Red's POV.
Habang naglalakad ako patungo ng garden ay nakasalubong ko si Lime.
Kunot noo ito at saka nakakuyom ang parehong kamao.
Napailing ako.
Nakipag-away na naman yan.
Saka ko naman naalala yung sinabi ni Sky sa call.
'Nag-away na naman sila Lime at Georgia insan.'
Tsss...
Lagi naman silang ganyan eh!
Tsaka halatang prone sa away itong si Lime. Laging napapaaway.
Palibhasa mapagpatol. Konting sabi mo lang ng kung ano-ano, aawayin ka kaagad.
Sensitive!
Nang palapit na ito sa akin ay saka ako nagsalita.
"Balita ko---"
"Huli ka na sa balita, gago!" sigaw nito na ikinanganga ko.
Brat talaga! Suplada pa!
Masyado ring mainit ang ulo. Walang jowa eh!
Nakita niyo naman, nagtanong lang ako ah! Nanigaw na kaagad.
Kailangan talaga na ikaw ang mag-adjust kung gusto mo siyang kausapin.
Nakadepende rin kasi sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kapag papatulan mo, away. Pero kapag nagpakumbaba at nag-adjust ka, walang away.
Ganyan lang yan.
Basic!
"Suplada!" bulong ko at saka napa-iling.
Tinignan naman ako nito ng masama.
Narinig niya siguro."Bagay kayo ni Georgia. 'Dun ka na." kunot noo at tila inis na sambit nito saka ako tinulak. "Bwisit!"
Gago!
Wala naman akong ginawa tapos itutulak lang ako?
Tangina!
Pero imbes na awayin ay hinayaan ko na lang muna ito. Mainit ulo eh! Ayaw ko na ring dagdagan.
Pagkasabi niya nun ay tumalikod na ito. Akmang hahakbang na siya pero agad ko siyang pinigilan.
Agad kong hinawakan ang pulsuhan nito at saka inilapit ang bunganga ko sa tenga nito.
Baka kasi hindi marinig. Minsan kasi nagbibingi-bingihan ito eh!
"Andito lang ako." salitang lumabas sa bibig ko. Miski ako ay nagulat.
I was suppose to be her enemy but... 'Wag muna mag-away ngayon.
Baka ma-punish na naman.
Psh!
Pagkasabi ko sa kanya nun ay saka na ako umalis at iniwan siyang tulala.
Pogi ko eh!
Kaya malamang matutulala yan.
Tinungo ko naman sila insan sa may garden.
Pagkarating ko, nakita ko na agad si Georgia na umiiyak at naka-upo sa may tabi ng puno.
Habang pinapatahan naman siya ni Sky.
Napa-iling ako.
Weak!
"Kung talagang matapang ka, hindi ka iiyak." ang sabi ko at saka ito timabihan. "Ang babaw ng iniiyakan mo. Weak! Tsk!"
"I don't like that girl." sigaw nito at saka tumakbo. Napa-iling ako.
Masyado rin kasi itong maarte.
Akmang hahabulin sana siya ni insan nang pigilan ko ito.
"Hayaan mo muna yan." sabi ko dito at saka na nagsimulang maglinis.
Away bata!
"Mali rin kasi si Georgia insan. Dapat inintindi niya na lang si Lime. Eh alam na ngang oalaaway yang si Lime kaya sana dapat inintindi na." salubong ang kilay na sabi ni insan.
Natawa ako.
"Hayaan mo na nga insan. Away nila yan. Huwag ka nang sumali."
"Sabagay!"
-----
Lime's POV.
"Nakabusangot ka diyan?" tanong ni Athena.
Sumubo naman ako ng chips na bigay niya at saka ito kinain. Alangan namang inumin diba?
"Nainis lang ako kay Georgia. Masyadong maarte. Sarap upakan." sabi ko at saka tinignan si Athena. "Muntanga ka. Ampangit mo tignan." sabi ko nang makita ko siyang nakanganga.
May harang sa pagitan namin. Gawa ito sa bushes pero hanggang bewang ito kaya hindi ka makakatakas.
"Hayst. Sige na nga. Punta na akong classroom. Goodluck diyan." aniya at saka na ako iniwan.
"Ayan. Takas pa." bulong ko at saka na naglakad pabalik sa nililinisan ko.
Habang naglalakad, biglang sumagi sa isip ko amg sinabi ni Red kumag.
'Andito lang ako.'
'Andito lang ako.'
'Andito lang ako.'
Kadiri.
Pero... Bakit niya kaya sinabi yun?
"Oh Lime. Andiyan ka lang pala." hingal na sabi ni Sky at saka pa napahawak sa tuhod.
Tinaas ko naman ang kilay ko sign na tinatanong ko kung bakit.
"Kanina pa andun si Mr. Lim. Hinahanap ka."
Napangiwi ako.
Anong meron sa pangit na yun?
"Oh bakit? Ipapabalita niya ba na gumwapo na siya? Never mangyayari yun." nakangiwi kong sabi at saka sumubo sa chips na kinakain ko. Inalok ko naman ito pero umiling lang ito.
"Ubusin mo na yan para makapunta ka na dun. Galit na si Mr. Lim." instead ay sinabi nito.
Pake ko sa panget na yun?
"Bahala siyang ma-stress diyan. Wala na ako dun."
-----
"Saan ka galing Ms. Bernardo?" tanong ni Mr. Lim.
Napangisi ako.
"Sa puso ni Natoy."
"Aba at binabastos mo pa ako."
"Anong binabastos? Naghubad ba ako sa harapan mo ha? Hakdog!" pang-aasar ko dito.
Kita ko ang pagkuyom ng mga kamao nito.
"You're being rude Ms. Bernardo. Kaya ka laging naga-guidance."
"Atleast maganda at matalino. Eh ikaw? Matalino nga panget naman." natatawa kong sabi dito at saka siya binelatan.
"Do you want me to report you to the guidance, Ms. Bernardo?" pananakot nito.
Tsss...
As if namang matatakot ako?
"Mamamo guidance." sabi ko naman at saka siya binungisngisan.
"Sumusobra ka na, Ms. Bernardo." bulong nito kaya naman natawa na lang ako.
Pikuning panget.
"Nyenye."
BINABASA MO ANG
Beyond My Expectation
Teen FictionSmall world na nga bang masasabi kung muli silang magtagpo? At mas worst, ay magiging magulo ang pagtatagpong iyon? Lime Desha Bernardo, isang transferee na nadayo sa school na kung saan ay mararanasan nitong makipag-away at umibig. At sa di inaasah...