UNCRUSH
my day was made so much better.
hindi maubos ang ngiti ko at napansin iyon ni tita laura kaya as usual, nagpahapyaw ako ng kwento sakanya.
she deserves to know that im happy...
hindi naman ako masyadong nakakain ng dinner dahil busog pa ko sa food trip namin ni sam.
Kumain kasi kami ng kwek-kwek, kalamares, fishball at kikiam matapos namin sa lugaw
and i really can't believe her.
I'm so amazed. most of the time ay nakamasid lang ako sa kanya at nahahalata nya yun kaya panay ang tukso nya sakin...
hindi ako napipikon, sa halip ay natutuwa pa nga ako sa nabubuo naming friendship
o kung ano man ang maitatawag doon.
maraming beses syang humalakhak dahil ang inosente ko sa mga bagay na basic lang para sa kanya.---and that's okay with me.
at least napasaya ko sya kahit paano
gumagaan ang pakiramdam ko...
Nang dumating naman si nicole bandang alas nueve ng gabi ay agad nya kong isinalang sa interview,----expected ko na iyon kaya nakapag ready na ko ng mga isasagot.
Kasalukuyan kaming nasa sala.
Nakadapa sya sa sofa habang nakaupo naman ako sa ottoman at nagbabasa ng sci-fi novel book na binili ko nung nakaraan.
and then i remember carla, may meeting nga pala ako bukas sa kanya ng 8:00 A.M
Napabuntong-hininga ako... Marami akong sasabihin sa therapist ko.
tinignan ako ni nicole, nakapangalumbaba sya. "bes, aminin mo na kasi... kayo na ni sam noh?"
kunot-noong tinignan ko sya. "baliw hindi ah. kung ano-anong pinagsasabi mo, baka marinig ka ni tita."
"alam mo hindi ka nagshe-share sakin ng tapat eh. ang daming skips at filter ng kwento mo."
"ilang beses ko ba sasabihin sayo na sinasabi ko naman sayo ang mga dapat mong malaman?"
nagusot ang muka nya, saka napaupo. "bespren mo ba talaga ko?"
nagulat ako sa reaksyon nya. "ano ka ba, bakit gustong-gusto mo malaman lahat? sinabi ko na nga sayo eh diba, on going ang proseso ng pagbuo namin ng friendship. yun na yon, ano pa bang kailangan mong detalye?"
"friendship ah, kaya pala may pag kiss."
Geez! minsan talaga nakakairita na ang bruhang to pero hindi ko naman sya pwedeng balewalain dahil isa sya sa mga taong nagtyaga sakin.---and i know na kaya bespren kami ngayon ay dahil sa kakulitan nyang taglay.
"Kinikiss mo din naman ako, ano namang issue don?"
"tsh! wag nga ako angelica."
okay, i give up. napabuntong-hininga ako bago nagsalita."osige na, nagkiss kami twice maliban dun sa kiss nung nasa cafeteria at gym kami. o ano, masaya ka na ba? sinundo at hinatid ko sya sa bahay nila kanina."
tila nasiyahan naman na sya base sa itsura nya. nilapitan pa nya ko. "o diba, hindi mo talaga sinasabi sakin lahat eh, lalo na yung mga important details. tapos ano pa? edi na-meet mo na family niya?"
"yung mom nya lang."
"ano kumusta?"
"ok naman, mabait."
"eh ikaw kelan mo sya papakilala kay tita laura?"Napaisip naman ako. sa totoo lang hindi ko naisip yun. i mean, sa ngayon ay hindi ko pa naiisip yung ibang bagay.---gaya ng kung ano ang meron samin ni sam at kung anong susunod na mangyayari.
Basta masaya ako at kuntento.
"di ko pa alam, kukuha pa ko ng tyempo."
"ay baka abutin naman ng three years yan bes ah."
"nag-out sya sa parents nya..." bigla ko nalang naisip na sabihin.
"what?!" Halos mapasigaw si nicole sa gulat.
"yeah..."This time ay kinuwento ko na talaga sa kanya ang lahat.
siguro for now, kailangan muna naming hayaan ang sitwasyon...
ano pa ba namang gagawin ko? hindi ako pwedeng manghimasok sa buhay ni sam kahit gusto ko syang saluhin na gaya ng ginawa ko nitong mga nagdaan.
Hindi ako pwedeng basta nalang magpakita ulit sa bahay nila dahil baka yun pa ang pagmulan ng mas malaking problema
napag usapan na rin kasi namin ni sam na wag magpadalos-dalos
Oo umaamin kami na may feelings kami para sa isat-isa pero hindi pa namin sigurado kung saan kami patungo.
Pareho kaming bago lang sa ganitong sitwasyon
we just want to live in a moment. enjoy the company of each other and treasure it...
Then maybe someday we will figure it out.
because that's life right?
"di ko magets bes, bat ikaw kelan mo balak mag-out?"
"sinabi ko na sayo diba, it's not about the gender or sexual preference. why do i need to come out? hindi dahil ginawa yun ni sam ay dapat gawin ko na din. pero hindi ko sinasabing mali yun, kung yun ang way nya at kung may valid reason sya well i think its the right thing."
"pero ica... kung paninindigan nyo ang isat-isa, you need to understand na... yung ganyang klase ng relasyon ay----"
"hindi tanggap ng society?" putol ko sa kanya.
"yes, gets mo na ba point ko?"
umiling ako. " no, because i don't care. eh ano kung hindi tanggap ng lipunan o maski ng mundo pa ang ganitong sitwasyon? will the same gender affect their lives?"
"bes hindi mo ko kalaban dito ah, kalma ka lang."Napatayo na tuloy ako...
Gosh i don't really get it. why do i need to come out?
kung dumating ang araw na sure na nga ako kung isa ba akong lesbian or bisexual or gay, kung ano pa man...
may magbabago ba? i mean, I'm still me. the only thing is, yes I'm in love with a girl!
and again, yes i said it.
why being in love with the same gender is a big deal? i don't fucking get it
if it's wrong...
if I'm wrong...
pakidala ako sa taong perpekto,---Sa hindi kailanman nagkasala.
coz at the end of the day, we all be judge as a human.
by the almighty God!
Sa tingin ko hindi ko kailangan ipaalam sa mundo na hindi ako straight at may particular na grupo akong kinabibilangan kasi tao lang naman ako.
i mean tao parin ako ano man ang mangyari...
sa huli, pare-pareho lang tayong tao.
"ayoko ng pag-usapan to okay? naiinis lang ako."
Nagtaas ng mga kamay si nicole. "fine, basta tandaan mo... dapat matibay loob mo."
--------------------------------------------------------------------------
shout-out sa mga kalahi ko dyan...
pls, sana po tyagain nyo pa tong basahin
and paki share na din sa iba
pls vote and follow me:)
#Equality
BINABASA MO ANG
Uncrush
Romance"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...