"Uncrush"
10:55 A.M
Gosh! Napabangon ako bigla at frustrated na tumunganga. Hindi man lang ako nakatulog maski limang minuto. ilang beses akong lumabas para silipin ang mga kaibigan ko sa kabilang kwarto,-----Na mahimbing paring natutulog.----At nagkandahaba-haba naman ang leeg ko kakaabang sa pagdating ni ica.
tanghali na, wala pa sya. inaabot ba talaga sya ng ganitong oras sa pagja-jogging?
Na kila nicole kaya sya?
Naiinip na nagpasya nalang akong bumaba at maglakad-lakad sa malawak nilang sala...
Dalawa lang sila ng tita nya dito
at parang hindi pa yata sila madalas magkita.
Napatitig ako sa picture frame na katabi ng flower vase na wala namang flower...----Medyo malungkot ang bahay na ito kung magpapakatotoo ako
Wala sa loob na Marahan ko iyong hinaplos
Ito kaya ang mommy ni ica?
"Hey..."
"Ay lamang lupa! santisima!" gulat na sabi ko sabay hawak sa dibdib,-----Para akong aatakihin sa puso ng dahil sa tatlong rason.
una, si ica.---Umingay ang buong paligid sa tunog ng tawa nya
pangalawa, si ica.----hindi ko alam kung nanigas ang katawan ko o nanlambot dahil nasa harapan ko sya
pangatlo, si ica.---Nakatitig na naman sya sa mga mata ko
I think i died right there and then.
"you ok?" nakangiting tanong nya.
i don't know...
panaginip ba ito?
kasi kung oo, ayoko ng gumising. kung panaginip ito at dito ay ganito sya, matutulog na lang ako...
kung hindi naman, mukang matindi ang tama sakin ng alak. hindi ko alam kung ilang beses nya kong nginitian... tinitigan.
kinakausap nya ko sa paraang hindi ko talaga inaasahan
God she's really unbelievable!
"ikaw... ok ka lang ba?" Balik-tanong ko din
Hindi sya agad sumagot, sa halip ay sinulyapan nya ang nasa likuran ko. napansin kong parang naging malungkot ang mga mata nya pero hindi nya iyon ipinahalata.
"well I've lost 10 pounds today!" Masiglang sabi nya saka nagtungo sa kusina. Binuksan nya ang ref at kumuha ng tubig.
"Kumain kana ba?" gosh! my mouth!
Hindi na naman sya agad sumagot,-----parang may bigla syang naalala. pinagmasdan ko lang sya at hinintay na magsalita.
"uhm, do you know how to cook?"tila nahihiya pang tanong din nya.
tumango ako. "yung mga basic lang, bakit?"
prito, gisadong gulay at nilaga!Lumiwanag ang itsura nya. "e kasi balak ko sana kayong ipagluto ng lunch kaya lang di naman ako marunong. so... ayun, iniisip ko kasi kanina pa kung mag take-out nalang ako sa fast food, tinanghali tuloy ako."
Kelan pa sya naging masalita?
at kelan pa sya natuto magpaliwanag?Sino ba itong angelica na nasa harapan ko ngayon?
kailan pa sya nagkaroon ng pakialam sa kapwa nya? well i mean... alam kong hindi naman talaga sa wala syang pakialam pero ibang-iba talaga ang ica na ito.

BINABASA MO ANG
Uncrush
Romance"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...