Kabanata 1

107K 2K 1.1K
                                    

I

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I.

MALAKAS na ring ng telepono ang pumailanlang sa kabuuan ng mansyon ng mga Palermo. Maagang nagising si Charisse Palermo—ang ilaw ng tahanan at sinagot ang kanina pa tunog nang tunog na telepono.

“Hello?” sagot nito sa tawag.

“Charisse, anak.”

Nabosesan agad iyon ni Charisse.

“Mama, napatawag kayo?” tanong niya sa kabilang linya.

Si Mrs. Lucia Palermo—ang ina ng asawa niyang si Luke Palermo at kasalukuyan itong naninirahan sa California, USA.

“Ako naman talaga ay sumusuko na. Wala akong sakit pero mapapaaga yata ang pagkamatay ko, anak. Mamamatay ako.”

Nagulat si Charisse sa sinabing iyon ni Mrs. Lucia. “Mama naman, huwag kayong magsalita ng ganyan. Ano bang nangyari?”

“Naku anak, hindi lang tumataas ang bra ko, pati panty ko ay natatanggal na ang garter dahil sa konsumisyon ko kay Terrence. Kainaman namang bata iyon. Hindi ko na siya kinakaya, anak! Hindi ko pa rin lubos maisip kung saan nagmana ang batang iyon. Hindi naman ganoon kakulit ang ama niya pati ang kapatid niyang si Clarence. Pinagma-manage ko siya ng isa sa mga companies dito sa California pero hindi daw business ang hilig ng punyetang iyon!”

Huminga ng malalim si Charisse. “Naku, Mama, ano bang ginawa ni Terrence? Nakikipagbugbugan ba? O baka sumali sa mga gangster?”

“Hindi, anak. Mas maigi na nga yatang mag-gangster na lamang siya anak pero hindi! Ang Papa mo, nambabae din naman iyan noong kabataan niya, pati ang asawa mong si Luke ay ganoon din pero itong si Terrence, patawarin ako ng Diyos pero malapit ko na siyang itakwil bilang isang Palermo. Alam mo ba, anak? Gabi gabi, nag-uuwi ng babae dito sa bahay, ang masama pa nito, kainamana naman, mga pokpok at hostess yata sa bar ang inuuwi. Sinita siya ng Lolo niya pero ang punyetang bata na iyon, inuwian din ang Lolo niya ng chicks! Akala yata niya naiinggit ang Lolo niya. Aba, punyetang bata iyon, pinaghahampas ko nga ng baston ko!”

Nag-init ang dugo ni Charisse sa narinig. “Naku, Mama! Kay Luke ‘yan nagmana! Punyetang Terrence ‘yan! Pauwiin niyo ‘yan dito sa Pilipinas, Mama at ako ang bahalang magpatino sa punyetang ‘yan! Kung kailangan kong sipain ang bayag ng lalaking ‘yan, gagawin ko nang matigil!”

“Anak, hindi mo na kailangang sabihin iyan dahil flight na niya mamaya. Ibinili ko na siya ng one-way ticket at nakahanda na rin ang mga maleta niya. Sapat na ang ilang taon kong pagtitiyaga sa batang iyon, susmaryosep! Sa iyo ko na lamang sinabi dahil ayokong bigyan ng problema ang ama niya. Alam mo namang hanggang ngayon ay lulong pa rin si Lorence sa namatay niyang asawa kaya hangga’t maaari ay ayaw ko siyang bigyan ng iisipin.”

A Certified CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon