Kabanata 17

35.2K 1.2K 1K
                                    

XVII.

NAGDESISYON na akong kausapin ng masinsinan si Robi. Maa maigi iyon para matapos na ang lahat at para hindi na rin kami magkasakitan. Siguro sapat nang dahilan iyong mga nangyari para matuldukan na kung anong meron kami.

Dito ako nagpunta sa condo niya. Tinawagan ko soya bago ako pmunta at pumayag naman soya na mag-usap kami.

Si Terrence, gusto niya sana akong samahan pero pinigilan ko siya. Nakiusap ako na hayaan ako. Labas siya sa problema namin ni Robi. Pasalamat ako sa kaniya dahil nariyan siya para sa akin pero sa pagkakataong ito, kailangan ko itong haraping mag-isa.

Nang makapasok ako sa unit ni Robi ay tumambad sa akin ang magulong salas. Maraming bote ng beer at maraming kalat.

"Robi." Tawag ko sa kaniya.

"B-Baby..."

Mabilis siyang lumapit sa akin saka ako niyakap.

Nqgpumiglas ako. Hangga't maaari ay ayokong bumigay ako sa kaniya. Iyong yakap niya... ayokong maramdaman dahil nagiging mahina ako.

"Babalik ka na ba sa akin, baby? Dito ka na ulit sa akin?"

Pulang pula ang mga mata niya. Mukhang galing siya sa pag-iyak.

Huminga ako ng malalim. "Nagpunta ako rito para linawin sa 'yo na wala na tayo. Na hanggang doon nalang talaha ang relasyon natin. Tapusin na natin 'to, Robi. Kasi pareho lang tayong nasasaktan." Sabi ko.

Buong buhay ko mula nang makilala ko siya, hindi ko naisip na darating kami sa puntong ito.

"Hindi, baby. Hindi ko kaya. Mababaliw ako kapag iniwan mo ako. Ang sakit sakit sa akin..."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. Naaawa ako sa kaniya, oo! At bihira ko siyang makitang ganito na umiiyak.

"Alam kong nagkamali ako, baby. Nasaktan kita at nasabihan ng masasakit na salita pero mahal kita. Mahal talaha kita. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na tumanda na hindi ikaw ang kasama ko. Matagal na natin 'tong pinapangarap 'di ba? Magkasama tayong tatanda. Keeshia, baby..."

Naalala ko noong mga panahong wala kaming ginagawa kundi magkwentuhan tungkol sa mga plano namin for the future.

Hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Alam mo ba? Nagsisisi ako kasi... kasi sinayang ko 'yung ilang taong pagsasama natin dahil sa panandaliang kasiyahan. Nagsisisi ako, baby."

Lalo akong naiyak. Ngayon ko lang nakita si Robi na umiiyak ng ganito.

"Kung pwede ko lang ibalik ang oras, hindi ko gagawin 'yon. Hinding hindi kasi mahal na mahal kita."

Kaya ko 'to. Hindi ako magpapadala sa emosyon ko. Niloko niya ako. Ginawa niya akong tanga. Sinaktan niya ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Anong gusto mong gawin ko baby? Lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako. Nagmamakaawa ako sa 'yo. Bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon para itama ang lahat. Nagmamakaawa ako."

Hindi ko na mapigilan ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi aki makapagsalita. Hindi ko inaasahang gagawin niya 'to.

"Keeshia... nagmamakaawa ako.ano bang dapat kong gawin para hindi mo ako iwan? Magpapakamatay ba ako? Iyon ba? Gagawin ko!"

Naalarma ako nang bigla siyang tumayo at kumuha ng kutsilyo sa kusina. Mabilis ko siyang nasundan.

"Robi!"

"Magpapakamatay ako! Baka sakaling maawa ka sa akin. Para hindi mo ako iwan."

"Robi please, ibaba mo 'yan!"

A Certified CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon