Kabanata 21

26.4K 824 139
                                    

XXI.

NAGISING ako na pulos puti ang nakikita ko sa paligid. Nasaan ako? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Mariin akong pumikit saka inalala ang nangyari.

Malakas na ulan. Malakas na kulog at kidlat. Muling pumasok sa alaala ko ang nangyari noon. Takot na takot ako. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko hanggang manikip ang dibdib ko at ang huling natatandaan ko ay isang bulto ng lalaki na sa mga oras na 'yon ay sinagip ako.

Muli kong iminulat ang mga mata ko. Dahan dahan akong umupo sa kamang hinihigaan ko. Nasa hospital ako. Anong... paano ako napunta rito?

"You're awake."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na iyon. Hindi pamilyar ang boses niya at wala akong idea kung sino iyong nagsalita pero ang tono ng pananalita niya ay para bang kanina pa ako inaantay na magising.

Dahan dahan akong tumigin sa bandang kaliwa ko kung saan may mahabang sofa. Hindi ko alam kung nasa mamahaling kwarto ako pero masasabi kong hindi ito ordinaryong hospital room. 

Napalunok ako nang masialayan ang mukha niya. Wala akong ideya kung sino siya. Ni hindi ko siya kilala. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

"I saved you." aniya. Tumayo siya at naglakad papalapit sa kamang inuupuan ko. Napaka-gwapo niya. Oo nga't kagigising ko lang at hindi ko alam kung nanganib ang buhay ko kagabi pero iyon talaga ang napansin ko ngayon. Ag tindig niya, ang mukha niya, ang... ang gwapo talaga. Para siyang artista.

Umupo siya sa gilid ng kama ko na walang pag-aalinlangan. Napausod ako ng kaunti sa gulat. Feeling ba niya close kami? Hindi ko nga siya kilala. 

"S-Salamat sa pagsagip sa akin... ano, anong... kasi hindi ako mayaman. Wala akong pambayad kung hihingi ka ng pera kapalit ng pagtulong mo sa akin." iyon nalang ang nasabi ko.

Sa panahon ngayon, uso na iyong palaging may kapalit lahat ng bagay.

Nanatiling seryoso ang mukha niya. HIndi ko tuloy masabi kung ano bang nararamdaman niya. Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon ng mukha niya kung galit ba siya, masaya? O ano pa man. May ganitong tao pala? Halos walang emosyon ang mukha niya.

Wala akong nagawa kundi ang mapalunok ulit. Nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ko naman maalis ang pagtingin ko sa magaganda niyang mata.

"Do you know me?" tanong niya.

Umiling ako. "P-Pamilyar pero hindi kita kilala."

"Then that would be great. Give me one week in exchange of saving you."

Ano daw? "One week? Na... ano?"

"Be my one week girlfriend."

Iyon lang naman pala—TEKA ANO DAW?? "Anong sabi mo? Ano, girlfriend? One week? Seryoso ka ba diyan?"

Tumango lang siya at nanatili pa ring cold ang mga mata niya. "Do I look like I'm kidding?"

Nananaginip lang ba ako? Tama. May possibility na nilamon ako ng panaginip. Gigising rin ako maya maya. Sinubukan kong sampalin ang sarili ko pero masakit iyon!

Totoong nangyayari 'to?!"

"Sandali, hindi ko maintindihan. One week girlfriend? Teka, ang gulo yata. Para saan? Unang una, oo nga tinulungan mo ako at handa naman kitang bayaran kung may nagastos ka pati dito sa hospital—"

"I don't need money. I'm fucking rich."

Sa way ng pagsasalita niya, mukhang mayaman nga ang lalaking 'to pero mukhang napaka-rude niya. So hindi niya kailangan ng pera.

A Certified CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon