Athena's POV.
*Ring! Ring! Ring!*
Yeah!
Recess na.
"Hoy! Pakibilisan naman diyan." Nakakainis naman! Nag-aayos pa ako ng gamit ko eh!
"Sandali lang! Masyado kang atat ha?!" sigaw ko dito sa animal na Lime na ito. Kitang nag-aayos ako eh!
"Ish! Gutom na ako. Isa..." Ayan! Nagsisimula na naman siyang magbilang.
Lakompakels!
"Dalawa!" sigaw nito ulit.
At para lalong inisin, mas binagalan ko pa yung pag-aayos ko ng gamit.
"Ano ba yan Athena..." sabay irap nito sa akin.
Hay Lime!
Ang ingay. Masyadong atat. Over magmadali. Akala mo naman mauubusan ng pagkain. Matakaw naman kasi eh!
Pagbigyan na nga!
"Oo na po! Andiyan na po." inirapan ko naman muna ito bago ako tumayo at kunin yung bag ko. At saka na ako naglakad. Unahan ko nga sa paglalakad.
"Hoy! Hintay sandali." lumingon naman ako sa likuran ko at nakita kong habol-habol ako nito.
Hahaha!
Mukhang timang ampucha!
"Gago ka ba?! Masyado kang mabilis maglakad. Nagmamadali ka te?" pabulyaw nito sa akin nang makalapit. Napapikit naman ako dahil inilalapit na nito yung mukha niya sa akin.
Pagmulat ko ng mata ko, nakita kong nakalayo na yung mukha niya sa mukha ko. Nakaharap ito sa akin at masama ang tingin.
Kita ko ang pamumuo ng pawis niya sa ilong at ang paglaki ng kaniyang mga mata. Ganyan yan kapag nagagalit o di kaya'y naiinis o naaasar. Gaya ngayon!
"Nagmamadali ka eh! Kaya nagmadali nga ako." sagot ko na lang at umiiwas ng tingin sa kanya.
Hindi ako takot.
Nagpipigil at iniiwasan ko lang tumawa.
Baka lalong maasar eh!
Hahaha!
"Psh!" mukhang asar na irap nito sa akin bago magpaumunang maglakad.
Hehehe!
"Teka?! Nasaan nga pala yung cafeteria?" nakangusong tanong ko.
Nagkatinginan na lang kaming dalawa dahil hindi nga pala namin alam kung nasaan yung cafeteria.
***
BINABASA MO ANG
Beyond My Expectation
Teen FictionSmall world na nga bang masasabi kung muli silang magtagpo? At mas worst, ay magiging magulo ang pagtatagpong iyon? Lime Desha Bernardo, isang transferee na nadayo sa school na kung saan ay mararanasan nitong makipag-away at umibig. At sa di inaasah...