UNCRUSH
Sam's POV
"mag jogging pants ka nga ang iski ng suot mo"
Yun ang unang beses na ngumiti ako na halos ikapunit ng pisngi ko. ewan ko ba kung bakit parang hinaplos nya ang puso ko nung sinabi nya iyon maski sa napaka taray na paraan pa.
Napapailing ako...
Ang hirap nyang intindihin talaga. Sasabihin nyang wala syang paki pero taliwas naman iyon sa ikinikilos nya. i can feel it and i can see it...
sa Loob ng tatlong taong lumipas na civil ang pakikitungo nya sakin, at may mangilan-ngilan lamang ang pagkakataon na kinakausap nya ko, Sa panahong iyon alam ko na hindi totoong wala syang paki.
she's just cautious.
ipinaintindi sakin iyon ni nicole ng minsang magkausap kami habang nasa gym at nanunuod sya ng practice game ko. Sabi nya, namatay ang mommy at sister ni angelica noong high school palang ito. ang dad naman nito after two years ay nag asawa ng iba. nagkaroon ng ibang pamilya at namuhay ng masaya.
Sumama ang Loob ni angelica sa dad nya dahil mula ng magkaroon ito ng bagong asawa ay naisantabi na sya.----at tuluyan na nga nitong kinalimutan ang mommy nya. mas naramdaman nyang wala na syang parte sa buhay nito ng ipanganak ang step brother nyang si knox. Mula noon, nagpasya na syang tumira na lamang sa tita laura nya.---bunsong kapatid ng mommy nya.
pinag-aral sya nito... Pinagtyagaan, inunawa at inalagaan.
Sabi ni nicole sakin, dalawa lang sila ng tita nito ang nakakalapit kay ica. Hindi daw ito basta nagpapahawak o nagpapayakap. ayaw daw ni ica ng physical contact dahil sobra ang panic attack na dulot niyon para dito.
kaya nang malaman ko ang pinagdaanan nya, lumakas ang loob ko na lapitan sya at kausapin...
Kinukulit ko talaga sya gaya ng ginawa ni nicole pero mas matindi ang natanggap kong mga panininghal, pananaboy at kahihiyan.---well, di naman big deal sakin kung malaman ng buong school na sinusuyo ko ang ice queen. kung sa huli ay magtatagumpay ako, balewala ang lahat ng iyon.kahit pa nga minsan sobrang harsh nya magsalita...
---------------------------------------------------------
Nakakainis! hindi ko alam kung saan ako mas galit ngayon...
kung kapag napapatawa niya si dela cruz
o
ngayong napaiyak nya ito.
bakit ba kasi ganito? parang hinihingal na napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang tibok ng puso ko...
normal naman. pero hindi kapag nariyan sya.
hindi kapag nakatingin sya. What is it?
Fuck!!!
Gigil na sinasalansan ko ang mga libro ko sa locker ng bigla akong mapalingon...
That bastard bee!
"dahil ba hindi mo makuha kaya paiiyakin mo na lang?" Malamig at mariing sabi ko.
Nakalampas na sakin si beltran pero alam kong napahinto sya ng marinig ako.----Kalmadong sumandal naman ako at Hinintay ang opensa nya.---tsh! basketbolistang bugok.
"ako ba ang pinariringgan mo?" tangang tanong nya, nakaturo pa sa sarili.
Napangisi ako. "kung sa tingin mo hindi ikaw, Bakit ka pa huminto at nagtanong? Naiwan ba sa ring ang utak mo?"
"anong sabi mo?!"
Tinignan ko lang syang humakbang palapit sakin. "o kung meron ka ba non?"
"Iniinsulto mo ba ko?!"
Napabuntong-hininga ko. "wala ka nga palang dulot. nagbago na ang isip ko hindi ko sasayangin ang oras ka sa basurang gaya mo."
"ano? ako... Basura?!"
tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. "Oo, basura ka. at hindi lang yon, bobo ka pa."
"Bastos ka ah! anong gusto mo mangyari ha?! gusto mo ng gulo?!" gigil na sabi ng bubuyog habang nakatikom ang kamao. pulang-pula na ang bobo sa galit.
Tsh! hindi nya ko magagawang hawakan... at wala akong pakialam kung magawa man nya.
Hindi ako natatakot sakanya, mas natatakot ako sa pwede kong magawa.
akmang aalis na sana ko ng marahas nya kong hilahin sa braso,----Kaya sa isang iglap ay nagawa ko ang matagal ko ng gusto gawin. sinapak ko sya sa mukha...
napaatras sya sa lakas ng impact kaya kinuha ko iyong pagkakataon para bigyan ulit sya ng isa pang sapak.Natamaan ko ang ilong nya...
At doon na nagsimulang maghulasan ang mga kapwa namin estudyante. nakabuo sila ng bilog, Kaya napagitnaan nila kami ni beltran. grabe, ang tigas ng pagmumuka ng bugok na to.
Hinatak ko ang kwelyo ng polo nya. "Sa susunod na hawakan mo ko pipilayan na kita..."
dumadaing sya sa sakit habang hawak ang nagdurugo nyang ilong. "you're such a bitch!"
As if naman hindi ko alam. Diniinan ko pa ang hawak ko sa kanya at inilapit ng kaunti ang mukha ko, at tinitigan sya sa mga mata.
"you better stay away and keep your hands to yourself, ok? kung gusto mo makagraduate umayos ka." sabi ko saka marahas na binitawan sya.Tinignan ko pa sya ng isang beses bago napapailing na tinalikuran sya.---Habang naglalakad ako paalis ay dinig ko ang ilan sa bulungan ng mga kapwa ko students.
"Tindi non par, tumba yung captain..."
"Bakit sila nag away?"
"Yabang kasi nyang si beltran eh tama lang sakanya yan"
"babae lang pala katapat"
"ang astig talaga ni madrigal... lalo ako humanga sakanya eh"
"tatahi-tahimik pero iba pala magalit noh?"I hate hurting people. pero oras na bastusin ako o kung sino man sa kaibigan at taong mahal ko, believe me... i can break bones. fucking disrespect me, and I'll fucking disrespect you. Hindi uso sakin ang magpasensya o magpalampas ng atraso.
---------------------------------------------------------
sana all pinagtatanggol haha
-
#Bahaghari
BINABASA MO ANG
Uncrush
Romance"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...