahy! LQ agad?" tila malungkot naman na sabi ni Sky. At dahil sa inis ko, nabatukan ko ito. Kanina pa ako naiinis dito eh! Alam na ngang pikon ako dun pa nang-asar. "Aruyyy..." daing nito at napahawak sa batok.
"Ganyan ang napapala ng taong mapang-asar tulad mo Sky." nakangising sabi ko dito at saka ko na ito tinalikuran. Inayos ko muna yung nagulo kong buhok at saka ko na ito iniwan ng pikon at naasar.
Dumiretso ako sa cafeteria at saka nagpalinga-linga. Hinahanap ko kasi si--- Ano?! Hahanapin ko yung babaeng yun? WTF?!
"Bilisan mo na diyan at marami akong bitbit dito Red. Tsss..." bigla ay gulat akong napalingon sa likuran dito dahil sa may narinig akong nagsalita na pamilyar ang boses.
"Ahy kamote." ang nasabi ko dahil sa gulat. Napakapit pa ako sa poste na nasa tabi ko. Sabihin niyong parang bata wala akong pake. Sapakin ko kayo eh! Tsk!
Dun ko naman nakita yung hinahanap ko--- este si Lime.
Hinahanap? WTF talaga.
"Kailan pa naging kamote ang ganda kong ito?" mataray na sabi nito at saka nagtaas ng kilay. She's kinda rude. Psh!
"Excuse me. Expression ko yun. Wala ka nang pake dun." nakapamewang at nakataas ang kilay na sabi ko dito.
"Bakla ka ba?" bigla ay natanong nito na ikinagulat ko. Ako? Bakla? Aba nga naman!
BINABASA MO ANG
Beyond My Expectation
Teen FictionSmall world na nga bang masasabi kung muli silang magtagpo? At mas worst, ay magiging magulo ang pagtatagpong iyon? Lime Desha Bernardo, isang transferee na nadayo sa school na kung saan ay mararanasan nitong makipag-away at umibig. At sa di inaasah...