"Uncrush"
SAM's POV
Buong araw kong tiniis na wag tawagan kahapon si ica. im so occupied, really. iniisip ko kasi ang mga nangyari sa loob ng kwartong iyon...
also, im guilty.
That's not even my room!
hindi ko naman basta maiwaksi sa isip ko dahil...---honestly, kahit naiinis ako kay ica i still like the idea. syempre sya iyon, kahit pa alam kong may impluwensya ng alak sa katawan nya.
pag-uwi ko ng bahay ay naroon na si kuya samboy. masaya ako na maaga syang umuwi dahil ibig lang sabihin nun ay mas marami ang oras namin para mag bonding.
nasa bahay lang din ako, but i did something productive.---tinulungan ko si mom sa kusina at paminsan-minsan ay nagpapaturo ako sa kanya sa pagluluto. she loves to cook at ayaw nyang may ibang gumagamit ng mga kitchen utensils kaya naging dahilan yun para hindi talaga ko mag abala pa na mag-aral magluto
At ganon parin kami ni dad...
parang hindi kami magkakilala.---hindi na nga kami halos nagkikita, lalo pang lumala ang sitwasyon. pero hindi ako nagsisisi... nalulungkot, oo. kapag kasi sinusubukan ko syang kausapin ay nagkukulong naman sya sa opisina.
sobrang dami kong gustong sabihin na matagal ko ng kinikimkim...
hindi ko lang alam kung paano magsisimula.
mabuti na lang talaga alam kong nakuha ko na ang atensyon ng babaeng gusto ko
so everything's will be alright.
i know everything's will be alright... i just need to be strong for myself in the future and for my undying feelings for Angelica Denise Madrigal.
kasalukuyan kong dinidiligan ang mga halaman sa frontyard ng lumabas si mommy, may hawak syang baso ng mango juice.
she smiles her loving smile...
"inumin mo ito anak." sabi nya sabay abot ng juice sakin.
nakangiti rin ako ng kunin iyon. "thank you po."
Ininom ko iyon...---Nakatingin lang naman sakin si mommy. may sasabihin kaya sya? hindi kami gaanong nakakapag usap nitong mga nakaraan dahil si dad ang inaasikaso nya.
Kagabi naman ay magdamag kaming nag kwentuhan ni kuya
"are you okay honey? How's school?"
"ganun parin po... repetitive, stressing, pero ok naman po, mom."
"ang volleyball, kailan nga ulit yung NCL?"
"uhm... next week na po actually."Gumaan ang pakiramdam ko na malamang gusto ni mommy na panuorin ako sa upcoming game namin...---And she's trying to convince dad. ever since kasi na sumali ako sa varsity, hindi pa sila nanuod sa game. hindi naman daw sa ayaw nila, suportado parin nila ako kahit ganon. it's just that... they don't have time. naiintindihan ko naman iyon.
dati kasi, mababang employee lang si dad so kailangan din ni mom na gumawa ng paraan para makatulong financially.---nagtatrabaho sya noon sa isang publishing company. si kuya naman ay paraket-raket lang sa pagmo-model dahil mas gusto nyang ako muna ang makapag tapos.
yeah, we're not rich.
inaayos ko ang hose at papasok na sana ng may kotseng pumarada sa harapan ko,---hindi pa lumalabas ang may-ari non pero alam ko na kung sino dahil kilala sya ng puso ko...
it was ica.
ano na naman ba ito? bakit ba hilig nyang sumulpot nalang bigla?
Nakatunganga lang ako sa kanya ng buksan nya ang bintana sa passenger seat saka sumilip doon.

BINABASA MO ANG
Uncrush
Romance"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...