Chapter 7

8 1 0
                                    

Lime's POV.

"How's your vacation?" tanong ko kay mama habang pinapanood ko siyang nagluluto ng dinner namin. Namiss ko na luto ni mama.

"Hay! Mabuti na lang at nagustuhan ni dada mo yung lugar. Alam mo naman yun pihikan. Ang arte! Ah! Pakiabot nga ng toyo anak." reklamo at explain ni mama at inginuso yung toyo sa tabi ko. Agad ko naman itong sinunod.

Wag kayong mag-assume. Hindi kami mayaman at lalong hindi mahirap. Simple lang kami or should we say may kaya? Yes ganun. Lahat naman ng gusto at kailangan namin naibibigay. Kaya no problem.

"Mama oh! Si kuya Lei." agad kaming napatingin kay ate Lein na tumatakbo na papunta sa amin.

"Oh! Anyare ate? Para kang timang diyan." nakangising tanong ko dito na may halong pang-aasar. Agad ako nitong sinamaan ng tingin at saka lumapit.

*Poink!*

Aaminin ko...

Masakit mambatok si ate.

Langya!

Asar at nakanguso kong hinimas-himas yung batok ko. Kainis si ate eh!

"Lein! Pinutol ko na yung sim card mo't lahat-lahat still your finding a way para makausap yang tarantado mong ex?! Iiyak-iyak ka pa. Tanga ka ba?! Papingot nga ng tenga mo para mabawasan na yung inis ko sayo." gigil at asar na ang itsura ni kuya nang lumapit ito sa amin. Nakatingin lang ito kay ate ng masama kaya natawa na lang ako.

Bahala kayo diyan.

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kusina pero may humablot agad ng damit ko dahilan para masama ako sa mahila. Kainis!

Inis kong hinarap yung lokong humila ng damit ko at nagulat nung si kuya yun.

"Tatakas ka?! Tulungan mo si mama magluto kasi may bisita tayo." saka na nito binitawan ang damit ko at muling humarap kay ate.

Oo brat ako.

Pero hindi ko kayang kalabanin si kuya.

Kasi mas brat pa siya sa brat.

Nakanguso akong tinulungan ang tatawa-tawang si mama.

"Hay! Yang si Lei talaga. Palibhasa wala pang nagiging jowa. Ano siya ngayon? Laging mainitin ang ulo. Naku!" iiling-iling na sabi ni mama habang ang tingin ay nasa niluluto.

Makulit din si mama eh!

Kahit nakikita niya kaming nagkakaguluhan nang magkakapatid hala sige tawa pa rin.

Sutil din eh!

"Mama I heard that." napatingin agad ako kay kuya habang pingot-pingot na ang tenga ni ate.

Hahaha! Nakakatawa si ate.

Mukhang timang talaga.

Ngiting-ngiti namang umiling lang si mama at itinuloy na ang pagluluto.

"A-awww... Argh! Kuya naman masakit ah!" at saka hinampas-hampas ni ate yung kamay ni kuya.

"Alam kong masakit ang pingot ko Lein. Wag mo akong gawing tanga. Yan ang napapala ng mga taong matigas ang ulo tulad mo." at mas lalo pang hinila ni kuya yung tenga ni ate. Kaya si ate, ayun nakangiwi na.

*Ding! Dong!*

Agad na napabitaw si kuya sa pagpipingot sa tenga ni ate at tinungo nito ang pintuan. Dun naman nakahinga ng maluwag si ate.

Beyond My ExpectationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon