Lime's POV.
Second day of school. Hay!
Kasama ko ngayon si babaita na naglalakad dito sa hallway. Daldal dito daldal doon. Daldal pa more Athena.
"Grabe talaga yung pinanood namin nila mom and dad kagabi. Nakakatakot. Nakakatakot yung manika. Kung makikita mo lang si mom kagabi, grabe kung tumili. Si dad na nga tumatawa na lang eh! Ang kulit kasi ni mom manood." daldal di'ba? Kinukwento niya kasi yung pinanood nilang Anabelle. Di ko talaga alam kung anong trip nila at nanood pa ng ganun kung matatakot din lang.
Hinayaan ko lang siyang mag-kuwento. Magsasawa rin yan mag-kuwento.
"Naku! Yung manika talaga nakakatakot...Talaga nga namang----- Whaaa!!! Lime..."
"Shit..." napamura na lang ako dahil sa natapon na milktea sa damit ko. Ang tanga din ng nakatapon noh?!
"A-ah! S-sorry miss... I'm really sorry!" agad na tinignan ko ng masama yung babae. Pinupunasan na nito ng tissue yung damit ko.
"Sa tingin mo ba miss matatanggal ng tissue ang amoy ng milktea? Wag tanga miss." inis na sabi ko dito at saka ko hinawakan braso nito para patigilin sa pagpunas sa damit kong natapunan niya.
"S-sorry po talaga. Don't worry. May extra a-akong dalang damit sa locker ko. Y-yun na lang muna gamitin mo." nakayukong sabi nito. Napa-irap na lang ako sa inis at binitawan na ang braso niya.
"Samahan mo ako sa cr. Magpapalit ako ng damit." sabi ko na lang at saka ko na ito hinila.
Naku! Kung lalake lang yan, nasapak ko na. Nanggigigil ako. Babae kasi eh! Malakas pa naman ako manapak. Kaya magandang pagsabihan ko na lang.
"Pangalan?" tanong ko dito habang hila-hila ko pa rin.
"Why---"
"Sagutin mo na lang kasi. Wag kang pabebe!"
"A-ah! Sky... Sky Yamane." sagot naman nito.
"Anong grade mo na? Age?" tanong ko naman.
"Third y-year... 18." sagot nito. Napabitaw naman ako ng braso nito at saka ito tinignan.
"Same age at year naman pala tayo. By the way, I'm Lime. Nice to meet you Sky." at saka ko inilahad ang kamay ko dito.
"Eh?" nagtataka ang mukha nitong tinignan ako at yung kamay ko.
"Ayaw mo? Edi wag." sabi ko at akmang ibababa na ang kamay ko pero agad niya iyong inabot at nakipag-shake hands sa akin.
"Nice meeting you too. Hehehe!" nakangiting sabi nito at saka na bumitaw ng kamay ko.
"Ah! There's my locker." at saka na ito tumakbo papuntang locker nito.Tumingin ako sa paligid ko pero wala si Athena. Saan na naman nagpunta yung babaitang yun?
"Halika sa cr. Magpalit ka na ng damit mo." saka ako hinatak ni Sky papuntang cr. "Sorry talaga sa damit mong natapunan ko ng milktea ah! Hindi ko sinasadya."
"Okay lang yun." nakangiting sabi ko dito kaya pati siya napangiti na rin.
Tinatamad lang akong sumigaw at mang-inis. Kaya swerte ang babaeng ito at wala ako sa mood magpaka-brat ngayon.
***
"Mabuti kasya sayo yang uniform ko. Sorry talaga ah!" kanina pa ito eh! Kanina pa ito sorry ng sorry eh! Isa na lang talaga masasapak ko na ito. Joke!
"Andami mo namang sorry. Sabi na ngang okay lang eh! Tsk! Nga pala, nakita mo ba yung kasama kong babae kanina?" kunot ang noong tanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Beyond My Expectation
Teen FictionSmall world na nga bang masasabi kung muli silang magtagpo? At mas worst, ay magiging magulo ang pagtatagpong iyon? Lime Desha Bernardo, isang transferee na nadayo sa school na kung saan ay mararanasan nitong makipag-away at umibig. At sa di inaasah...