*Coming Out*

1.9K 68 2
                                    

"Uncrush"

Sam's POV

[Flashback]

nagmamadaling bumalik ako sa building namin matapos kong makipagusap kila vallejo.---o mas sakanya lang talaga dahil mabait sya at mahinhin. Gosh, tapos na ang official lunch break pero ni hindi man lang ako nakainom maski tubig.

Takbo-lakad na ang ginawa ko dahil for sure hinihintay parin ako ng team

Maswerte ako wala si coach,---May pilay daw kaya baka sa mismong game na sya magpakita.

Pagdating ko sa hallway ay agad kong natanaw si nicole...

nakasandal sa pader at tila may inaabangan.

"hey..." Bati ko sakanya ng makalapit ako.
"uy andyan kana pala kanina pa kita hinihintay eh."
"bakit ano yun?"

Hinatak nya ko patungo sa hagdan,---lumilingon lingon din sya sa paligid. wala naman akong nagawa kundi sumunod nalang...

Wala ng ibang tao dahil nasa mga kanya-kanya ng classroom.

"alam na ni ica yung about sa pag-out mo... sorry, nadulas ako eh."

Jusko! hindi ako agad nakareact. hindi ko kasi alam ang mararamdaman o sasabihin. hindi ko alam kung big deal ba ito.---pero paano na lang kapag nalaman na ng parents ko?

May mga taong handa akong tulungan na tanggapin kung sino ako...

at alam kong may mga tao din na hindi tanggap ang ganitong pagkatao.

Kaya paano na?

"uy.. galit ka ba?" untag ni nicole.

tinignan ko sya at nginitian. "no, it's ok. thank you for telling me."

"nga pala bat mo kasama sila de lara?"

Napabuntong-hininga ko. "yun nga eh... alam na din ng kabilang department. sa dami ba naman ng mga students dito na mahilig makisawsaw, di na ko magtataka kung makalipas lang ang isang araw buong campus na ang nakakaalam."

"ok ka lang ba? alam mo naman kasi, nasa mundo tayong lahat nalang ng bagay may opinyon ang mga tao. lahat may nasasabi, lahat ini-issue, kada kilos mo may nakamasid na parang inaabangan nila ang paglagapak mo. ewan ko ba bakit may mga taong ang hilig sa chismis..."

"Ok lang ako. di ko na nga masyadong iniisip, ayoko ma-stress."

"basta sabihan mo ko pag may problema ka ah, kaibigan mo din ako."

Tumango. "thank you."

-------------------------------------------------------------------------

After ng klase ko ay umuwi ako agad. hindi na ko nag-practise dahil hindi na naman ako makapag focus.---Napansin iyon ni captain kaya tinulungan nya kong magpaliwanag sa team at sa coaching staff.

feeling ko pagod na pagod ako...

Mali yata ang mga naging desisyon ko sa buhay kaya ganito ang sitwasyon ngayon.

Kung hindi ko sinamahan ang grupo ni zaijon hindi ako pahihirapan ng grupo ni Katherine. wala na sanang ibang nadamay... wala na sanang issue.

Pero hindi parin ako nagsisisi na pinilit kong kunin ang atensyon ni angelica...

hindi ko naman din talaga pinigilan.

Nagpasya na kong umamin sa parents ko...

It's now or never.

ayoko namang sa iba pa nila malaman ang mga kaganapan sa school lalo na't alam nilang hindi ako kailanman naging pasaway na student.

o anak...

kailangan kong lakasan ang Loob ko.

Nandito na ako... nangyari na.

Bumuga muna ko ng hangin para pagaangin ang dibdib ko... para na kasing sasabog sa sobrang kaba ko. Gosh!

i saw my mom reading a newspaper,--She's very understanding and loving. may mga kasalanan man ako ay hindi nya ko pinagbuhatan ng kamay. Sya yung tipo ng ina na ipapa-realize sayo ang pagkakamali mo at hahayaan ka nyang matuto sa pagkakamaling iyon.

i really hope she'll accept me...

niyakap ko agad sya. "Hi mom."

Ngumiti sya ng makita ko. "hi darling. ang aga mo yata?"

naupo ako sa tabi nya. "opo, umuwi talaga ko ng maaga para makausap kayo ni dad."

Hinaplos nya ko sa pisngi at inayos ang buhok ko,---na madalas talagang magulo pag hindi na nakatali.

"why, something happened?"

yumuko ako. oh my gosh i can't!

But i have to...

Tumingin ako sa mga mata ni mommy. she looks worried...---Pag nalaman nya anong magiging reaction nya?

"mom... kasi po... ahm, diba po alam nyo naman na... wala akong boyfriend?"

tumango lang sya, hinintay ang susunod kong sasabihin.

Lord I'm so sorry po...

"mom... i think... hindi ko po sinasadya..." napayuko ako ulit at nagsimula ng humapdi ang mga mata ko. paano ko sasabihin?

"sammy, anak what is it? come on, tell me. alam mo namang kapag may nagawa kang kasalanan hindi ako nagagalit diba? you just need to tell me and explain yourself."

naiyak na ko ng tuluyan. "Mom, i-im... i think I'm inlove..."

"you're in love?"

"with... a girl." halos bulong nalang na sabi ko.

Napapikit ako ng mariin matapos marinig si mommy na napasinghap. i will be dead now!
Inihanda ko na ang sarili ko sa galit nya...

Mamaya ay si daddy nalang and my brother.---i don't worry about kuya samboy, alam kong maiintindihan nya ko.

Lumipas ang minuto pero hindi nagsasalita si mommy...

Inasahan ko ng sobrang magugulat sya.

Naglakas loob akong mag-angat ng ulo

i saw her looking at me...---halatang gulat sya sa sinabi ko pero bakas parin ang pag-aalala.

"mom... I'm really sorry. i don't know why am i feeling this. believe me, hindi ko po sinasadya."

Patuloy parin sa pagtulo ang luha ko. at nakatingin lang naman sakin si mommy... iniisip na nya siguro kung anong klaseng magulang ba sya at bakit nagkaganito ako.

Matatanggap ko kung sasampalin nya ko.

o kung itatakwil bilang anak...

"it's my fault mom, it's just me. i.. i know it's weird but... I've been feeling this since my first year in college. wala po akong pinagsabihan kasi akala ko po simpleng paghanga lang. a-and now... now it's getting serious. hindi ko po talaga alam kung bakit nangyari... o kung bakit... sa babae..."

they say we always have a choice.

at kung papipiliin ako...

Kung itatama ko ba ang damdamin ko o tatanggapin kung sino ako?

i will still be me. still me, loving a girl. kasi kung mali mang magmahal ng kapwa ko babae, hindi ko na alam kung ano ang tamang pagmamahal.

Kung ang pag-ibig ay para lamang sa Lalaki at babae at hindi para sa magkaparehong kasarian, may pag-ibig ba talaga para sa lahat?

Kung mali ang mahalin si angelica...

magiging makasalanan ako dahil nagmahal ako.

and that's my choice.

-------------------------------------------------------------------------
Love is Love right?
pls tell me what you think pips!
#Lovewinsnaba?
-Winwin

UncrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon