"Uncrush"
Nanlalaki ang mga mata ni nicole ng makita ako.--Natuwa tuloy ako. Halos isang beses lang kasi ako nagpakita sa kanya nung sem-break at bihira ko pa syang kausapin.---At hindi ko pa din balak na ishare sakanya ang mga nangyari sakin. samin ni sam...
Nakanganga siya ng lapitan ko sya at yakapin.
"i miss you." Nakangiting sabi ko.
"O-Em-G!! Sino ka? nasan ang bespren ko?" Gulat na gulat na sabi naman nya. Hindi sya mukang umaarte lang na hindi nya ko kilala kaya lalo akong natuwa.
Effective ang treatment sakin ni Carla...
"Ako to baliw."
Umiling sya. "no, hindi ikaw si ica. sino ka ba talaga?! ibalik mo ang bespren ko!"Nawala ang ngiti ko ng makitang naluluha na sya. "Hala bes... over acting?"
At tuluyan na nga syang naiyak...
Geez!
"uy.. ano ba Nicolette para ka namang sira eh. bat ka umiiyak? hindi ka ba masaya na malaki ang pinagbago ko?"
Bigla nya kong hinampas sa braso...
ouch!!! "ano ba?" mababa ang tinig na reklamo ko. I can't afford to shout at her anymore, lalo na umiiyak pa sya. Ayoko talaga ng may umiiyak.
"bat hindi mo ko tinatawagan? ni hindi ka nagrereply sa mga text ko ah. anong pinag gagawa mo sa sarili mo? wala akong balita sayo sa buong sembreak, kaya hindi talaga ko matutuwa!"
natameme ako
wow! ganyan pala sya magalit? for the past three years hindi nya ko sininghalan ng ganito. Nakonsensya tuloy ako dahil tiniis nya ang ugali ko for three years.
sinuyo ko sya...
"sorry na." Malambing na sabi ko saka niyakap sya ulit. "kukwento ko naman sayo eh." sabi ko pa habang hinahaplos-haplos sya sa buhok.
umiiyak parin sya pero niyakap na din nya ko
"grabe, parang ibang tao ka.."
"Binawasan ko lang ang pagiging mataray... saka hindi talaga maganda yung palagi na lang akong may galit sa mundo. Sinunod ko kaya ang payo mo sakin."
Kumalas na kami sa isat-isa...
"miss na miss kita bruha ka. ano bang pinagka abalahan mo?"
Ngumiti ako at pinahid ko ng kamay ko ang luha nya. "Nagte-therapy."
"talaga? kumusta naman? magaling ba therapist mo?"
Tumango-tango ako. "she helped me a lot."
Naglakad na kami papasok ng campus...
Kinuwento ko sakanya ang mga naging sessions ko.---kung ano ang mga bilin ni carla, mga dapat kong gawin at mga salitang dapat kong sabihin. pinahapyawan ko rin ang ginawa kong pagtulong kila sam...
at sobrang limitado ang mga detalye.
Hindi pa ko handang umamin sa kanya
pero aaminin ko naman, kailangan ko lang ng konting panahon pa.
Tinignan nya ko ng makahulugan...---Very familiar na sakin iyon kaya nag-iwas ako ng tingin. yun kasi ang tinginan nyang nagsu-suspetya at alam kong kapag ganun na sya tumingin ay kukulitin na nya ako.
pinahid ko ang noo ko... Geez! bat ba ko pinapawisan? sana naman hindi na muna nya ungkatin ang tungkol samin ni sam.
Narating namin ni nicole ang locker

BINABASA MO ANG
Uncrush
Romansa"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...