Hahaha!
Yung itsura talaga ni mama ngayon hahaha!
"Pero principal... We can still fix this right? Transferee lang yang anak kong yan tapos... Tapos... Suspended? At community service? Agad-agad?" tila hindi makapaniwalang sabi ni mama. Habang si dada naman, nakangisi lang. Support yan sa pagiging brat ko eh! Kaya love na love ko yan.
Andito kami ngayon sa guidance office. Siyempre kasama yung Red na ulul.
Hahaha!
Oh yeah!
Haluuu guidance hahaha!
"Misis yun na nga po. Transferee tapos makikipag-away? Well, hindi po pwede yun." sabi ng principal naming mukhang pwet. Ewan, napapangitan ako eh!
"Principal yun na nga po. My daughter is just a transferee kaya dapat excluded siya. You can monitor her na lang if you want. Observation is not a bad thing, am I right Principal?" taas-baba ang kilay na explain ni dada dito sa principal naming panget.
Hahaha! Cool!
"But Mr. Bernardo---"
"Excuse me Mr. Bernardo but... your daughter started the fight am I right? She also hurt my son so why do we need to exclude her?" depensa ng tatay yata ng Red na yun?
"Who forced her to fight then? Ano? Hindi basta-basta nananakit at nakikipag-away yang anak kong yan kung walang rason. Palaban yang anak ko na yan. Kung nilait mo siya at kung pinagmukha mo sa kanyang mahina siya kasi babae siya, hindi yan magdadalawang-isip na lumaban. That's my daughter. At alam kong ginawa nila yun sa kanya kaya niya nagawa yang bagay na yan." hindi din patalong sabi ni dada. Sabi ko na nga ba eh! Makikipag-sumbatan yan.
"So you're telling Mr. Bernardo that---" naputol ang sasabihin ng dad ng Red na yun dahil sa agad na pagtikhim ng principal na siyang nakakuha ng atensiyon namin.
"Okay... Para walang away between you Mr. Smith and Mr. Bernardo, whole day po na magko-community service ang mga anak niyo starting tomorrow. Sa garden na lang ang lilinisan nila. And that's the final decision." seryosong sabi ng principal habang nakapatong ang kanyang magkasaklop na mga kamay sa table niya.
"Agree... Alam ko namang kayang gawin yan ng anak ko. Besides, sanay na siya sa gardening." nakangising pag-sang-ayon ni dada.
"Agree na rin ako." sang-ayon din ng dad ni Red na ulul.
Pati ang parents ng babaeng hipon sumang-ayon na rin. Samantalang si Sky, dad ni Red ang nakipag-usap na lang para kay Sky. Magpinsan naman daw eh! Busy daw kasi parents ni Sky.
Paglabas ng guidance office, agad naman akong piningot ni mama.
"Kapag nakipag-away ka, wag kang tumunganga kapag may umawat na guard or teacher na. Ang dapat mong gawin, tumakbo. Tumakbo ka para di ka mahuli ng mga yun at dalhin ng guidance. Hay! Hindi kita pinalaking ganyan Lime. Di'ba sabi ko na sayo, dapat maging alert ka. Maging alert ka lagi." sermon ni mama. Sermon na yan sa akin kahit sa tingin ng iba kunsinti. Oo! Ganyan manermon si mama. Nanenermon na nangungunsinti.
Napangiwi na lang ako nang bitawan na ni mama yung tenga ko. Agad ko iyong hinimas at... Psh! Ang init na. Sa tingin ko namumula na eh!
"That's my girl. Very good Lime. Always remember..." nakangiting sabi ni dada. "Don't let your enemies defeat you. Be strong and brave enough and fight if necessary." sinabayan ko na si dada sa bilin niya na lagi naman niyang sinasabi.
Cool parents!
***
Red's POV."I'm so dissapointed on you Red Daniel. Second day of school? Na-guidance ka?" galit na sabi ni dad at saka nito hinilot-hilot ang sentido. "Hindi kita pinalaki ng ganyan Red. At hindi kita pinag-aral para ma-guidance. Ano? Nakakahiya ka Red. Nakakahiya." iiling-iling na dagdag nito.
Nakayuko lang ako habang sinesermonan ni dad. Actually, ngayon lang ako na-guidance.
Badtrip!
Badtrip talaga yung babaeng yun. Umawat lang naman ako. Pero bakit ako na-guidance.
Humanda talaga sa akin yang Lime na yan.
***
A/N: Sorry for the short update guys. Hehehe! Busy ako eh!
Nga pala, natripan ko lang yang away-away tsaka punishment na yan. Wala eh! Cute ako
BINABASA MO ANG
Beyond My Expectation
Teen FictionSmall world na nga bang masasabi kung muli silang magtagpo? At mas worst, ay magiging magulo ang pagtatagpong iyon? Lime Desha Bernardo, isang transferee na nadayo sa school na kung saan ay mararanasan nitong makipag-away at umibig. At sa di inaasah...