Chapter 13

26 1 0
                                    

Lime's POV.

Tik! Tok! Tik! Tok!

Punyeta ka talaga Red...

Kasasabi ng hinayupak na yun na hintayin ko siya, tinodo na niya.

Nangangalay na mga kamay ko dahil sa bitbit kong tray. Bibili lang naman ng pagkain gagawin niya pero bakit ang tagal?

"Bwisit!" singhal ko at saka sinipa yung bato sa harapan ko.

Ang kati na ng pwet ko eh!

Kapag ako talaga nabwisit iiwan ko talaga yun dito. Bahala siya diyan magmukhang tanga kakahanap.

"Sorry natagalan." agad ko namang sinamaan ng tingin yung nagsalita. Si Red kumag!

"Letse ka! Ilang oras mo akong pinaghintay sa tingin mo?" asar na singhal ko dito saka ko iniamba yung tray sa kanya.

Bwisit kasi. Kaasar itong kumag na ito. Sarap batukan eh!

"Tsk! Nagpa-autograph pa kasi sakin yung mga babae dun. Eh! Hindi ko naman matanggihan kasi pogi ako." nakangising sabi nito sa akin at saka kumindat. "Tsaka hindi naman kita pinaghintay ng oras ah! Sinasabi nito..."

Ahy! Animal... Feelingero rin ito noh?!

Gwapong-gwapo sa sarili eh!

"Eh! Kung ihagis ko kaya itong tray sa mukha mo. Hmppp!"

"Oyyy!!! Subukan mo. Hahalikan kita."

Anudaw?

Awtomatikong napatakip ako ng bibig sa sinabi niya. Langya! Nakatitig na siya sa kamay kong nakatakip sa bunganga ko.

"Naniwala ka naman? Yuck! As if naman na hahalikan kita... Assumera!" irap nito sa akin at saka na ako nito iniwan. Aba't! Bastos ito ah!

Pinaghintay-hintay ako tapos iiwan lang ako ng animal?

Akala mo pogi eh!

Wala na akong nagawa kundi habulin na lang siya... Mabilis ang lakad nito dahil sa mahahaba nitong mga paa. Pero hindi ako nahirapang habulin siya dahil runner ako eh!

Ano ha?!

***

"Thank you Lime..." pagpapasalamat sa akin ni Sky nang abutin ko dito yung pinamili niya. Grabe! Nangalay kamay ko dun ah!

Tango na lang ang tugon ko dito at saka ako nag-inat ng kamay.

Hayyyyy!!!!!

"Ouch! Fvck you Lime." gulat at agad akong tumingala at nakita ko ang nakasapo sa ilong na si Red.

Oh nose!

Sorry naman!

"Oh! Andiyan ka pala? Sorry ha?! Gusto ko lang talaga mag-inat eh!" sarkastikong sabi ko dito at saka ko na binuksan yung binili kong snacks.

Inirapan lang naman ako nito at saka umupo sa tabi ko. Nakapwesto kasi ako dito sa may lilim ng malaking puno kasama sila Sky at Georgia pangit.

Kung titignan mo ang itsura ni Georgia at ng puno ngayon, magkamukha talaga sila. Mukhang puno kasi ang animal na Georgia at tumabi pa sa puno.

Beyond My ExpectationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon