UNCRUSH
Of course i didn't like sam.
She's annoying, and she's not pretty. bakit ko naman sya magugustuhan eh naiinis nga ko sakanya eh. ayoko sa tawa nya, ayoko sa ngiti nya. hindi maganda ang penmanship nya at higit sa lahat maingay sya.
Maliit na maingay.
Sino ba sya sa akala nya? Hindi ko sya pinapanuod na maglaro ng volleyball dahil nakasuot sya ng fitted na short....
gusto ko lang masiguro na hindi sya magaling.
She's waving at me.-----at pinagtinginan na naman ako ng buong campus frogs. as if i care.
"Hey there ice queen." nakangising bati sakin ni beltran. hindi ko na kailangan lumingon para makilala sya iyon dahil boses bubuyog sya.
Di ko sya tinignan, mikrobyo sya. "hey there virus." mataray na balik ko naman. tsh! akala nya ah. noon pa ko pikon na pikon sakanya eh. pabida ang mokong na to at feeling gwapo. eh ni hindi nga matalino!
tumawa sya. "Walang pagbabago ah, ms.mataray pa din talaga. kalma ka lang... di ikaw ang sadya ko."
"Wala akong paki sayo."
mas lumakas ang tawa ng bugok. Nakakainis talaga!
pero hindi ko pa din sya titignan kahit gustong-gusto sya tignan ng masama.
"why do you hate everyone? kaya ka walang boyfriend eh."
"Hindi ako nag-aral para mag boyfriend."
"oooooohhh.... deep."
"pwede ba beltran lubayan mo ko."
"eh kung girlfriend kaya?"Doon ko na sya tinignan. "eh kung paduguin ko kaya yang bibig mo? hindi ka titigil?" galit na umabante ako.
nagtaas sya ng mga kamay na tila sumusuko. "teka, kalma ka lang madrigal. nagtatanong lang naman eh."
"hey guys... anong nangyayare?"
sabay kaming napalingon sa nagsalita. oh geez, its her!
what's wrong with my heart?
i don't like it when she's near....
"Hey there sexy." nakangising bati ni mokong kay sam.
Nakatuon naman ang mga mata ni sam sakin... Nakatingin kami sa isat-isa. Fuck!
"ang iksi ng suot mo, mag jogging pants ka nga." sabi ko saka mabilis na umalis na. Hindi ko na hinintay pang makasagot sya. magsama sila ng personal clown nya!
Nakakainis, isang taon pa ang titiisin ko.
---------------------------------------------------------
Did i just... did i said that?
mag-jogging pants sya?
anak ng tupa!
Napapikit ako at iiling-iling na nagtungo sa cr. ano ba yun? anong sumapi sa bibig ko at sinabi ko yun sa kanya?
wala naman akong pakialam sakanya eh...
eh ano kung maiksi ang short nya? kaya nga tinawag na short diba? dahil maiksi...
yeah! maiksi. anong klaseng babae ba naman yung magsusuot ng ganon kaiksi habang tuwang-tuwa ang tagahanga nyang pinanunuod sya sumirko? aba eh konting inat nalang mahahayag na ang perlas.
Hindi naman kagandahan ang legs nya...
"Huy angelica denise madrigal!"
may kung sinong nag-finger snap sa tapat ng mukha ko. oh it's my bespren. thank god!
"nicole..."
---------------------------------------------------------
let me know about ur crushes gays haha
pls comment...
-
#Hapireading!
BINABASA MO ANG
Uncrush
Romance"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...