Kabanata 22

26.8K 882 191
                                    

XXII.

MASAMA ang pakiramdam ko hindi dahil may sakit ako kundi dahil nasasaktan ako sa pinapakita ni Robi. Bukod sa nalaman kong pumayag siya na gawin akong girlfriend ng Rance Abellano na iyon kapalit ng pera, hindi man lang niya ako magawang kumustahin. Isang buong araw ang lumipas pero walang kahit isang text lang.

Huminga ako ng malalim saka binitbit ang bag ko. Kakatapos lang ng oras ko sa trabaho at balak kong uminom sa bar ngayon. Ewan ko ba. Nasasaktan talaga ako at wala akong ibang maisi na gawin kundi ang umasa sa alak para kahit papaano, hindi ko na muna siya isipin.

Pumara ako ng taxi saka sumakay. Sinabi ko ang lugar kung saan ako pupunta. Muli kong tiningnan ang phone ko. Wala pa ring text galing sa kaniya. Maghapon ko ring tiniis na hindi siya tawagan. Mahal pa ba niya ako? Bakit parang ang dali lang sa kaniya na hayaan ako sa ibang lalaki? Hindi naman siya ganito dati kay Terrence. GAlit na galit pa nga siya kapag nkikita niyang kasama ko si Terrence pero kay Rance, bakit ayos lang? Sana man lang magpaliwanag siya sa akin.

Bakit... parang naiisip ko na ngayon iyong sinasabi ni Terrence na pineperahan lang ako ni Robi? Bakit parang gusto ko nang maniwala? Pero wala pa rin akong karapatang i-judge siya. NI hindi ko pa naririnig ang side ni Robi. Baka may malalim lang na dahilan? Sana nga e. Dahil kung hindi, hindi ko na alam.

Maya maya pa ay bumaba na ako sa taxi. TUmunghay ako para makita nag pangalan ng bar.

Hashtag Bar

Alam kong posibleng narito si Terrence pero wala naman akong alam na ibang bar kundi ito. Wala na rin naman akong lakas na maghanap pa ng iba. Alak ang ipinunta ko rito at hindi si Terrence. Naiisip ko na naman siya. HIndi na rin sia nagpaparamdam. May kirot sa bandang dibdib ko pero ayokong pansinin iyon kasi wala namang dahilan para isipin ko pa siya. Ayaw na niya akong makita.

Huminga ako ng malalim saka umupo sa bar counter. Sinalubong ako ng malapad na ngiti ng bartender.

"What do you want to drink, Miss?" tanong niya.

"Iyong alak na malalasing sana ako. Iyong mabilis ang epekto." sabi ko. Bakit ba ako iinom? Syempre para malasing. Kaya iyong biglaan na para mabilis, para makauwi na ako at makatulog agad. E'di mas okay 'yon, at least wala akong time na mag-isip mamaya kapag nalasing na ako.

Naglapag siya ng baso sa harap ko. May yelo iyon saka sinalinan niya ng alak.

Amoy palang parang nalalasing na ako. Hindi ko akalaing darating ako sa punto na mag-iinom na naman ako nang dahil kay Robi. Kailan nga ba iyong huli? Hindi ko na maalala.

Ininom ko ang alak. Napangiwi ako dahil sa lasa niyon. Napakatapang! KInilabutan ako sa lasa niyon pero choosy pa ba ako? Ginusto ko 'to. Ginusto kong mag-inom.

Tumunog ang phone ko. Para akong napaso at binitawan agad ang hawak kong baso. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nanlaki ang mga mata ko nang si Robi iyon. Napalunok ako. Kaya ko ba talga siyang kausapin? Paano ko itatanong sa kaniya ang tungkol kay Rance Abellano?

"H-Hello..."

"Baby..."

Pilit kong kinalma ang sarili ko. May parte sa akin na gusto ko siyang bulyawan. Gusto ko siyang kwestyunin. Gusto kong malaman ang dahilan niya. Pero parang umuurong ang dila ko.

"B-Busy ka?" Iyon lang ang naitanong ko.

Galit ako 'di ba? May karapatan ako.

"Oo, baby. Ang dami kong ginagawa. Oo nga pala, nakausap ko iyong Rance Abellano kahapon gamit ang cellphone mo."

A Certified CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon