Chapter 17

6 1 0
                                    

"Ayos. Solve na solve." hiyaw ni Kael at Karl habang nakataas ang dalawang kamay. Parang bata na katatapos maglaro.

"So Lime. Thank you nga pala dahil you accepted us as your friends. Well, that was... unexpected." ani Justine sabay akbay sa akin. Ang ganda ng ngiti niya. Tila sincere nga.

Tumango naman na ako at saka siya nginitian pabalik.

Well, at first, nakakailang talaga. First time 'to and... unexpected nga.

Unlike sa nauna kong school, feeling famous mga tao do'n. Di namamansin.

Ang aarte pa. Akala mo kung sinong kagandahan.

*****
"Ma pagsabihan mo nga 'yang si Lein. Bwisit. Nakipagtagpo pa talaga sa ex niyang mokong. Tapos kapag nasaktan ulit aatungal na naman" asar na sumbong ni kuya Lei kila mama. Natawa naman ako. Masyadong protective.

"Rupok din eh noh?!" sabat ko kaya nakatanggap ako ng lumilipad na unan at tumama sa mukha ko. Si ate, masama na ang tingin sa akin.

"Sabat ka ng sabat. Pasok ka na nga ng kwarto mo. Mag-uusap lang kami dito. Usapang matanda. Alis" sabi ni papa kaya naman nakanguso kong tinungo ang kwarto ko.

Damot nila eh.

Usapang matanda daw. Anong tingin nila sa akin? Kinder? Walang alam? Aba!

Pagkapasok ko ng kwarto ko, biglang nag-ring 'yung phone ko na nasa ibabaw ng bedside table ko.

Si Athena bruha.

"Oh? Napatawag ka?"

[Available ka ngayon?] tanong nito sa kabilang linya.

Napailing ako. May idea na ako sa galawan nito.

"Sakto wala akong gagawin. Tara na sa mall" pangunguna ko sa sasabihin nito. Natawa naman ito sa kabilang linya.

[Manghuhula ka ba? Paano mo agad nalaman na yayayain kitang mag-mall?]

"Alam ko na 'yang datingan mo. Antayin na lang kita diyan sa labas ng bahay niyo." habilin ko dito bago ibaba ang call.

Napahilamos naman ako sa mukha nang makita kong makalat sa kwarto ko.

Saka na nga lang 'yan.

Hinablot ko naman na 'yung tuwalya ko at saka agad nang tumungo sa cr.

*****

"Mabait din pala mga 'yun" sabi ng babaita habang tumatango tango. Tukoy nito ay sila Karl.

"Hmm. Di pa nga 'ko sure." tugon ko na ikinatingin nito sa akin nang gulat. Nakatanggap ako ng batok mula dito.

"Aray"

"Ulul. Kitang kita mo na nga kanina di'ba? Tangahen ka naman, mawalan ka ng kaibigan diyan" aniya kaya nailing ako.

"What I mean is... Di pa ako sure na makipag-kaibigan sa kanila. Ayusin ko muna sarili ko, siyempre" paglilinaw ko na ikinangiwi nito. Nataas ko naman 'yung kilay ko.

"Kaya ka nga kinaibigan dahil diyan sa ugali mo eh. Pukpukin ko ng kaldero utak mo eh" tugon niya at inambaan ang ulo ko. Bwisit HAHAHA

Natawa naman na ako at napailing. Saka ko narealize ang sinabi ng babaita.

I have to show the real me. Dahil ito ang nagustuhan nila.

"Arat. Cotton candy" hila nito sa akin sa may nagtitinda ng cotton candy. Di na ako makatanggi.

Beyond My ExpectationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon