"Uncrush"
Ica's POV
Ni sa panaginip hindi ko naisip na magluluto ako kasama si Samantha Dela cruz. Ang babaeng Tinarayan ko three years ago dahil lang sa nakaharang sya sa daraanan ko at ang kaisa-isang tao na palaging lumilitaw sa isip ko. how i hate to admit it before but now it's ok and I'm not ashamed. she doesn't know anyways.---so i smile.
busy sya sa paghiwa ng mga rekado...
and i think this is the right time to start a good conversation
"can i ask you something?"
Sinulyapan nya ko. "hmmm?"
"bakit gusto mo ko maging friend?"
Napatigil sya sandali sa ginagawa at tila nag-isip ng akmang sagot.
"i... well, bakit naman hindi diba?"
Nag-angat ako ng kilay. "parang may iba kang sasabihin eh."
natawa sya. "hindi ba yun ang inaasahan mong sagot?"
"I'm not the friendly type, you know that."
"coz you're bitch?"
"i was..." Medyo nahiya ako.
tinignan nya ko sa mga mata. "yeah, nagbago ka nga. care to share?"Tinulungan ko syang hugasan ang mga gulay na igigisa at ang giniling na karne.---Magluluto daw kami ng giniling at gisadong gulay. di na masama diba?
"it's because of nicole... and of course, my aunt."
including you
"not for your self?"
"sinermonan ako ni nicole. lumabas daw ako sa comfort zone ko at mabuhay sa reality. alam ko namang mahirap ako i-handle, maski ako nahihirapan sa sarili ko eh. I'm always annoyed about everything... sa boses mo, sa kadaldalan ni nicole, sa kabobohan ni beltran,--Imagine nag stay sya sa school ng tatlong taon dahil lang sa tittle na star player slash team captain? such a jerk. Naiinis ako sa mga co-students natin na mahilig mag judge ng tao kahit hindi naman nila alam ang buong buhay nito. Bakit kasi hindi nalang manahimik at wag magbigay ng opinyon? i don't get it."
"wow! ang dami mong rants sa buhay."
Napangiti ako. "ikaw wala?"
"if life is perfect, where's the thrill?"
"wow! you're a philosopher."Nagtawanan kami.
Oh my feelings!
"Sabi mo naiinis ka sa boses ko... kaya ba tinatarayan mo ko?"
"hindi lang naman ikaw, wag kang assuming."
"aba bumabalik kana yata sa dati ah. nako gusto ko pa naman yung ica na palangiti at mabait."Gusto nya ang ica na palangiti at mabait?
Well gusto ko parin ang dating ako pero kung ang bagong ako ang gusto nya, no problem. i mean, Kung itong ica ang gusto nila para sakin ay ok lang naman.
pero hindi ako nagbabago para sa kanya...
o para kay nicole o maging kay tita laura.
It's for myself.
Ayokong parang lagi akong galit sa mundo
"so gusto mo ko..." napatango-tango ako sa idea.
"What? teka, mali ka ng pagkakaunawa ah. hindi kita gusto----"
pinigilan kong mapangiti. "Bat ka nagpapaliwanag?"
Hindi naman maipinta ang itsura ni sam. hindi nya alam kung anong isasagot at kung paano didepensa kaya halos mapunit tuloy ang pisngi ko sa lawak ng pagkakangiti ko. Hindi ko sya tinitignan pero alam kong nakatitig lang sya sakin at hindi makapaniwala.

BINABASA MO ANG
Uncrush
Romance"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...