"Hey Lime" anang isang tinig sa likuran ko na agad ko namang nilingon.
Si Red kumag na naman.
"Oh naparito ka? Iniistalk mo ba ako?"
"Sa dinami dami ng magagandang babae sa paligid ko, bakit pa ikaw iistalkin ko? Kapal. Tsk" sabi nito.
"Dami mong pinamili ah. Tulungan na kita. Kawawa ka naman" baling nito sa mga nakalagay sa cart na tulak tulak ko.
"Huwag na. Baka masugatan ka" pamimilosopo ko.
Tinulak ko naman na ulit yung cart para bumili ng pinamimili ni kuya.
Kita ko naman ang bahagyang pagsimangot ng kumag. Di niya bagay.
"Nah. Lalaki naman ako. So why bother? Tsaka para isipin mo na gentleman naman ako kahit papaano" anito at saka dumampot din ng candies at saka bubble gums.
"Gentledog kamo" bulong ko.
"Ano?"
"Ah wala wala"
"Hindi. Meron yan" pilit niya.
"Wala nga." kontra ko.
Nagkibit balikat naman siya saka nilagay ang mga pinagdadampot niya sa cart ko.
"Hoy kapal mo naman. Ano 'to? Swerte ka? Papalibre ka? Aba tangina ka. Balik mo 'yan" inis na sabi ko.
Ibabalik ko ulit sana yun sa lalagyan pero pinigilan niya ako.
"Ipapasabay ko lang sa'yo. Tsaka ako magbabayad diyan. Huwag kang madepress" mapang-asar na sabi nito.
Inapakan ko 'yung paa niya.
"Aray"
"OA mo. Laki mong tao tapos masasaktan ka lang sa tapak ko. Paisa pa nga" katwiran ko.
Itinaas ko naman 'yung paa ko para apakan ulit 'yung paa niya. Pero agad naman itong yumuko at hinawakan ang paa ko at winasiwas. Bastos.
"Ansaket nun ah"
"Malamang. Winasiwas ko nga eh"
"Bwisit kang kumag ka, layasss" sigaw ko.
Hinampas ko ang dibdib nito dahil sa inis.
"H-hoy teka teka. M-masakit taena"
"Sinusumpa kita sa ngalan ng aking brilyante. Sana maging mens kang Red ka." asar kong sabi.
Nilapit ko ang mukha ko dito.
Amoy alak siya punyeta. Ginawa ba niyang pabango 'yung alak?
"Tsk. Higblood ka na naman. Sige, sorry na" tila boyfriend kong suyo nito.
Asar akong napangiwi. Kadiri.
"Amoy alak ka" puna ko.
"Ah. Actually galing ako sa may bar diyan" pag-amin nito.
"Oh eh bakit naman? Huwag mo sabihing trip mo lang" tanong ko.
Nagbago naman ang kaninag nakangiting itsura nito.
"I saw Mia with another guy" maluha luhang sabi nito. Kaya napatikhim agad ako para hindi matawa.
Eh sa crush niya lang yung Mia eh.
"Ah. Pft-- Ayun 'yung... Crush mo di'ba? Pft-- Ha ha-- Ehem"
'Ampota crush? Dahil do'n? Crush lang? Iinom na siya ng alak? What if pa kaya kung jowa na nito iyon? Baka nagpakamatay na ito. HAHAHA' sa isip isip ko habang pigil pa rin ang tawa.
BINABASA MO ANG
Beyond My Expectation
Teen FictionSmall world na nga bang masasabi kung muli silang magtagpo? At mas worst, ay magiging magulo ang pagtatagpong iyon? Lime Desha Bernardo, isang transferee na nadayo sa school na kung saan ay mararanasan nitong makipag-away at umibig. At sa di inaasah...