UNCRUSH
I can't stand you
must everything you do
make wanna smile
can i not like you for awhile
no, you won't let me and you upset me girl
then you kiss my lips
all of a sudden i forget
that i was upset
i can't remember what you didshe hates to love me. did i heard it right?
"But i hate it... you know exactly what to do so i can't stay mad at you for so long that's wrong "--Malakas at sintunadong kanta ni nicole mula sa kusina. "and i hate how much i love you girl i can't stand how much i need you..."
nag set sya ng movie marathon ngayong gabi dahil nasa business trip ang parents nya at dito sa bahay namin nya balak manggulo.---matulog. hindi ko sya matanggihan, at yun ang isa sa mga bagay na nakakainis kapag may bespren ka. Hindi ko na nga matiis yung speaking voice nya, kumanta pa talaga.
Kinukulit parin nya ako tungkol sa eksena kahapon sa cafeteria at gym...
Sa pagkabigla ko sa mga kaganapan ay hanggang ngayon hindi parin ako makatulog.
Ni hindi ako makakain o makapagbasa!
Nag-aalala na si tita habang si nicole naman ay natutuwa pa. Halos parang gusto nya magpa-party eh... panay ang patugtog nya. sinasadya nyang kantahin ng malakas ang kantang sa tingin nya ay patama sakin... pero Hindi ako apektado sa kanta kundi sa boses nya mismo.
Speaking of Her-----Lumitaw sya sa harap ko. may suot syang apron at earphone. at nag apron pa talaga pancit canton lang naman ang niluluto!
"bes hindi ako exaggerated ah pero sobrang laki na ng eyebags mo. you need to sleep!"
Inirapan ko lang sya...
paano ako makakatulog? hindi nga ko inaantok
"I told you, you like her. ewan ko ba kung bakit hindi mo yon ma-realize o ma-figure out or what, basta kahit anong synonym. See what happened... isip ka ng isip dyan na parang tanga ang simple lang naman ng sagot sa lahat. bes, In love ka. tanggapin mo nalang kasi at aminin mo sa sarili mo ok?"
sinimangutan ko sya. "bat ba ang daldal mo?!"
"o bakit hahalikan mo na ba ko para mapatahimik ako hmmm?" Pang-aasar na sabi nya.
Tuluyan na kong nainis kaya binato ko sya ng unan.---sapol sya sa ulo!
"Hindi ko gagawin yun kahit anong mangyari." Sigaw ko. lalo na kung mapipilitan lang din ako
tumawa naman ang bruha."natural hindi mo gagawin yun dahil kapatid ang turing mo sakin..."
"sinong nagsabi sayo?!"
Hinampas nya sakin ang unan na ibinato ko sakanya. "ang sama mo talaga!"
"ano ba?! umalis ka na nga... pumayag akong makitulog ka dito pero Hindi ko sinabing magluto ka at kumanta-kanta dyan. Hindi ako makatulog dahil maingay ka!"
"Hindi ako uuwi hanggat di mo kinukwento sakin kung anong nangyari sainyo ni Sam sa gym."
"diba nagkalat ang chismosa sa school natin bakit di na lang sila ang tanungin mo?"
Naupo si nicole sa tabi ko, at inalis ang earphones nya. "ginawa ko na yun tange! alam mo ba sabi ng isang student dun na taga I.T department may nag video daw sainyo."
parang nag-init ang muka ko ng marinig ang huling sinabi ni nicole. May nag video? Geez! ano-ano naman kaya ang nakuha sa video na yun? bigla tuloy akong nabahala...
"nakilala mo kung sino?"
"tropa nung laging binu-bully... Sino nga kasi yun? yung payat na matangkad bes."
"Si dylan."
"oo yun nga. diba nung first year tayo kapalitan mo ng books yun? tas nandun din sila sa cafeteria nung kiniss ka ni sam... Alam mo ba, may issue na gay daw si tyler? nung nasa detention ka marami akong narinig eh. nakakaloka bes! yung grupo nila Vallejo alam mo yun diba? afternoon class sila. Yung tatlong girls na yun puro anak ng mga lesbian couple. grabe ang cool no? ikaw kaya kelan ka mag-a-out?"
Tinignan ko sya ng masama. "hindi ako lesbian!" geez! mas straight pa ko sa buhok na nakabrazillian.
"eh ano naman kung lesbian ka diba? ikaw pa din yan, matatanggap ka namin. and actually, mas bet kita as lesbian, ang hot mo non bes. don't worry, marami kayo. try mo kasi makipag-usap sa iba para magkaroon ka ng kamalayan sa paligid mo... my gosh! alam mo minsan ayoko na sayo dahil ang hirap at gulo mong pakisamahan pero wala akong choice, kapag iniwan kita sinong magpapaalala sayo na kumain kana? puro libro yang inaatupag mo, fiction yan bes, dito ka sa reality. sa mga totoong tao at pangyayari ka. Labas-labas din sa comfort zone mo."
At some point, i know I'm lucky to have nicole as my bespren. yung kadaldalan nya may dulot na mabuti...----i swear, that got me hard.
three years na kong nag aaral pero bakit parang ngayon pa lang ako natututo sa mga bagay-bagay?
matalino daw ako pero feeling ko ang bobo ko talaga sa part na hindi ko maintindihan ang sarili ko.
at ni hindi ko alam kung anong tawag sa feelings ko...
is it hatred?
--------------------------------------------------------
guys, may mga tao talaga na sobrang hirap intindihin and... believe me, hindi sila basta may topak lang. malay ba natin kung disorder na pala yun or trauma? depression or anxiety? Like how it was written sa previous chapter,-----May mga rason kung bakit ganito umakto ang isang tao. may mga rason kung bakit may nagtutulak sa isang tao na gawin ang ginagawa nya. we can never know unless, di natin sila susukuan kausapin.
#spreadLegsAndLuv hahaha!
-winwin--------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
Uncrush
Romansa"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...