Athena's POV.
Ngayon ang araw ng punishment nila Lime. Kinuwento na niya sa akin yun. Hindi nga sila sinuspend pero community service naman punishment.
Baliw kasi yan si Lime eh! Alam naman niyang transferee kami pero nakipag-away pa rin. Hindi pa nga kami nakaka-isang buwan sa school na ito pero naguidance na siya agad.
Kaya heto ako ngayon, mag-isa na naglalakad. Namiss ko na agad yung Lime na yun. Kainis siya.
Alam naman niyang hindi ako sanay na mag-isa lang na naglalakad. Ang ganda niya ah! Ang ganda talaga niya punyeta siya.
"Ehem!"
Agad na napapitlag ako dahil sa pagtikhim na iyon. Tikhim ng isang lalake. Liningon ko naman ito at nakangiti na siya sa akin.
Anong problema ba nito? Maka-ehem akala mo magkakilala na kami noon tapos nagkita muli pero sigurado akong hindi ko siya kilala. Pamilyar lang pagmumukha.
Cute naman siya!
Agad naman akong napatigil sa paglalakad kaya ganun din siya. Kunot ang noong pinagmasdan ko ang mukha niya kasi parang pamilyar lang. Nagtataka rin naman ako nitong tinignan. Pamilyar talaga siya. Nakita ko na ito eh!
Sino ba ito?
"Ah! Gino here?" sabay wave nito ng hand sa akin na siyang lalong kinakunot ng noo ko.
Gino? Wala akong kilalang Gino.
"Sinong Gino? Anong Gino? Saang Gino? Kailang Gino? Paanong Gino? Bakit Gino? Sino ka ba?" sunod-sunod na tanong ko dito.
Nakita ko naman ang bahagyang pagtawa nito na lalong nagpa-cute sa kaniya.
"What kind of question is that?" tatawa-tawang sabi nito. "Weird!" rinig kong bulong pa nito at saka ito umiling-iling.
"Pamilyar lang yang pagmumukha mo lalake pero hindi kita kilala. Sino ka ba talaga? Ha?" inis na sabi ko na dito. Dami pa kasing sinasabi di na lang sabihin kung kilala ko siya o kilala niya ako.
"Okay! I'll explain to you... Ako yung kaibigan ni Red and ikaw yung kaibigan ni... Ni..."
"Lime!" kunot-noong sabi ko at saka na pinagpatuloy ang paglalakad kaya ganun din siya.
"Ah! Oo! Hehehe... Ano kasi... Ah! Ano..." sabay kamot nito ng batok. Para siyang torpe na umaamin sa crush niya sa itsura niya ngayon eh!
"Ano?! Alam mo lalake mala-late na ako. Kaya kung ako sayo---"
"Gusto ko lang mag-sorry sa ginawa ng kaibigan ko sa kaibigan mo. Ako na nagso-sorry." diretsong sagot nito kaya nakanganga na lang ako. Madaldal ito panigurado. Mabilis magsalita eh!
"A-ah! Yun lang pala. Ah! Sorry din." sabi ko naman dito.
"Sa?"
"Sa ginawa ng kaibigan ko sa kaibigan mo. Ako na nagso-sorry." panggagaya ko sa sinabi nito. "Ano?! Yun lang ba yung sadya mo? Mala-late na talaga ako nito. Sabihin mo na yung gusto mong sabihin hangga't nasa mood pa ako ngayon na makipag-usap." sabi ko dito at saka ko sinulyapan yung wristwatch ko.
"A-ah! Actually yun lang talaga eh! Pero tutal magkasama naman na tayo. Why don't we---"
"Hay naku! Kaya kong pumunta mag-isa sa room. Makisabay ka na lang sa mga babaeng kanina pa kinikilig dun." sabi ko at saka ko tinuro yung mga kababaihang nakatingin sa amin... Ahy! Hindi pala. Sa lalaking kasama ko lang pala sila nakatingin.
"Tsss... It's that Samantha again." sabay irap nito. "Let's go!" at saka naman nito hinila yung kamay ko then he forced me to go with him. Aba!
