Chapter 19- The Message

277 5 0
                                    

||CHAPTER 19- The Message||

 

*TONI’S POV*

Gumising ako ng maaga, Monday kasi may flag ceremony kami.

7:10 A.M--- Nang dumating ako sa school, nakita ko agad si Nicko.

Binati niya agad ako at nginitian.

Ganun siya talaga…

7:30 A.M--- Nag-ring ang bell nagkaroon ng mass assembly dahil sa flag ceremony.

8:00--- Bumalik na ang mga bata sa kani-kanilang classroom.

Pumasok muna ako sa faculty. Tinignan ko ang aking cellphone.

May nagtext sa’kin GROUP MESSAGE. Walang pangalan number lang.

“Hi Batch 2008! Kamusta na? alam ko lahat tayo ngayon ay busy na sa trabaho at may kanya-kanya ng mga buhay.

I would like to invite you to our grand reunion. Lagpas 5 years na tayong graduate mga ka-batchmate. Gaganapin poi to sa darating na Saturday 7:00 PM sa Crimson Hotel. See you! May registration fee po tayong 500 php. Sana ay makumpleto tayo.”

Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang message na ‘to.

Makikita ko ang mga friends ko. (Masaya ‘to)

Si Kate… magkikita kami ulit after several years. (Awkward ‘to)

Si Marko… makikita ko na naman siya ulit. (Mas awkward ‘to)

Inilagay ko muna ulit ang cellphone ko sa aking bag. Mamaya ko na pag-iisipan kung pupunta ako sa reunion na o hindi.

.

.

.

*English Class  Grade 9*

“Ok, class kindly open your book on page 143”

“Ok, kindly read the summary of Romeo and Juliet.”

Nagpabasa muna ko. Grabe hanggag sa klase ko hinahabol ako ng “love story” na yan.

Habang tahimik ang buong klase, biglang may nagtaas ng kamay at nagtanong sa akin.

“Ma’am, kaialngan po bang humatong sa kamatayan para lang sa love”

Napalunok ako, nagulat ako sa tanong ng batang ito.

Eto naman ang nagging sagot ko.

“Base on the story, kasi syempre tragedy ang story na yan, syempre medyo tragic ang nangyari sa dalawang character, but if we will relate in our life. Oo, naman pero syempre hindi naman siguro hahantong sa kamatayan, pero ang pinakapino-point out dun ay yung level ng LOVE na meron si Romeo kay Juliet.”

“Lahat talaga gagawin mo kung mahal moa ng isang tao, kahit mahirapan ka man o kahit masaktan ka man kung totoo talaga yung love para sa isang tao, lahat yun balewala”

Sinabi ko yan with feelings…

Biglang may sumigaw na…

“Tama, Ma’am. Masaktan man ako hindi ako susuko kasi mahal kita”

Nagulat ako nagtinginan lahat sa likod pati ang mga bata.

Si Nicko nasa likod. Hindi ko namalayan pumasok pala siya sa klase ko.

Buwiset talaga ‘tong si Nicko.

Biglang nagsigawan ang mga bata. Kilig na kilig sila.

“Class! Quiet!”

Agad kong sigaw sa kanila.

“Ma’am thank you, bye.”

Agad naman banat sa’kin ni Nicko sabay labas.

“Yieee. Si Ma’am…”

Dagdag na pang-aasar pa ng mga bata.

“Class, behave! Wait for your next teacher. Goodbye”

Nagmamadali kong sabi sa kanila. Habang nagsisigawan ang mga estudyante ‘pag labas ko.

Siguro kasabwat ‘tong mga Grade 9 na ‘to paano kasi class advisory niya.

“Pero infairness, tama naman yung sinabi niya.”

*Medyo kinikilig na sabi ni Toni*

||Sa FACULTY room||

“Hi Toni ko.”

Agad na bati sa akin ni Nicko.

“Baliw ka talaga! Pati sa klase ko sumusulpot ka”

“Ah… Oo nga pala may ipbabasa nga pala ko sa’yo”

Pinabasa ko kay Nicko yung message at tinanong ko siya kung pupunta ko o hindi.

At eto ang sagot niya sa’kin.

“Sige, tara sasamahan kita”

“Ako ang magiging escort mo sa saturday”

Oo nga tama nga siguro na pumunta ko don at hindi naman ako pupunta para balikan ang past. Pupunta ko don para Makita yung mga friends ko nung high school.

.

.

.

||After 5 days||

||Saturday 10:00 A.M||

Nagising ako, dahil sa isang missed call.

Tinignan ko ang phone ko at si Nicko nga ang nagmissed call.

Minsan naiinis ako sa sarili kung bakit sa mga ganitong pagkakataon naaalala ko si Marko.

Tinignan ko rin ang messages ko.

*2 new text message*

May isang Number lang at yung isa si Nicko.

Una kong bnuksan yung number lang.

+63927264****

“Punta ka mamaya ah, gusto kitang Makita. J

Nicko.

“6:30 PM. Dadaanan kita diyan. See you later Toni ko.”

Sino yung nagtext sa’kin. Tanong ko sa sarili ko. Pero may kutob akong si Marko ang nagtext.

Tinext ko nama kung sino siya. ‘di nag siya nagreply.

|6:30PM|

Sharp! Saktong sakto ang dating ni Nicko. Agad akong sumakay sa kotse at nagpunta agad na akming dumretso sa Venue ng reunion.

Kinakabahan ako. Pero alam ko ‘di naman ako pababayaan ni Nicko. 

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon