Chapter 3

576 54 4
                                    

~Kinaumagahan

Sinama ni Luhan si Baekhyun sa Company nila. Pagpasok pa lang nila sa loob, Agad nang namangha si Baekhyun sa Magandang kapaligiran niya. May magagandang Muebles, Dagdag mo na yung Sobrang lamig sa loob sabay Sobrang bango ng Conpany. Nagniningning naman ang mga mata ni Baekhyun. Natuwa naman si Luhan dahil pumayag na din si Baekhyun mag apply.

"Baekhyun, Canteen muna tayo!" Sabi ni Luhan sabay inaya si Baekhyun na kumain muna sila. Tumango naman si Baekhyun.

Pagpasok nila sa loob ng Canteen, Grabe ang siksikan ng mga Empleyado. Nagsabay kase ang Break time ng mga Empleyado atsaka mga Staffs ngayon. Halos nagtutulakan na ang iba dahil sa sobrang sikip. Nang makarating na si Luhan sa Counter, "Miss, Same order!" Senyas niya sa babae na nasa Counter. Tumango naman ang babae sabay pumunta na sa Kitchen. Napatango naman si Baekhyun dahil baka kilala na ni Luhan ang nasa counter at laging siya ang nagseserve kay Luhan ng Pagkain.

Lumapit naman si Baekhyun sa Counter sabay kinuha ang order niya. Hinawakan niya mabuti ang bitbit niya dahil nga sa mas Malaki sa kanya ang hawak niyang container, Mas nahirapan siyang bitbitin ito. Hindi naman sinasadyang natapon ang bitbit niyang Pagkain. Nakita naman niyang nakatingin ang mga Empleyado sa kanya na parang Awang awa na nakatingin sa kanya. Nakita niya ang lalaki na nabangga niya, Naka formal na suot ito at Tumingin ng masama sa kanya. Kinakabahan naman siyang sinalubong ni Luhan.

"Ah...eh..Sir Chanyeol...Sorry po...Bago pa lang po kasi tong Best friend ko dito...Hindi naman niya po Sinasadya..." Natatakot na sabi ni Luhan sabay inalalayan si Baekhyun.

Siya pala yung CEO nila Luhan, Gwapo siya pero nakakatakot tumingin sabi ni Baekhyun sa kanyang sarili.

Agad naman siyang hinawakan ni Chanyeol sa kamay sabay kinaladkad palabas ng Canteen, Pinagtitinginan naman sila ng mga Staffs at Empleyado doon. Aawatin sana ni Luhan ang dalawa na dumating si Sehun, "Don't you ever na sundan sila! Lagot ka saken!" Naka smirk na sabi ni Sehun kay Luhan habang hinuhubaran ng tingin. Nahiya naman si Luhan kaya napatingin siya sa kawalan.

𝑴𝒚 𝑺𝒆𝒅𝒖𝒄𝒕𝒊𝒗𝒆 𝑩𝒐𝒔𝒔 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon