Agad na binalita ni Luhan sa Best friend niyang si Baekhyun naghahanap ng Assistant si Chanyeol. Si Luhan ay isa sa mga nagtatrabaho sa Company ni Chanyeol. Hindi nga lang ganun kataas ang ranggo ni Luhan pero si Chanyeol ang kinakatakutan nilang lahat. Lalo na siya dahil once na magkamali ka ng mga pinagawa ni Chanyeol sayo, Tiyak mapapatalsik ka agad. Swertihan nalang kung Maganda ka baka Mapagbigyan kapa ng tadhana HAHAHA.
"Baekhyun! Naghahanap ng bagong Assistant si Sir Chanyeol, Yung CEO namin sa Company baka lang gusto mo!" Masaya na sabi ni Luhan sa kaibigan niya. Napakunot naman ang noo nito. "Bago? Bakit nasaan yung dating Assistant niya?" tanong naman ni Baekhyun sa kanya. Lumungkot naman ang mukha ni Luhan. "Ayun nga, Napatalsik siya dahil natapunan niya ng Kape yung mga pinagawang Paperworks sa kanya ni Sir! Kawawa nga siya eh lahat nakatingin sa kanya!" Malungkot na sabi ni Luhan habang tumango naman si Baekhyun. Nagtanong ulit ito, "Strict ba yun? Parang nakakatakot naman Luhan! Wag nalang-" Hindi sana papayag si Baekhyun na magsalita si Luhan. "Ano kaba Bes! Mataas ang sweldo doon, Lalo na Personal Assistant ka ni sir Chanyeol! Gora kana dali!" Pagpupumilit ni Luhan sa kaibigan niya. Nakita naman niyang napabuntong hininga si Baekhyun. "Sige na nga! Ikaw pa ba Luhan malakas ka saken! Basta iguide moko ha? Natatakot ako!" biro na sabi ni Baekhyun sabay napatawa naman si Luhan sa kanya. "Oo naman Walang problema, O siya bukas na bukas din isasama kita sa Company namin! Aalis na din ako agad Baekhyun, May kailangan pa kasi akong gawin!" Nakangiti na sabi ni Luhan sabay umalis na din siya. Nilock naman ni Baekhyun ang gate nang bahay nila sabay pumasok na sa loob.
"Sa kuwento palang ni Luhan, Nakakatakot yung Chanyeol na yun! Kinakabahan ako, At the same time Na eexcite!" Sabi ni Baekhyun sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
𝑴𝒚 𝑺𝒆𝒅𝒖𝒄𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑩𝒐𝒔𝒔 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]
RomanceDahil sa hindi sinasadyang pangyayari, Naging slave si Baekhyun ng boss niya.