XI.
GUILT. Iyan ang tanging nararamdaman ko ngayon. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin? Hindi ko din alam kung ano ang dapat isipin. Kanina ay si Robi ang iniisip ko dahil nakipaghiwalay na siya sa akin nang tuluyan pero ngayon, hindi maalis sa isip ko si Terrence.
Been there, done that.
Anong ibig sabihin niya sa sinabi niyang iyon? Na nangyari na sa kaniya ang nangyayari sa akin? Kung ganoon, masyado ko ba siyang hinusgahan? Nakakainis! Hindi ko na talaga alam kung paano ko haharapin si Terrence pagkatapos nang mga nasabi ko.
Mariin akong pumikit. Huminga ako nang malalim saka ako nag-dial ng number niya. Wala nang hiya hiya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakakausap.
Nagring naman ang tawag at maya maya ay sinagot niya rin iyon.
"Who the fuck is this?"
Napangiwi ako sa sagot niya. Lasing ba siya? Sa tono ng pananalita niya, halatang lasing siya.
"Terrence..."
Nanaig ang katahimikan.
Tumikhim ako saka muling nagsalita. "Sorry... hindi ko talaga sinasadya iyong mga nasabi ko kaninang tanghali. Nadala lang talaga akonng emosyon ko. Masyado akong nasa---"
"Come here."
Kumunot ang noo ko. "Saan?"
"Hashtag bar."
Kasunod ng sinabi niyang iyon ay ang tunog ng end tone. Binabaan niya ako. Nasa hashtag bar siya so ibig sabihin, lasing nga siya?
Jusko, huwag niyang sabihin na mula kaninang tanghali pagkaalis niya dito sa apartment ko ay uminom na siya doon? Huwag naman sana.
Kahit papaano ay nag-aalala ako kay Terrence.
May bahagi sa puso ko na sinasabing kasalanan ko kung naglasing man siya. Hindi sa assumera ako pero pakiramdam ko ay may nasabi akong hindi maganda at tinamaan siya.
Mabilis akong umibag. Kinuha ko lamang ang sling bag ko saka lumabas ng apartment bitbit ang cellphone ko.
Nang makababa ako ay pumara ako ng taxi at sumakay.
"Hashtag bar po." Sabi ko.
Tiningnan kongmuli ang cellphone ko. Alas nueve na ng gabi at nag aalala tuloy ako.
Napapaisip nga ako kanina kung mahal ko pa ba talaga si Robi? Hindi ko rin alam kung bakit pumasok iyon sa isip ko pero kasi... para bang hindi ko man lang iyon pinoproblema mula nung nagsagutan kami ni Terrence kanina. Para bang nasaktan ako, oo perokumipas lang din agad.
Tumunog ang phone ko at nagulat pa ako dahil si Robi ang tumatawag.
Huminga ako ng malalim saka sinagot iyon. "Hello..."
"Baby. I'm sorry. Hindi ko sinasadya iyong mga nasabi ko sa iyo kanina saka iyong babaeng narito sa unit ko? Pinalayas ko na dahil ikaw naman talaga ang pipiliin ko e. Bati na tayo?"
Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit. Para bang wala na akong makapa sa dibdib ko ni katiting na paki.
"Saka nalang tayo mag-usap, Robi." Sabi ko dahil natatanaw kong malapit na ako sa hashtag bar.
"Pero baby kasi... sobrang sama ng pakiramdam ko. Siguro dahil iyak ako ng iyak kanina noong pinaalis kita dito sa unit ko. Halos lalagnatin ako at gusto kong ipacheck up agad 'to kaso wala pa akong sahod."
"Sorry pero next time na tayo mag-usap." Sabi ko saka mabilis na pinutol ang tawag. Tumigil na kaai ang taxi sa harap ng Hashtag bar. Nagbayad ako saka bumaba.