Chapter 19

15 1 1
                                    

Dahan dahan ang pagpihit ko ng doorknob para makapasok ng bahay.

"Late ka na. Punyeta ka, pasok!" nagulat ako sa nagsalita.

Si kuya Lei.

Kusot na ang buong mukha nito nang mabungaran ko. Akala ko nga kanina matandang multo na eh.

Pagpasok ko sa loob, andun silang lahat sa sala, naka-upo at matamang nakatitig sa akin.

Katakot shet. Parang sa family picture yung ayos nila. Astig naka-fierce pa.

"Sa susunod sa kalsada ka na tumira." si mama.

"Grounded for two weeks o grounded for two months?" si papa.

"Asan na mga pinamili ko? Tsaka bakit ang bagal mong umuwi?" si kuya.

"Sa susunod sama ako. Tapos meet up kami ng ex ko." si ate.

"What?!" sabay sabay na sabi nila maliban sa amin ni ate. Kay ate naman na nila naituon ang atensyon nila.

"Tsk. Ang OA niyo naman. 9:00 PM pa lang eh." atungal ni ate sa mga ito at kumindat sakin.

Cool ate Lein.

"O-opo. Tsaka totoo naman na mahaba yung pila kanina ah." gatong ko.

Sabay sabay na lumingon sila sa akin.

"Astig ng palusot mo ah. Sige. Dahil diyan, may premyo ka." sabi ni mama at binato ako ng tsinelas niya. Crocs pa.

"Aray mama. Masakit aish." reklamo ko at napahawak sa brasong natamaan.

"Talagang masakit yan. Ka-OA. Hala sige. Umakyat ka na sa kwarto mo bago ko pa pingutin tenga mo." banta ni kuya kaya naman dali dali akong pumanaog pataas ng kwarto ko.

*****

Abala ako sa paglalaro ng mobile games sa computer ko nang may kumatok.

"Pasok!" sigaw ko.

Di ko naman nilock yung pinto.

"Uhm Lime?"

"Oh ate Lein. Ikaw pala yan." sabi ko at saka na itinigil ang paglalaro.

Umupo naman ito sa kama ko kaya tumabi ako.

"Okay ka lang?" tanong nito.

"Huh? What do you mean? Okay naman ako ah." kunot noo at takang sagot ko.

"Ah HAHAHA. What I mean is, hindi ka ba naano? Sa labas kanina? Hmm." paglilinaw nito.

"Ah..." tanging nasabi ko.

Agad namang tumahimik.

"Nga pala... Boyfriend mo ba yung naghatid sayo dito?" tanong at pagbabasag nito sa katahimikan.

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong na yun.

Si Red kumag? Boyfriend ko? Kasuka. Isipin ko pa lang, nandidiri na ako. What if pa kaya kung maging totoo?

Ipinilig ko ang ulo ko. Kung ano-ano nang iniisip ko.

"H-ha? Hindi ah. K-kaibigan ko lang yung Red na yun." tanggi ko. Totoo naman kasi ah.

"Ah..." tanging sabi ni ate. Naniningkit ang mga mata nito at tinitignan kung totoo ba ang sinasabi ko. Di pa nakumbinsi sa sagot ko.

"Totoo yun ate. Ito naman." pilit ko pa dito.

Natawa naman ito.

Si ate kasi, minsan mapang-duda. Tamo eh nakita lang na hinatid ako ni Red, akala eh boyfriend ko na.

Iba talaga mindset nito.

"Sige na. Hindi na kung hindi. Tsaka bakit para kang kamatis diyan? Nagba-blush ka ba? Ayieh!" tukso nito sabay pisil ng pisngi ko.

"Ate naman kasi eh. Nakakakilabot lang yung maisip na boyfriend ko siya. Yuck!" kunwaring nagsusuka pang akto ko.

Natawa naman ulit ito at pasimpleng hinila ang naka-ponytail na buhok ko.