"H-hoy! Saan mo ako dadalhin?" tarantang tanong ko dito habang pilit tinatanggal ang kamay kong hawak niya.
"Wag kang maingay." masungit na sabi nito sa akin habang hila pa rin ako.
Takbo dito. Takbo doon. Kung saan na kami napadpad. Alam kong parte pa rin naman ito ng school kasi may mga nakikita pa rin akong estudyante dito. Iilan nga lang.
Saan na ba ito?
Wait?! Hindi kaya...
<(°O°)>
"Whaaa... Help! Rapist! Help!" sigaw ko na at saka nagpupumiglas. Whaaa!!!
Bukod kasi sa iilan na ang estudyante dito, malayo na sa building at marami nang puno.
Whaaa!!!
Agad naman na napatigil ang lalakeng kasama ko.
"What?! Me rapist? Oh! Come on miss... Sa pogi kong ito? Tsk!" nanlalaki ang mga mata at iiling-iling na sabi nito. "Hindi ba pwedeng may iniiwasan lang?" at saka na niyo binitawan ang kamay ko at saka ito nagpamulsa.
Sa tingin ko namula buong mukha ko doon. Hehehe! Napahiya eh! Akala ko lang pala.
Itong lalakeng kasi ito. Basta na lang hila di manlang sabihin kung bakit basta-basta na lang nanghihila. Aba! Kung hindi pa niya sinabi at ibang babae ang ginawan niya nito mapagkakamalan talagang rapist ito.
"Malay ko ba sayo? Nasaan na ba tayo? Late na rin ako oh! Gago!" asar na sabi ko dito at saka umiwas ng tingin.
"Tsss... Sorry nadamay ka pa sa pag-iwas ko sa babaeng yun." sabi nito. "Tara na nga! Ihatid na kita dun baka kasi magwala ka na kapag iniwan kita dito. Maganda ka pa naman. Tsk!" nakangisi at iiling-iling na sabi nito. Aba! Kinilig ako dun ah!
Sinabihan akong maganda eh!
\{^o^}/
Hinila naman na ako nito at saka na kami bumalik sa building namin.
***
Bakit anong problema ng mga taong 'to? Bakit ganyan makatingin?"Pst! Tignan mo yung mga tingin ng mga taong yan oh!" bulong ko dito sa Gino na ito. Agad naman itong ngumisi.
"Kung makakakita ka ng lalake at babaeng HHWW... Ano sa tingin mo ang meron sa kanila?" tanong nito. Ako po yung nagtatanong. Hindi ikaw Mr. Gino.
"Aba! HHWW? Edi mapagkakamalan ko silang mag-jowa. Tsk! Basic!" mayabang na sagot ko at saka ko hinampas yung hangin.
"Exactly!"
"Ha? Anong-----" magsasalita sana ako nang bigla nitong itinaas yung kamay naming magkahawak. Hala! Hindi! Magkasaklop pala.
Huwaaaattttt?????????
Mula sa dun sa malayong pinanggalingan namin hanggang dito sa building namin? Magkahawak kamay namin?
Whaaaaaa!!!!!
Biglang nanlaki ang magaganda kong mga mata nang makita ang magkasaklop na mga kamay namin at saka ito pabatong binitawan. Nakakahiya yun ah!
Wala na akong maipakikitang mukha sa parents ko dahil sa ginawa kong ito. Mali ito! Maling-mali!
(A/N: OA mo noh?! Nagkahawak lang kamay niyo ah! Hindi niyo naman ginawa yung alam mo na. Yung *** thing!)
Langya! Oo nga! Ang OA nga!
BINABASA MO ANG
Beyond My Expectation
Teen FictionSmall world na nga bang masasabi kung muli silang magtagpo? At mas worst, ay magiging magulo ang pagtatagpong iyon? Lime Desha Bernardo, isang transferee na nadayo sa school na kung saan ay mararanasan nitong makipag-away at umibig. At sa di inaasah...