UNCRUSH
Sam's POV
Yan na naman yung mga tinginan nyang hindi ko talaga mawari kung ano. pero hindi sya mukang galit ngayon at nakakapanibago iyon...
mas hinahatak tuloy ako ng mga mata nya
Sana nakakabasa tayo ng iniisip ng mga tao ano?
palagi kong gustong malaman kung anong iniisip niya sa tuwing nakatitig kami sa isat-isa.
kasi ako, palagi kong iniisip kung bakit ayaw nya sakin.
pero tinulungan nya ko sa ilang mga bagay...
ayokong umasa at maniwala sa mga naririnig ko lang at lalong ayokong umasa at maniwala sa sarili ko mismo.
Noong nakaraang Linggo sumabog ang balitang hindi ko talaga inaasahang mangyari.---Nakakuha ng pagkakataon si zaijon na kumprontahin ako at tahasang sabihin sakin na ako ang dahilan kung bakit basag ang ilong nya. wala akong kaalam-alam hanggang sa si nicole na ang magsabi sakin na nasa detention si angelica... dahil din sakin.
At nadoble pa ang parusa sakanya dahil na naman sakin.
Siguro sa pagkakataong ito may dahilan na talaga syang magalit diba?
Dalawang beses na nya akong Nililito...
ah hindi pala, maraming beses na nya akong nililito.
Bakit ba kasi sinasabi nyang wala syang pakialam sakin pero handa naman nya kong saluhin?
tandang-tanda ko kung paano nya ko prinotektahan ng tangkain akong saktan nila nancy at agatha...
gusto ko syang tanungin kung bakit pero alam kong magsasabi na naman sya ng mga hindi kaaya-ayang salita.
Napaka abnormal!
--------------------------------------------------------
abat talagang ang lakas ng Loob nitong makipagtitigan ah...
"hindi ako titingin ng ganyan sa taong kinaiinisan ko."
Narinig kong sabi pa ng bespren ko. Hindi parin sya tumitigil sa pagdaldal kahit di ko sya pinapansin...
"lantaran mo syang tinititigan bes, nahuhuli kita. kapag di sya nakatingin o kahit pa nakatingin na sya. nakakapagod yan ah. okay ka ba bago matulog? paggising mo sa umaga... muka ba nya ang unang lumilitaw sa isip mo? kapag ba nasa malapit sya, parang sasabog ang dibdib mo?"
oo ganon na nga
Napabuntong-hininga ako saka dahan-dahang nilingon si nicole. "di ka pa tapos?" mataray na sabi ko.
"tama ba ko bes?"
"hindi."
"ows?"
Nauubusan na naman ako ng pasensya. kaya sa halip na sagutin sya ay isinara ko na ang librong binabasa ko at iniligpit ang mga gamit ko."aalis ka na?"
Hindi ko sya sinagot.
"pikon ka eh no? pero kapag ikaw kung makapagsalita ka dyan..."
Tinalikuran ko na sya.----at sa pagkabigla ko naman ng makita ang nasa harap ko ay nabitawan ko ang mga hawak kong libro.
it's her.
"hi." Nakangiting bati nya sakin. yun yung klase ng ngiti na nagpapa-cute sa camera.
tsh! ang creepy.
Hindi ko sya pinansin at sinimulang damputin ang mga nalaglag,-----nagulat ako ng iabot nya sakin ang huling libro. yun yung librong binabasa ko. Marahas ko iyong kinuha sakanya.
"Hi sam!" bati ni nicole, awkward na tumayo na din sya pero pinigilan ko sya sa braso.
"Sabay tayo." sabi ko sa bespren ko.
"Ahm, can... can i talk to you? k-kung ok lang sana? may sasabihin lang ako." Nahihiyang sabi nya ulit sakin.
"ayoko." mataray na sabi ko saka nagsimula ng lumakad.
Hindi naman alam ni nicole ang gagawin...
"yung tayong dalawa lang sana. may kailangan lang talaga kong sabihin sayo... please?" habol na sabi pa nya.
naramdaman ko sya sa likuran ko kaya naiinis na huminto ako.
ang kulit ng pandak na to...-----humarap ako sa kanya.
"ayoko nga sabi!" sigaw ko.
"makinig ka lang sa sasabihin ko." pakiusap nya, nakatitig sakin.
tsh! Hindi nya ko madadala sa puppy eyes nya na yan...
"anong hindi mo maintindihan sa salitang ayoko? tagalog naman yun ah. bakit ba hindi ka makaintindi? ang kulit-kulit mo eh! ayokong marinig ang sasabihin mo kahit na ano pa yan. wala akong pakialam ok? lubayan mo ko. wag mo kong sundan ng sundan! wag mo kong kausapin, wag mo kong----------"
at sa isang iglap...
hindi lang mundo ang tumigil sa pag-ikot.
huminto ang mga tao sa paglalakad, huminto ang mga kumakain, huminto ang grupo ng mga wirdo sa paligsahan ng pananamit, huminto si tyler mcgregor sa pambabato ng papel sa nerd na si dylan jazul, huminto ang order sa cashier, huminto sa pagma-map ang school janitor.....
napasinghap si nicole at nakanganga habang gilalas na nakatingin samin gaya ng iba.
sa isang iglap, kasabay ng lahat ng iyon ay tumigil sa pagtibok ang puso ko.
and i swear im not exaggerating things...
Malinaw ang mga mata ko.
--------------------------------------------------------
intrigue?
pls let me know what yah think pips!
#Sagwan
BINABASA MO ANG
Uncrush
Romance"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...