XXVIII.
WALA akong nagawa nang ihatid ako ni Terrece sa Cafe de Lucio kung saan kami magkikita ni Rance. Ayoko din naman kasi ng gulo. Hindi naman sa nagmamaganda ako pero kasi si Terrence parang inis na inis kay Rance. Baka kasi mamaya, kung anong sabihin niya.
"Sige na, bababa na ako."
"No."
"Terrence naman."
"We'll go together."
Ang kulit talaga. "Pero kasi naman ako ang kausap niya, Terrence."
"I don't care. I still need to go with you. I need to see that fucking Abellano."
Wala akong magawa. Tingin ko hindi na talaga magpapapigil si Terrence.
"Bahala ka nga."
"Don't act like that, Keeshia. Remember, I marked you. Label lang ang wala pero inangkin na kita. Do I need to remind you that?"
Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Ano ba, nakakainis!
Bumaba na kami ng kotse niya. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa cafe de lucio. Hinanap ko agad si Rance at nakita ko naman agad siya dahil sa bukana lang siya nakaupo.
Tumayo siya nang makita ako.
Hindi ko ipagkakailang gwapo talaga siya at model talaga ang tingin ko sa kaniya. Iyong tindig niya, awra niya, lahat.
"Hey, you're ready?" Tanong niya agad.
"Who the hell are you?"
Nanlaki ang mga mata ko nang may magsalita sa likuran ko. Jusme, si Terrence! Tiningnan ko agad siya ng masama.
"Pardon?"
Nasapo ko ang noo ko. "Ah, ano, Rance si Terrence nga pala kaibigan ko." Sabi ko nalang.
Ngumisi si Terrence habang nakatingin pa rin kay Rance.
"Answer me, who the hell are you?"
Bahagya kong pinisil ang tagiliran ni Terrence saka tiningnan siya ng masama.
"Rance Abellano. And you are?"
"Terrence Palermo."
Ngumiti si Rance. "Palermo. Are you connected with Tito Luke Palermo?"
Hala? Kilala niya ang mga Palermo?
"He's my uncle. How did you know him?"
"He's my father's close friend."
Ang liit talaga ng mundo. So magkakakilala sin ang pamilya nila.
"I see." Sabi ni Terrence. "I heard about what you did and yeah, thanks for saving her. But I don't think you can ask her to be your pretend girlfriend just because of that?"
"Terrence..." mahinang sambit ko.
Ngumisi si Rance. "Then what should I do? Ask her to be my girlfriend for real?"
Napalunok ako sa birong iyon ni Rance.
"Watch your mouth, man." Banta ni Terrence. "How much do you want?"
Nanlaki ang mga mata ko. Bakit niya tinatanong?!
Lalong napangisi si Rance. "Right, you're asking me how much? I don't need money. I'm fucking rich."
Parang manununtok na ang mukha ni Terrence. Jusko naman. Maayos ko namang sinabi sa kaniya na tanggap ko ang hininging kapalit ni Rance e.
"Then find another girl."