Kabanata 15

41.8K 1.3K 566
                                    

XV.

HINDI ko alam kung matatawa ako kay Terrence o ano. Paano ba naman, akala mo model habang nakatayo kami rito sa abangan ng jeep papunta sa cafe de lucio. Pinagtitinginan tuloy siya rito na parang artista. Mukha pa siyang tanga dahil iyong mga dumadaan na babaeng estudyante na halatang kinikilig ay kinakawayan pa niya.

"Terrence."

"Yea, babe?"

Hinayaan ko nalang siyang tawagin ako sa kung anong gusto niya dahil nananawa na akong suwayin siya.

"Dito ka. Tuturuan kita kung paano sumakay ng jeep."

"What the fuck, Keeshia. Ginawa mo naman akong mangmang. Of course I know how to ride on a jeep."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Katulad ng ganito, 'di ba nag aabang tayo ng jeep? Kapag may natanaw ka nang paparating, ikakaway mo ng ganito ang kamay mo." Itinuro ko sa kaniya ang pagsenyas sa jeep kapag sasakay.

"Like this?" Ginaya niya ako. At oo, seryoso, gwapo pa rin siya sa part na iyon. Akala mo model ng kalsada e. "Marunong na akong magganito whenever I ride a taxi."

Tumango ako saka ngumiti. Oo nga naman pero malay ko ba kung hindi naman siya sumasakay sa mga public transportation kasi may kotse naman siya.

"Yes, ganyan. Pero siyempre palagi mo munang iche-check iyong nakasulat na signboard sa harap ng jeep. Kasi iba iba sila ng ruta."

"So, anong dapat nakasulat sa signboard?"

"Crossing. Iyon ang sasakyan natin."

"Alright."

May parating na jeep na akong natanaw. Natawa ako kay Terrence dahil OA ang pagkaway niya sa jeep. Sa halip na tawanan ay kinikilig at tuwang tuwa pa ang ibang nag-aabang rito. Hay naku, kapag talaga gwapo.

Sumakay kami ng jeep. Magkatabi kami ni Terrence at naaawa ako sa kaniya dahil medyo nakatungo siya ng kaunti. Paano ba naman kasi, napakatangkad niya!

"Fuck, Keeshia. Pwede bang ipaalis ang bubong nito? Hindi ako kasya."

Natawa ako bigla. "Baliw ka talaga. Magtiis ka muna."

"Yea, sanay naman akong magtiis lalo na kapag wala pa akong nakukuhang babae."

Bwisit na lalaki 'to. Nasa jeep kami, jusme!

Pinandilatan ko siya ng mata. Hinawakan ko ang kamay niya saka inilagay doon ang barya.

"What is this? Hindi naman ako namamalimos."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bayad natin. Iabot mo sa driver. Sabihin mo bayad po."

Nasa may dulo kami malapit sa pinaka pinto ng jeep kaya kailangang ipaabot ni Terrence ang bayad namin s aibang pasaherong mas malapit sa driver.

"Seriously? Ito lang? How much is this? Sixteen pesos? Dalawa na tayo dito? Tangina, seryoso?"

Grabe 'yong reaction niya. First time nga talaga niyang magjeep.

"Oo naman. Dalawa na tayo diyan."

"What the actual fuck? Nakakabili pa ba ng gasolina ang mga jeepney driver?"

Napakarami niyang tanong. "Ibayad mo muna 'yan."

"Hindi ko abot ang driver. Look narito tayo sa dulo."

"Kapag ganyan, ipapaabot mo sa mga pasahero na malapit sa driver. Isigaw mo lang na makikiabot po ng bayad."

"Oh, I see."

A Certified CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon