Lime's POV.
Alam niyo yung nakakainis at masakit? Yung mas masakit pa sa break up? Mga men...
Nauntog na nga ako kanina tapos ngayon... Yung siko ko naman nauntog sa table ko ngayon.
Aray naman anak ng...
"Wait wag kang exaggerated. Hahawakan ko lang naman. Gagang 'to." inis na sabi sa akin ni Athena habang pilit inaabot ang kamay ko dahil panay ang pag-iwas ko dito.
Masakit na nga tapos baka dagdagan na naman niya. Hayop na yan!
Flashback...
"Hahaha! Tatanga-tanga ka kasi ayan tuloy natapilok ka. Ano ha?!" inirapan ko na lang ito at saka hinaplos haplos ang paa kong natapilok. Langya! Naging violet na yung kulay.
"Manahimik ka. Sampalin ko kaya ngala-ngala mo para matahimik ka na. Kaasar ka!" gigil na sabi ko at saka inambaan ito ng suntok na agad naman nitong iniwasan.
"Hahaha! Gaga patingin nga." at saka ito lumapit sa akin at hinawakan ang paa ko sabay pisil sa parte ng paa ko na natapilok na halos maging violet na.
Put tang in a glass...
Araaaaayyyyyyy............
"Hinayupak ka Athena. Bumalik ka ditong hayop ka. Mapapatay na talaga kita. Napakasama mo. Ubod ng samaaaaaaa..........." sigaw ko dito kaya napilitan akong tumayo at pipilay-pilay na hinabol siya.
"Hahaha! Bleehhh... Habulin mo ako. Habulin mo ako. Habulin mo ako. Hahahahaha!!!" pang-aasar nito at mas binilisan pa ang takbo.
Arrrrrrggggggggghhhhhhhh..........
Kainis ka Athena.
End of Flashback.....
"Tanga!" sigaw nito sa pagmumukha ko kaya mabilis ko iyong sinampal. Ano ha?!
"Aray!" daing nito at tinignan ako ng masama.
Tinaasan ko naman ito ng kanang kilay at saka ako ngumisi.
Medyo nawawala na rin yung parang kuryente sa siko ko.
"Alam kong masakit ang sampal Athena wag kang tanga diyan. Maka-aray." irap ko naman dito at hinaplos-haplos ang siko ko.
"Errr... Hayop ka talaga." sigaw nito at nakangusong nag-cross arm.
Ayan na naman po siya...
Sa pagiging pato niya po.
"CR lang ako. Hoy yang bag ko bantayan mo. Wag mong kalkalin may granada yan." nanlalaki ang matang bilin ni Athena at saka na tumayo. Hayop! Granada?! Hahaha!
"Sige sige... Umalis ka na nga. Naiinis ako sa pagmumukha mo." taboy ko dito. Inirapan naman ako nito bago padabog na lumabas ng room.
Edwow!
***
Athena's POV.
"Yung Lime na yun. Makasampal ng mukha akala mo maganda. Mukha naman siyang Maria Leonora Teresa. Ish!" reklamo ko habang pinagmamasdan ang pisngi kong mamula-mula na dahil sa sampal ng bruhilda. Tsk!
Andito ako ngayon sa ladies comfort room. Katatapos ko lang makimeeting sa kalikasan. Siyempre nagsalamin muna ako bago pumuntang room di'ba? Nag-ayos ako ng itsura siyempre.
Shocks! Ang ganda ko talaga.
Busy ako sa paglalagay ng make-up sa maganda kong mukha nang may asungot na tumawag sa phone ko.
Kunot-noo kong tinignan ito pero bakit unknown number.
Ah! Baka naligaw lang?
Inilapag ko na lang yung phone ko sa may lababo kahit ring nang ring at ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos sa mukha ko.
Unknown number eh kaya bakit ko sasagutin?
Ilang saglit pa ay tumigil na rin ito sa pag-ring.
Sinulyapan ko naman ito nang saktong mag-message ito.
From: 09738.....
- Hoy beh! Bakit di mo sinasagot tawag ko? Ate Lein Dezha 'to. Nagpalit ako ng number kasi pinutol ng bwisit na Lei yung sim card ko. Tatawag ulit ako.Ah! Si ate Lein pala. Alam na kaya ni Lime na nagpalit na ng number ate niya?
Hinintay ko na lang ang tawag niya. Ilang saglit pa ay nag-ring na naman ito. Siyempre sinagot ko na alam kong si ate Lein naman yan eh!
"Oh! Ate Lein napatawag ka?" bungad ko dito nang sagutin ko yung tawag. Inipit ko muna yung phone sa balikat at tenga ko para may support. Saka ko na rin iniligpit yung make-up kit ko at lumabas na sa Comfort Room.
"Beh! Hindi ko kasi matawagan si Lime. Naka-off yata phone niya? Nandiyan ba siya?" tanong nito.
"Ah! Actually ate galing ako sa comfort room eh! Pero otw na ako sa room. Why are you calling Lime nga pala ate?" tanong ko rin dito. Tanaw ko na rin yung room namin kaya medyo binilisan ko na ang lakad.
"Pakisabi na lang sa kaniya beh ha?! Pasuyo lang. Sabihin mo nakarating na si Mama at Dada." what?! Si tita at tito? Yieh may pasalubong na naman ako.
"Ah! Opo sige po ate." tugon ko dito at saka nagkamot ng batok.
"Diretso ka na rin mamaya ng bahay ah?! Sige bye..."
"Ok ate... Yieh! Bye bye po....."
Saktong pagdating ko ng room ay ang saktong pag-off nito ng tawag.
"Lime tumawag nga pala si ate Lein." at saka ako naupo sa tabi nito nang hindi man lang siya nililingon.
Rinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.
"Sabe?" maikling sagot nito. Ahy! Bored yan panigurado. "Di man lang ako tinawagan. Tapuyas siya..." maririnig mo naman ang pagtatampo sa pananalita nito.
"Loko ka. Sabi niya naka-off daw phone mo."
"Huh?! Anong?" agad naman nitong kinalkal ang bag at inilabas ang phone. "Ah! Oo nga pala." sabay kamot nito ng batok. Makakalimutin ang bruha!
"Memory Plus Gold na yan." pang-aasar ko dito at pinitik ang noo niya na siyang ikinakunot ng noo niya.
Hehehe! Pikon!
"Ikaw pitik sa akin naman..." sabay hampas ng notebook nito sa noo ko. "Ayan!"
"Aray ha?! Masakit kaya." reklamo ko habang nakahawak na sa noo ko.
"Alam kong masakit ang hampas ko kaya hindi mo na kailangang sabihin. Tanga!" sabay irap nito sa akin. At ako talaga tinanga? Kahiya naman.
"Tsss... Ewan ko sayo." at saka ko binuklat yung libro ko at nagsimula nang magbasa.
Napikon ako eh!
Hay! Basta maganda ako yun na yun.
BINABASA MO ANG
Beyond My Expectation
Teen FictionSmall world na nga bang masasabi kung muli silang magtagpo? At mas worst, ay magiging magulo ang pagtatagpong iyon? Lime Desha Bernardo, isang transferee na nadayo sa school na kung saan ay mararanasan nitong makipag-away at umibig. At sa di inaasah...