Lime's POV.
Hawak walis and dustpan. Handa na sa anumang tagubilin. Lime at your service!
Ngayong araw na ito ay gaganapin na namin ang utos ng principal. Ang punishment namin na community service. Hindi naman ako umangal kasi medyo may alam naman ako sa gardening. Garden yung lilinisan namin kasi special itong garden na ito dito sa school. Bukod kasi sa maganda, maayos at sariwa rin ang hangin dito.
"Gosh! Why so init. Ugh!" reklamo ni girl gaspangin ang kamay. Ginagamit nitong paypay yung magaspang niyang kamay. Ang arte din nito eh! Hindi naman kagandahan. Kung tutuusin nga mas maganda ako diyan eh!
Nakakapunyeta talaga yang babae na yan. Kailan lang kami nagkita pero mainit na agad dugo ko diyan. Ewan ko ba. Dahil siguro sa kapangitan nitong taglay.
Sariwa naman ang hangin pero ewan ko ba kung bakit naiinitan yung isa diyan. Dahil siguro naka-jacket ito at pants tsaka naka-gloves pa. Di'ba? Sino pa ba ang hindi maiinitan sa outfit niya na yan?
Tanga lang eh!
"Hoy ikaw, magtrabaho ka na lang diyan ah! Wag kang mareklamo." mataray na sabi ko kay Georgia.
Kanina pa kasi yan nagrereklamo. Hindi naman maganda. Ako nga na maganda hindi nagrereklamo, siya pa kaya?
"Tsss... Whatever!" sabay irap nito. Langya! Ang pangit!
Nakakagigil yung itsura pati ba naman ugali?
Mukha pa lang nakaka-stress na.
At para hindi ma-stress, SOUNDTRIP!!!
\(^O^)/
Sinimulan ko nang ikinabit yung earphones ko sa phone ko at saka ko na ikinabit sa tainga ko. Yeah! Music!
Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi namin kasama si babaitang Athena. Well, hindi naman talaga siya involve dito. Umawat lang naman siya. Kaya hindi siya na-punish.
Sa una, gusto niya ring ma-punish kasama ko pero inaway ko eh! But not literally na away. Yung joke lang. Pinagsabihan ganun. Eh! Basta!
"Nasaan na ba si Red?" rinig kong tanong ni Sky. Nagkibit-balikat na lang ako at saka ko na plinay yung music.
Everytime I hear the music playing, I can feel the peace and being calm. I'm really comfortable when it comes to music. Everytime na may gagawin ako, I'll just play the music and the stress that I'm thinking because of lot of works will gone. Music makes me smile and feel comfortable.
Now playing: Clap by Seventeen
I really like this music.
Since noong una kong narinig yamg music na yan, natuwa agad ako. And ayun, dinownload ko yan at yan na ang madalas kong pinatututugtog.
"Oh! Red bakit ngayon ka lang?" rinig kong sabi na naman ni Sky at na siyang dahilan upang tumingin din ako sa tinitignan niya.
*Gulp!*
"Gosh! He's so hot!" sabi ni Georgia na pangit habang nakatitig kay Red.
Well, hot nga----- Wait! Huwaaaattttt?????
No he's not hot!
Bakit ba kasi yan naka-topless? Nakikita ko na tuloy yung pandesal niya. Tsk! Tapos may pawis na. Hindi pa nga yan nagsisimulang mag-trabaho pawisan agad?! Nakakapunyeta ka Red.
"Georgia girl. Samahan mo ako magbunot ng mga damo dun." sabi ni Sky na agad namang sinunod ni Georgia.
Napansin siguro ni Sky yung titig namin--- I mean ni Georgia na pangit sa pinsan nito.Nakalayo na yung dalawa mula sa amin kaya dun naman nakakuha ng chance si Red na tanggalin yung earphone ko mula sa tenga ko na siyang dahilan upang samaan ko siya ng tingin.
"Anong---" magsasalita pa sana ako para awayin siya pero pinutol niya yung sasabihin ko dahil nagsalita siya.
"Alam kong guwapo at hot ako. Kung makatitig. Kung gusto mo hawakan mo yang abs ko." nakangisi nang sabi ni Red. Ano?! Punyeta! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya? Hindi ko man lang namalayang nasa harapan ko na siya.
Langyang pandesal kasi.
"A-ang kapal m-mo. Alis ka nga s-sa harapan k-ko." taboy ko dito.
Ewan ko ba pero naiilang na agad ako sa kanya. Matapang naman ako. Oo! Matapang ako.
"Talaga? Eh! Bakit ganyan ka magsalita?" malanding sabi nito. Ampucha! Kalalakeng tao ang landi.
Aaminin ko na nga, yung tapang ko unti-unti nang nawawala dahil kay Red. Oo! Punyeta lang.
"Ang landi mo noh?! Ish! Oras ng trabaho ngayon hindi landian." sabi ko dito at saka ko na ito tinalikuran.
"Ah! So kapag tapos na akong mag-trabaho, pwede na kitang landiin ganun?" taas-baba ang kilay at nakangising sabi nito nang lingunin ko.
Ang kapal!
Alam kong pinagtritripan lang ako nito. Kaya hindi ko talaga ito papatulan. Tsaka bakit ko naman papatulan, enemy ko naman yan. Tsaka, ang sungit at yabang niya. Ang pangit lang di'ba?
"Hindeee....." sigaw ko dito bago ako tumakbo palayo sa kanya.
Narinig ko pa ang naging malakas na tawa nito habang tumatakbo ako dito palayo.
Baliw ba siya?
"Oh! Bakit naging kamatis na yang mukha mo Lime. Ang pula na ng mukha mo." tatawa-tawang sabi ni Sky nung pagkarating ko sa puwesto nila at nung tignan niya ako.
Hindi ko namalayan na nakarating pala ako dito. Nakita ko na naman yung mga masasamang tingin sa akin ni Georgia. Kaya pasimple ko itong tinaasan ng kilay. Psh! Ang pangit niya talaga.
Gusto ko mang sabihin kay Sky na, 'Yung pandesal kasi ng pinsan mo. Ang hot kasi niya tapos nilalandi ako?'
Pero...
Hot nga siya. Aaminin ko. Pero kapag sinabi ko yun, baka marinig lang ako ni Red. Tapos aasarin ako. Malay ko ba kung sinundan ako ng Red na yun.
"Ah! Hehehe! Ang init kasi." katwiran ko na lang. Tsk! Nakita ko pa ang bahagyang pag-irap ni Georgia magaspang ang kamay.
Ang pangit niya pa rin.
"Ah! Okay... Nga pala Lime, hindi pa namin nadidiligan yung mga halaman. Pwedeng ikaw na lang?" tanong ni Sky sabay kamot ng batok.
Okay na rin yan para hindi na ako kulitin ni Red. Mabuting mag-busy busy na muna ako dito at baka makarate ko pa yung Red na yun.
"Ah! Sige!" pagpayag ko at saka ko na itinabi yung mga hawak ko at saka ko na kinuha yung host para diligan na yung mga halaman. Tsk!
***
BINABASA MO ANG
Beyond My Expectation
Teen FictionSmall world na nga bang masasabi kung muli silang magtagpo? At mas worst, ay magiging magulo ang pagtatagpong iyon? Lime Desha Bernardo, isang transferee na nadayo sa school na kung saan ay mararanasan nitong makipag-away at umibig. At sa di inaasah...