Chapter nine

3.1K 96 6
                                        

Sam's POV

Hindi ako bookworm, pero dahil sa course ko sandamukal ang librong binabasa ko. or mas tamang sabihin, kailangan basahin.

madali ako antukin, kahit saan mapasandal tulog na agad.

hindi ako sexy, fit lang talaga.

maganda? ewan. pag nakatingin ako sa salamin normal na babae lang nakikita ko. i mean, puyat na graduating college student na ngarag sa thesis at OJT.

di rin ako matalino, masipag lang siguro.

Committed, yun ang sure ako. kasi pag may gusto akong makuha at mangyare gagawin ko talaga ang best ko.

lalong hindi ako insecure.

pero ngayon...

habang pasulyap-sulyap ako kina ica at andy na masayang nag-uusap, naka-indian sit sa sahig at close, parang oo.

di naman sa pagsi-self-pitty. kitang-kita ko lang kung gaano ako kalayo sa babaeng katabi nya.

ang perfect eh.

"kung may award sa ka-martiran, sayo na yon." bangga sakin ni nicole.

napatingin ako dito, sabay tawa kunware. "martyr ka dyan... hindi ah." masochist kase yun

nag-browse ako ng mga libro kahit halos kalahati sa bookstore na to, nabasa ko na.—wala lang, para sana pag dinala ko dito si ica meron akong iku-kwento sakanya.

kaso mukhang di na kailangan.

ginaya ako ni nicole, sulyap-sulyap din don sa pwesto nung dalawa. "sabi ni ica... friends na daw kayo?"

tumango ako. "that's a good start, right?" nakangiting sabi ko. "ok na rin. atleast hindi na lang ako makulit na admirer."

tinitigan ako nito, mukhang di gets yung joke. or parang di lang kumbinsido. "sure ka sam, ok lang... sayo? i mean, gusto mo sya diba?"

saglit akong natigilan.

honestly, i don't know. nung sinabi ni ica na yun lang kaya nyang ma-offer, naisip ko... pag hindi ko pa yon tinanggap baka mawala na sya sakin talaga.

bumuntong-hininga ako. "yep, ok lang. ang importante, inalis na nya yung lock ng pinto para sakin." nginitian ko pa si nicole, tinapik ko sa balikat. "hey, it's ok. swear."

wala na itong sinabi, pero bakas sa mukha ang—i hate to say this pero—awa.

Gosh! sumikip tuloy dibdib ko...

binalewala ko na lang gaya nang nakasanayan.

---

"Kain tayo goto guys?" aya ko sa kanila paglabas namin.

walang sumagot. pakiramdaman muna.

si nicole halatang naka-depende sa sagot ni ica. si ica, hindi makapag-decide. nag-aalangan, habang nakatingin kay andy.

ako, nakatitig sakanya...

hindi sya tumingin sakin ng ganyan

yung titig na yon, magaan. masuyo. alam kong ibig sabihin non—kahit saan ka, dun ako.

umiwas ako ng tingin nang lumingon sya.

"maybe next time, kailangan na umuwi ni andy eh." casual na sabi ni ica. oo, hindi yung usual tone nyang pa-singhal.

bago ako makapagsalita, sumingit si nicole. "edi tayong tatlo na lang, bes."

napatitig ako dito,—ang off ng itsura ni nicole, parang medyo pikon?—tapos nalipat kay andy.

"oo nga," sabi nito kay ica, sabay himas sa forearm nya. "go with them."

ngitian ko ito nung tumingin sakin—ok, i can't hate the girl. mabait kase talaga. imposibleng hindi maka-sundo. tipong pwede kami mag-inuman at videoke, ganon.

pero syempre, kahit gusto ko yung idea, ramdam kong hindi papayag si ica. ang ganda ng araw nya, ayoko masira dahil lang sa hindi sya nag-enjoy kumain ng lugaw kasama ako.

kumambyo ako. "sige, next time na lang. gabi na rin pala. kelan ka ba free?" tanong ko kay andy.

nag-isip muna ito. "uhm, i don't know. sorry. parang next week? sabihan ko kayo."

"it's ok."

"sige, dito na ko ha? thanks, sam. nics." paalam ni andy samin.

hindi umimik si nicole.

nag-wave naman ako dito. "ingat."

nagngitian pa kami for the last time.

"una ka na, hintayin ko sya masundo ng driver." mahinang sabi ni ica, paharap kay nicole.

umarko ang kilay nito. "how about sam?"

shit!

"oh, no i'm ok." agad na sabi ko. "commute ako pauwi."

lumingon sila sakin pareho.

"sasamahan kita, sam. wait lang..." sabi ni nicole sakin bago binalik ang tingin sa kaibigan. "lakas mo talaga, angelica. pinagpala ka sa lahat!"

nagulat ako marinig na tinarayan ni nicole si ica.

what the?

di ko alam ano nangyayari sa kanilang dalawa.

wala akong nagawa, sumunod na lang ako paghatak nito sakin papuntang bus stop.

pero lumingon pa ako...

tapos nagkanda-tisod-tisod ako ng makitang inakbayan ni ica si andy.

---

"Ba't nagtitiis ka?"

nakaupo kami ngayon ni nicole sa waiting shed, nag-aabang ng bus na sasakyan ko pauwi.

tumingin ako dito, natawa. "as if meron ako ibang choice... diba?" pabirong sagot ko. pero honestly, wala naman talaga.

pailing-iling sya. "ako na humihingi ng tawad para sa kaibigan ko."

"don't be. ok lang yun saken, i understand."

"eh bakit nga?" frustrated na tanong nya. "i mean, paano mo nasasabing ok ka lang sa lahat ng to? sam, pag di mo nalabas totoong napi-feel mo, baka hindi lang breakdown mangyare sayo."

halatang worried si nicole. nginitian ko sya. "alam mo kung ano pinaka powerful na part ng body naten?"

"puso." mabilis na sagot nya. like, parang common naman daw yon.

"isip." pag-correct ko dito. "ang galing ni Lord, 'no? ang complex ng brain naten so until now, pinag-aaralan pa din ng mga scientist kase marami pa tayong di alam. pero wag ka... kahit ang powerful ng isip naten, pwede pa din to dayain."

naguluhan sya. "sis, di ako matalino ok? kaya nga ko nag fine arts. ayoko ng mga palaisipan na yan."

"gusto ko lang sagutin yung tanong mo." sumeryoso ako, tumingin sa kalsada. "dinadaya ko ang isip ko, ganon ako nakaka-survive sa lahat."

"psychology student ka nga." bumuntong-hiningang sabi nya.

nagkatinginan kami. tapos tawanan.

"sobrang complicated ni ica, noh?"

"hindi naman." sagot ko. "baka di lang talaga ako yung comfort zone nya kaya hirap syang mag-express ng emotions. mga tamang emotions."

bumusangot sya. "meaning hindi din ako. kase hindi yon sya nagsasabi saken eh, pero kilala ko na sya. so minsan, hindi na need. alam ko na agad."

"meron kasi talaga mga tao na ganon. madalas, sila din yung hindi naiintindihan ang sarili nila bakit sila ganon. hayaan mo lang, wag mo i-push. pag comfortable sila sayo, kusa silang mag-oopen."

medyo lumiwanag ang mukha nya. "gusto ko din ng mindset mo. atleast di mo need ng therapist, kase ikaw mismo yon." sabi nya sabay tawa.

"loko-loko." iling ko, natatawa na din.

---
A/N
Dito ko nalang pala kayo sasaktan.
yung book 2 guys, ibang story na yon. so abang lang kayo!

Uncrush (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon