XIX.
PANIBAGONG araw na naman. Main goal ko agad ay ang makausap si Terrence. Hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ang bigat bigat sa pakiramdam na ganoon iyong pinakita niya sa akin kagabi sa bar.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit apektado ako na makita siyang may kahalikan at kalandiang ibang babae.
Mahal na mahal ko si Robi at masaya naman ako na naging maayos na kami. Pero bakit parang may something dito sa dibdib ko?
Papunta ako ngayon sa Hashtag bar. Lunch break at mas pinili kong puntahan siya kesa mag-lunch sa Cafe de Lucio. Isang oras lang ang break time ko kaya susulitin ko na. Hindi naman siya ganoon kalayo.
Kaninang umaga ay masaya pa rin naman akong makitang masaya si Robi. Dinalhan ko siya ng groceries at hindi ko mabilang ang pagpapasalamat niya. Mas naramdaman ko tuloy na mahal na mahal niya ako.
Bago ako nagdesisyong pumunta dito sa Hashtag bar ay tumawag muna ako kay Mrs. Palermo at tinanong kung nasaan si Terrence at iyon nga, sabi niya ay narito sa bar.
Ang aga aga, nasa bar siya.
Pumasok ako sa loob. Hindi ko akalaing may mga tao pa rin dito kahit ganitong oras. Para siyang cafe kapag araw. May mga tao sa mga mesa na umiinom ng cafe, kumakain at umiinom. Pero hindi katulad kaoag gabi na pati dance floor ay puno ng tao.
"Dude, she's here again. Oh, come on! You should give her what she wants para tigilan ka na. Tangina ng kamandag mo, hayop."
Narito na naman iyong bastos na lalaki na kasama niya rin kagabi.
"Shut up." Ani Terrence saka tumingin sa akin.
He looked normal. They are drinking coffee sa may bar counter. Akala ko ay alak agad ang iniinom nila.
"Ang aga aga, nasa bar ka na naman, Terrence." Hindi ko maiwasang sabihin.
Ngumisi si Terrence. Para bang napakalamig ng tingin niya sa akin.
"Woman, hell, ang aga aga? We fucking slept here." Tumawa pa si Dos pagkasabi niyon.
"Hoy, pamangkin ni Palermo na napaka-landi, hinahanap ka ng tingting mong Tito. Umuwi ka na. Nasisisi pa ang bar ko. That's a no no! Hindi na baleng si Kit Javier ang sisihin niyo! Huwag lang itong bar ko dahil napakatagal na nitong namamayagpag. Mas famous pa ito sa inyo."
Napatingin ako sa middle-aged man na nagsalita.
"Oh, yeah, Tito Ken." Sagot ni Terrence.
Muli siyang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko.
"Leave us." Sabi niya.
"Yeah, leave us, woman. Sorry but you're not his fucking type." Dugtong ni Dos.
"No, you. Leave us for a while." Sabi ulit ni Terrence. "You fucking leave us, Dos."
"Come on, Dude! Fuck, fine."
Umalis na si Dos. Naiwan kami ni Terrence dito sa may bar counter. He's looking at me with his cold eyes. Hindi ako sanay sa ganoong tingin niya.
"What do you want?" Tanong niya. May galit sa tono ng pananalita niya. "If you want to fucking save your relationshit with your boyfriend, then stop coming to me like we have a thing."
Napalunok ako. Naiintindihan ko naman iyong galit niya. Hindi maganda iyong mga nasabi ko sa kaniya noong huli kaming mag-usap sa apartment ko. Nadala ako ng galit, isa pa, ayoko lang talaga na nakikialam siya sa amin ni Robi.
"Terrence kasi, ano..."
"You know what, you're wasting my time. I have plans today and heck, here I am, talking to you, hearing non sense thing---"