"Shungabels ka talaga. Ambisyosa. As if namang jowain mo siya. Imposible HAHA." tawa nito.

Ewan ko pero awtomatikong napasimangot ako. Maisip lang na imposible-- Huh? No no no. Balit ako malulungkot?

"Labas ka na nga dun ate. Inaantok na ako." tulak ko dito.

"Sige na nga. Goodnight na bunso. Sana mapanaginipan mo yung lalaking naghatid sayo dito. Red ba pangalan? Oo HAHAHA." pang-aasar nito at patakbong lumabas na ng kwarto ko at isara ang pinto. Saktong tumama yung unan sa pinto na sa kaniya ko sana ihahagis.

Kainis. Ibagay ba naman kami?

Itulog ko na nga lang 'to.

*****

"Hoy bruha. Ano't nakatunganga ka diyan?" tapik sa akin ng babaita.

Andito na kami ngayon sa cafeteria. Lunch time na.

"Oo nga. Di makausap eh. Anyare ba?" tanong naman ni Justine. Kasama rin pala namin yung mga bagong kaibigan namin. Wala nga lang si Krizy dahil busy sa paper works.

Napapitlag ako nang may pumitik sa harapan ko. Yung babaita. Sino pa ba?

"H-ha?" maang na tanong ko. Natawa naman sila.

"Kanina pa kami nagkekwentuhan dito at yan, kanina ka pa rin tulala. Ano bang iniisip mo?" litanya ni Athena sabay ngasab ng kinakaing burger. Halatang tense.

"Ah eh wala wala. Whatever!" irap ko at saka na sumubo ng kinakain.

"Oh. Sila Red." turo ni Athena sa mga kapapasok sa cafeteria.

Dahan dahan ang paglingon ko sa mga ito at napalunok.

"Ehem ehem!" mabibigat na ubo ko nang mabilaukan. Nakalimutan kong may subo subo pala akong sandwich.

"Oh Lime, tubig. Tamo eh." sabay abot sa akin ni Justine ng tubig at haplos sa likod ko. Agad ko iyong ininom.

"Dumating lang mga yun eh nabilaukan ka na. May crush ka ba sa mga yun?" tanong ni Kael kaya nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling.

"No way!" kontra ko. Natawa naman ang mga ito.

"Si Red." sabi ni Athena kaya nasamid ako sa iniinom ko.

Anong si Red? Kakilabot.

"Kadiri ka namang bwisit ka. Argh! Ano bang meron sa Red na 'yan?" sigaw nito at saka nagpagpag.

Ingay!

Nabugahan ko pala ng konti palda niya.

"Manahimik ka. Kaltukan kita eh." nanlalaki ang matang bulong ko dito. Saka ko naman hihilain palda niya.

"Argh! Bwisit ka kasi eh." aniya at binatukan ako.

Masakit. Pero ayos lang. Kaibigan ko eh. Baka masapak ko pa.

"Kasi naman. Sabi mo crush ko si ano."

"Sasabihin ko lang naman sana na kaaway mo si--- Uy Red!" aniya habang nakatingin sa likuran ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Ramdam ko ang pagpatong ng kamay sa ibabaw ng ulo ko.

Tumingala ako. 'Yung kumag. Napatayo ako pero di oa rin inaalis kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.

"Join us!" nakangiting sabi nito at itinuro ang table nila. Kita ko namang natulala ang mga kasama ko.

"A-ah! Huwag na. Kasi may gagawin pa pala kami." tanggi ko. Akmang kokontra pa ang babaita sa sinabi ko nang salpakan ko ng fries bunganga niya.

Ngumiti lang naman ang kumag at saka ginulo ang buhok ko.

Nagbago naman na yata ang ihip ng hangin. Si Red ba talaga 'to?

"Okay. So next time na lang." aniya kaya tumango ako.

Ewan ko kung bakit ganito. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Parang nanghihina pa yung tuhod ko.

Bwisit ka Red.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond My ExpectationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon