"Uncrush"
Ica's POV
"i spent new year with sam and her family..."
"that's good news, angelica. so how was it?"
"Yeah it was good actually. hindi lang ako... hindi ko alam pero parang imposible parin. ang bilis kasi ng mga pangyayari hindi ako makapaniwala."
they say time flies when you're happy
yes, that's true.
Dati para sakin, mabagal ang takbo ng oras. at paulit-ulit lang ang routine ko kaya tila walang saysay. hindi na iyon ganon ngayon...
Masyadong mabilis para sakin ang mga nangyayari kaya kailangan kong sulitin ang bawat sandali
ayokong may palampasin na segundo, ayokong may makaligtaan
So the routine had been made...
Palagi kaming magkasama ni sam. ang pag-uwi lang namin sa mga kanya-kanya naming bahay ang tanging nagpapahiwalay samin.
at hindi pa doon natatapos iyon syempre
Tatawagan ko sya at maguusap pa muna kami ng ilang oras bago kami parehong makaramdam ng antok
sobrang random lang.--Na sobra ding mahalaga for me.
minsan nai-imagine ko na ang buhay ko na sya ang kasama sa bahay, katabi sa kama at katulong sa pagluluto o paglilinis... nai-imagine ko na ang future ko and honestly i can't wait to marry her.
Gusto kong ako ang pormal na mag propose ng kasal dahil isa lang iyon sa mga bagay na gusto kong gawin para sakanya
"Lalim ng iniisip naten ah..."
Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasang libro. at kaagad kong pinagsisihan iyon...
the infamous fame de lara is infront of me
napakunot-noo ako habang nakatingin sa kanya. walang pasabing naupo sya sa usual seat ng bespren ko habang may nakakainis na ngisi.
"anong kailangan mo?" mataray na tanong ko.
"o relax ka lang, kakaumpisa lang ng taon eh."
Relax? hindi ako nari-relax kapag nakikita ko sya. inaamin ko, kumukulo talaga ang dugo ko sakanya. Sabi ni nicole yun ay dahil ito ang counterpart ko.---I don't believe her. paano naman nangyari iyon eh hindi naman ako gaya nito na troublemaker? hindi din ako suki sa guidance office. at lalong hindi ako babaera!
"actually, gusto ko lang kayo kamustahin ng jowa mo. official na pala kayo?" Sabi nito nung hindi ako magsalita.
napaismid ako. Chismosa! "Ano namang pake mo?"
tumawa sya. "bat mo ko tinatarayan? im being nice na nga eh."
"ayoko kasi sayo."
Lalong lumakas ang tawa niya...
kaya napatingin ako sa paligid.---Buti na lamang at kaunti pa lang ang tao sa cafeteria dahil hindi pa official lunch break.
"ano namang ayaw mo saken? ah... parang alam ko na. siguro natatakot kang agawin ko sayo si sam noh?"
That got me!
napakuyom ako at napatiim-bagang habang sobra kong pinipigilan ang sarili ko na huwag sumabog sa galit. sinasagad talaga ng de lara na ito ang pasensya ko...
Geez bakit ba kase lagi nalang late kung dumating ang bespren ko? i need her now.
anong gagawin ko?

BINABASA MO ANG
Uncrush
Romance"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...