BAEKHYUN'S POV
Break time na namin, Naiwan si Chanyeol sa itaas dahil may tatapusin pa daw siya. Kasama ko si Luhan ngayon nandito kami sa Canteen. Hindi gaanong marami ang mga Tao dito kaya nakabili agad kami. Hindi maipinta ang mukha ko ngayon, Bakit kaya medyo nalungkot ako nung hindi sumagot si Chanyeol sa sinabi ko. Pero agad ko ring na realize na Slave lang naman ako, Hindi niya ako mahal. gumising ka na nga sa katotohanan baek!
Nagising lang din ako sa realidad na kalabitin ako ni Luhan. "Bes, are you okay?" tanong niya saken na parang nag aalala siya. "Ah...Oo naman...ayos..lang..ako...Luhan..hehe..!" Nauutal na sabi ko sa kanya. "Kanina kapa kase tulala diyan baka may lagnat ka or what?" Concern na sabi niya saken. Nginitian ko naman siya bilang sagot, Ayokong sabihin kay Luhan ang bagay na ito dahil alam kong Magagalit siya saken. Atsaka hindi niya alam na Pumayag ako sa gusto ni Chanyeol na maging slave ako dahil sa kanya, Dahil ayokong matanggal siya dito sa Company. Agad ding nagpaalam si Luhan dahil may tatapusin pa daw siya, Agad ko siyang niyakap sabay umalis na. Naiwan naman akong tulala dahil sa pangyayari na yun. Wait kumain naba si Chanyeol? tanong ko naman sa sarili ko kaya nagpasya akong bumili ng Pagkain para sa kanya. kahit nagtatampo talaga ako yan ang totoo.Pagkabili ko pumunta nako sa Office niya, Dahan dahan kong binuksan ang Sliding door ng office niya. Nakita kong laptop pa din ang kaharap niya, Tinigil niya lang ang ginagawa niya na makita ako. "Chanyeol...este..Sir...Dinalhan na po kita ng makakain niyo," Nauutal na sabi ko sabay lumapit sa kanya. "Salamat Baek! Pakilagay nalang diyan kakainin ko yan mamaya" Nakangiti na sabi niya sabay binalik ang atensyon sa Laptop niya. Napangiti naman ako ng kaunti dahil kahit papaano na appreciate niya yung effort ko.
Nakatayo lang ako sa tabi niya habang pinagmamasdan siya. he's really handsome! Yung buhok niya naka hair up. Basta I can't explained. Ampogi ni Chanyeol talaga. Hindi ko namamalayan na nakatitig lang ako sa kanya, Nahuli naman niya akong nakatingin. "Is there any problem, Baek?" tanong niya saken habang nakataas ang kilay sabay nagulat naman ako. "Ah...sir...Wala naman po...Sorry po!" sabi ko nalang sabay pumunta sa Sofa sabay umupo. Tumango naman siya sabay binalik ulit ang atensyon sa Laptop.
CHANYEOL'S POV
Nakita kong may dala na pagkain si Baekhyun, Sabi niya saken daw yun. Pinalagay ko naman yung dala niyang pagkain sa tabi ko sabay binalik ang Atensyon sa laptop na nasa harapan ko. Deep inside kinikilig ako! she's so sweet! Hindi ko nalang pinahalata kunyari seryoso lang ang mukha ko. Dagdag mo pa yung Nakatitig siya saken pero nahuli ko siya. huli ka pero di ka kulong haha! Nakita ko naman siyang umupo sa Sofa. Habang nakaharap sa Laptop, hindi ko mapigilan na Mapangiti ng malapad. Napatingin naman siya saken kaya binalik ko yung mukha ko sa pagkaseryoso.
BINABASA MO ANG
𝑴𝒚 𝑺𝒆𝒅𝒖𝒄𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑩𝒐𝒔𝒔 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]
RomanceDahil sa hindi sinasadyang pangyayari, Naging slave si Baekhyun ng boss niya.