"uncrush"
Sam's POV
ngayon ko pa lang totally nararamdaman ang bigat ng sitwasyon ko...
because dad finally knew who's the person behind,---i mean, the reason why am i like this. why am i feeling like this...
yes.
He didn't assume when he sees ica, not until mommy confirmed it.---pinag uusapan pala nila ang tungkol sa inamin ko kapag nasa office si dad. and mom trying to explain the situation... my feelings, to him in any possible way that he could understand.
of course they couldn't believe it, they were shocked and confused...
At hindi sinasadyang narinig ni kuya ang usapan nila.
Tinatanong ni dad kung saan sya nagkulang...
actually, kung magiging honest ako, sa oras lang naman siya nagkulang sa amin at alam naming tatlo iyon pero inintindi namin dahil sa kalagayan ng buhay namin noon.--until now, yun parin naman ang issue.
at natanong din daw ni mom kung ano naman ang nagawa nyang mali...
wala. she's a great wife and mother.
So kaya sobrang nakokonsensya ako na isiping iniisip ng parents ko na sila ang may kasalanan
Gosh! hindi ko naman ginustong ma-in love sa kapwa ko babae
kung kaya ko nga lang sanang pumili ng taong gugustuhin ginawa ko na para lang hindi ko mabigyan ng sama ng loob ang parents ko
but i can't!
For the past three years im always asking myself why HER? why with a GIRL?
and still there's no accurate answer...
nangalumbaba ako habang pilit na nagko-concentrate sa journal ko.
inaantok ako
hindi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip. para na kong mauubusan ng dugo sa nerbyos habang nagtatanong si dad ng kung ano-ano kay ica tapos ay titingin sakin.--well alam ko namang gusto nya makita ang bawat reaction ko para pag-aralan iyon.
dun kasi sya mahusay, ang kumilatis ng tao.
ang tanging nagpagaan lang ng loob ko kahit papaano ay ang paminsan-minsang biro ni kuya at ang pag ngiti samin ni mommy, na tila ba sinasabi nyang wag kami mag-alala dahil sya ang bahala kay dad sakali man na lumampas ito.
at laking pasalamat ko na okay naman ang tinakbo ng usapan hanggang sa dinner...
Hindi ko akalaing mas hahanga pa ko kay ica.
naranasan nyo na din ba iyon?
i don't know how many times she made me feel liking her even more, without putting an effort.---kaya tuloy panay parin ang hingi ko ng sorry sakanya dahil hindi ko sya tinawagan at halos ipamuka ko pa sakanya na hindi ako natuwa sa ginawa nya
but then she stayed... she stayed when i needed her most
Ang haba na yata masyado ng buhok ko!
Sabi nya sakin gusto lang naman daw talaga nyang makita ako para humingi ng sorry, kaya bumili pa sya ng flowers.--peace offering. oras daw na maibigay nya sakin yun ay aalis na sya
kaso nga lang doon naman biglang dumating si dad...
Bakit ba ang sweet nya? tumaas ang respeto ko sakanya ng magpakita sya ng paggalang sa parents ko.
Kung sana lang ay kilalanin pa nila si ica, baka maging daan iyon para mabigyan kami ng chance na makasama ang isat-isa... ng hindi patago.
Syempre pareho naming gusto na matanggap kami ng pamilya ko

BINABASA MO ANG
Uncrush
Romansa"sabi nila the hardest one to love is the one who needs to be loved." Kilalang mataray at introvert si Angelica Denise Madrigal, na kalaunan ay binansagang Campus ice queen,--but not your typical college student na papasang bully. no, she's far from...