"Sino ba yang jowa mo na yan?" tanong ko dito habang hinahaplos ko yung likod niya.
Kawawang Ruru! Sinaktan yung feelings...
Yan ang mahirap sa mga lovelife natin eh! Mamahalin mo ng sobra tapos sa huli iiwan at sasaktan ka? That's why I hate having a jowa.
Yung sa una lang kayo masaya, tapos sa huli iiyak ka dahil nasaktan. Hayst!
"Bobo!" rinig kong bulong nito kaya napanganga ako at saka siya tinulak.
Hanudaw? Bobo?
Kino-comfort ko na nga tatawagin pa akong bobo? Aba! Talaga ito ah!
Pasalamat nga siya kino-comfort ko pa siya tapos handa pa akong makinig sa kaniya but then tinawag akong bobo?
"Sinong bobo?" tanong ko nang maitulak ko siya. Napatingin naman ito sa akin ng masama.
"Hindi ko yun jowa, okay? M-Mia is just my crush." ang sabi nito at saka umiwas ng tingin. Nag-init naman ang mukha ko.
Akala ko kasi talaga jowa niya eh! Ang OA kasi kung maka-iyak. Wala naman palang label.
"Dapat nilinaw m-mo kanina." ang sabi ko at saka napa-iwas ng tingin. Napahiya ako dun ah!
Sarap bigwasan ng animal na Red na ito. Grrr...
At dahil sa inis ko, napa-irap ako dito at saka siya inambaan ng suntok. Ngunit para siyang babae na nagtaas ng kilay at saka ngumisi.
"Sana all concern." ang sabi nito at saka naman napatawa.
Sobrang nag-init ang dugo sa kaniya kaya agad ko siyang tinapakan sa paa. Napa-aray naman ito at saka ako tinignan ng masama. Binelatan ko lang ito.
"Tsss... Back to work na nga." asar na nasambit ko at saka na siya iniwan doon na iika-ika.
Habang naglalakad naman, napahawak agad ako sa balikat ko at naisip ang nangyari kanina. Parang... Parang iba sa pakiramdam na may taong pinagkatiwalaan ka at bigla kang yayakapin.
Ang sarap lang sa feeling.
Habang nagmumuni-muni, bigla naman akong natigilan nang mahawakan ko ang basang parte sa balikat ko. I-ito ang luha ni Red panget.
Yaks!
"Hayaan na nga." bulong ko at saka isinawalang bahala ang pagkabasa ng damit ko. Nagtuloy na lang ako sa paglalakad at lumapit na kina Sky na nagtatanggal na ngayon ng mga walang kwentang damo.
"Oh Lime. W-where's Red?" ang biglang tanong ni Sky nang hindi man lang lumilingon sa akin. Patuloy pa rin ito sa kaniyang ginagawa.
"Ahhh... Andun. Iniwan ko. Nagda-drama eh!" ang sagot ko sabay hablot ng walis sa tabi ko. "Tayo ka muna at magwawalis ako." ang nakangiting sabi ko dito at saka tumayo. Napatango rin naman ito at saka na tumayo at lumipat ng puwesto.
"Pasintabi po sa mga engkanto at ako'y magwawalis." ang medyo pasigaw na sabi ko at saka napatingin kay Georgia. Pero parang wala itong narinig eh! Patuloy ito sa ginagawa kaya hinayaan ko na siya.
Bahala siya diyan.
Sinimulan ko na ring magwalis. Letse kasi. Andaming damo. May hardinero naman dito sa school. Eh! Bakit hindi nila ito napagtuunan ng pansin?
"Nakakaasar naman oh!" ang bulong ko habang nagwawalis walis. Hindi ko na inalintana ang mga nababangga ko dahil sa pagwawalis ko. Wala akong pake!
"Sumusobra ka nang bruhilda ka ah!"
Agad naman akong natigil sa aking pagwawalis nang marinig ang sigaw na 'yun. Nagkibit-balikat naman ako at saka walang anu-anong napatingala.
Doon ko naman nakita ang mamula-mula na sa galit na si Georgia habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa akin. May mga damo damo rin ito sa damit na lalong ikinatawa ko.
"Pft!" nagpipigil tawang ani ko habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.
"At natutuwa ka pa?" sigaw nito at agad akong sinunggaban na agad ko naman inilagan.
"Oh! Walang pikunan. Walang ganyanan. Di'ba nga sinabi ko na kanina na magwawalis po ako? Ha?! Narinig mo naman siguro 'yun noh?! Ateng?! Sa susunod kasi maglinis ka ng tenga mo at para marinig mo ang mga sinasabi ko. Ha?! At sa susunod 'wag kang tatanga-tanga. Letseng hinayupak naman oh!" asar na sabi ko at saka padabog na inihagis ang walis sa kung saan. Nakakatangina lang kasi eh!
"Napaka-bobo. 'Dun ka sa basura tanga." sigaw ko dito at saka na siya iniwan doon na tulala. Aba naman kasi eh! Tsk!
Siya na nga itong binilinan kanina tapos sasabihin niyang sumusobra na daw ako? Eh! Kung ingudngod ko kaya sa damo 'yang makapal niyang mukha na 'yan? Nakaka-letse.
"Balita ko---"
"Huli ka na sa balita, gago." asar na na sabi ko at saka tinadyakan 'yung bato sa harapan ko. Saka ko rin ito nilingon.
"Suplada." rinig kong bulong nito kaya pinaningkitan ko ito ng mata. Isa rin itong Red na ito eh!
"Bagay kayo ni Georgia. 'Dun ka na." sigaw ko at saka siya tinulak. "Bwisit!" I suddenly uttered. Tinalikuran ko naman na ito at akmang hahakbang pa lang nang maramdaman ko ang mainit nitong kamay sa aking pulsuhan.
Napalunok naman ako dahil sa weird na nararamdaman ko. Grrr...
"Andito lang ako." ang bulong nito sa tenga ko at saka na ako iniwang tulala doon.
Napahawak ako sa tenga ko. Ang malambot niyang labi. Ang mainit niyang hininga. Nakakakiliti at... Nakakakadik--- Hanudaw?!
"Anong iniisip mo Lime? Nabubuang ka na ba? Grrr..." ang kausap ko sa sarili ko at saka na umalis doon.
BINABASA MO ANG
Beyond My Expectation
Teen FictionSmall world na nga bang masasabi kung muli silang magtagpo? At mas worst, ay magiging magulo ang pagtatagpong iyon? Lime Desha Bernardo, isang transferee na nadayo sa school na kung saan ay mararanasan nitong makipag-away at umibig. At sa di inaasah...