UNCRUSH
Nakasimangot na pinagmamasdan ko syang tumawa sa kung anong lame joke ni beltran. wala namang dulot ang isang yon sa mundo pero inis na inis parin ako sakanya.--ano bang nakakatawa sa sinasabi non?
Hindi sya maganda...
kababaeng tao bukang-buka ang bibig kung tumawa eh. tapos mukang dayami pa ang buhok sa sobrang gulo. nagsha-shampoo ba sya? parang nagbi-binata rin ang boses.
"Kapag yan natunaw, kasalanan mo."
Gulat na napalingon ako sa nagsalita. inismiran ko ang bespren ko. "ano ka ba bat ka sumusulpot bigla?!"
"taray naman po." nakangising sabi ni nicole.
Tumalikod na ko at itinuon ang paningin sa binabasa kong libro.---O kung binabasa ko ba talaga...
Bakit ang manhid manhid nya?
nung isang araw nakasalubong ko sya sa hallway, dumaan sya sa harapan ko na parang sya ang may-ari ng paligid at pinahihinto iyon kapag darating na sya. tama ba yon?
"sino ba sya sa akala nya?!!" naiinis na sabi ko sabay lingon ulit sa pwesto nila. masaya parin silang nag-uusap ng manliligaw nyang gangster pumorma.
"Alam mo bes, para kang timang eh noh? Ikaw lang yung kilala kong nagkaka-crush na halos isumpa yung crush nya."
crush? anong crush pinagsasabi nitong bespren ko? marahan ko syang tinignan. "ano kamo?!" singhal ko kay nicole.
Halos mapatalon naman sya sa gulat. "bat ka naninigaw?"
"Bat mo ko inaakusahan dyan?"
hindi makapaniwala ang itsura nya. "ano? anong inaakusahan ka dyan? nababaliw ka na?"
"bat mo sinasabing crush ko sya?"napabuntong-hininga si nicole. "bes, wag ka magalit sakin. sinasabi ko lang yung obvious na bagay."
"anong obvious na bagay?!!" sigaw ko ulit.
"wag moko sigawan angelica!" napapikit na mariing sabi nya habang nagpupunas ng muka. natalsikan yata sya ng laway ko.
tsh, pake ko ba? "Wag mo kasi ako sinasabihan ng kung ano-ano."
"Dati ko pa to sinasabi sayo ah... Wala ka namang pake, ini-ignore mo lang. bat ngayon ganyan ka umakto ha? oarang sinabihan kita na kriminal ka ah." sigaw na din na sabi nya.
Paglingon ko sa paligid ng cafeteria, may mga kapwa namin students na ang pinanunuod kaming magtalo. as if i care. mga wala naman silang ambag sa buhay ko. speaking of walang ambag...---Nilingon ko sila beltran.
Nakunot ang noo ko ng magkatitigan kami ni dela cruz...
---------------------------------------------------------
Yan na naman ang mga tinginan ni ms.mataray sakin jusko! tila ba gusto akong lapain eh. ano bang kasalanan ko sa kanya?
Mula kasi noong maging classmates kami ganyan na ang trato nya sakin. i mean, mataray sya sa lahat pero iba pagdating sakin. para bang may galit. at kung galit man sya, bakit naman? anong dahilan? sa pagkaka-alala ko wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
tinry ko pa nga sya kaibiganin...
---------------------------------------------------------
Aba't nakuha pa talagang makipagtitigan ah! ano, gusto ba nyang basahin ang nasa isip ko?
wala sa loob na sinulyapan ko ang bubuyog na katabi nya.---ang walang dulot na si beltran, pabulong-bulong na naman. ano ba kasing saysay ng mga sinasabi ng isang yon?
inis na binalik ko ang tingin kay nicole. atleast sa bespren ko hindi magkaka mikrobyo ang mga magagandang mata ko.
Nakatingin lang din sya sakin...
"O baket?" mataray na tanong ko.
"bakit kasi ayaw mo pag-usapan naten?"
"ang alin ba?"
"bes, alam kong abnormal ka. pero di ka makakapag lie sakin. kilala kita. Parang mas kilala pa ata kita kesa ikaw mismo sa sarili mo eh. you know... it's okay. walang mali sa feelings mo. just admit it."Ano bang pinagsasabi nito? what on earth is she saying? ano bang iaadmit ko? anong feelings?---oh yeah about that...
"Hindi ko sya crush. hindi ako nagkaka-crush. naiinis nga ko sa presensya nya eh paanong naging crush ko si sam?"
iiling-iling si nicole. "grabe bes, sa bagay pala na ito ka bobo." oagkasabi nya ng bobo ay humalakhak sya.
Medyo nainsulto ako. Inis na hinampas ko tuloy ang libro sa mesa.--At nagtinginan na naman ang mga palaka sa amin. tsh! wala pa rin akong pakialam.
"what's so funny?"
"bat ba lagi kang nakasinghal? wag mo sakin ibuhos ang galit mo kung nagseselos ka sakanila."Nagseselos? ako, nagseselos?
Hindi ako makapaniwala. Napanganga pa ko pero with poise yun. Wow! anong klaseng kaibigan ba ang meron ako?
Pagsasalitaan ko na sana sya ng biglang tumunog ang bell...
mabilis na naghulasan ang mga palaka sa cafeteria, maliban sakin. I'm a very compose human. di ako madaling kabahan o nerbyusin.
"we'll talk later pag-uwi ha? wag ka magkakamaling iwan ako, ica." Sabi ni nicole sakin habang papalayo na sya, palabas.
Tinignan ko lang sya hanggang sa tuluyan na syang wala. pesteng yon! palagi syang pumapasok sa maling oras.
"Hey."
"ay palaka!" gulat na nasabi ko ng may tumapik sa balikat ko. Anak ng! sa lahat ng ayoko yung nagugulat ako.
"sorry..."
it was her! oh fuck! Hindi ako Lilingon. What on earth is she doing? Hinawakan ba nya ko? hindi ako lilingon. hindi ko sya titignan.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita syang maupo sa binakanteng upuan ni nicole. fuck!
nakangiti ba sya?
"Did you just touched me?" Mataray na sabi ko sa kanya. hindi nya ko madadaan sa ngitian nyang parang ngiti ni joker.
"napansin ko kasi nagpapaiwan ka lagi dito eh."sa halip ay sagot nya.
tinaasan ko sya ng kilay. "So, anong paki mo?"
"Baka lang kasi kako kailangan mo ng kausap."
I'm a very compose human. Di ako madaling kabahan...
Hindi ako....
oh fuck! I need water. napalunok ako aabay mabilis na tumayo, niligpit ang mga gamit ko at sinukbit ang bag. Gosh! i can't stand her annoying presence. agad akong naglakad palabas ng cafeteria.
takbo-lakad ang ginawa ko.
Nang marating ko ang locker ko ay hingal na hingal ako. Kainis. sino sya sa akala nya para hawakan nalang ako basta? at ang lakas ng Loob na ngitian ako. parang sasabog ang dibdib ko sa inis...
---------------------------------------------------------
so let's just say...
GAYSSSSSS!!!
hahaha
-slide
BINABASA MO ANG
Uncrush
Romance"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...