Chapter 18-The Moment of Awkwardness

299 6 9
                                    

 

 

|Sabado| |9:00 A.M|

 

*Toni’s POV*

 

Nagising ako nang maaga para mag-ayos ng gamit.

Tulog pa si Nicko ‘pag bangon ko.

Habang nag-aayos ako ng gamit humigit kumulang mga 30 mins. na ang nakalilipas pero nakakapagtakang hindi pa rin bumabangon si Nicko.

Lumapit ako sa kanya, nakita ko siya balot na balot ng kumot at nanginginig. Siguro nagkasakit ‘to dahil naulanan kagabi sa park.

Agad kong tinawag si mang Bong para magpakuha ng tubig na may yelo.

“Sobrang init mo Sir Nicko”

 

Nag-aalala kong sabi sa kanya.

“Huwag mo kong iwan, please”

 

“Dito ka muna, Toni ko”

 

Nanginginig niyang sagot sa’kin.

Balak ko na talagang iwanan si Nicko, kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pagkatapos ng nangyari kagabi.

Kumuha agad ako ng towel at pinunasan ko kaagad ang buong katawan niya

*That Awkward moment*

 

”Ma’am, pawis na ho si Sir, baka matuyuan ho ng pawis, kailangan na ho siyang palitan ng damit”

 

Nag-aalalang pangaral sa’kin ni Mang Bong.

Nagpaalam siya para kumuha ng damit.

Hindi ko alam kung magagawa ko ba ‘to

“Naku! Help me”

 

Hindi na ko mapakali.

Agad na bumalik si Mang Bong at inabot sa’kin ang t-shirt na pamalit ni Nicko.

 

“Ma’am magluluto muna ho ako ng sabaw para kay Sir Nicko, kayo na muna ho ang bahala sa kanya.

Sabay alis ni Mang Bong, ewan ko ba kung nananadya ‘tong si Mang Bong. Isa pa siyang paandar!

*AnotherAwkward Moment*

 
 “Nicko, Nicko gising kailangan mong magpalit ng damit”

 

Nag-aalala kong sabi sa kanya.

Hindi umiimik! Tinaas niya ang kamay niya at para gusto niya talaga na ako pa mismo ang magpalit sa kanya.

 

“Naku! Nicko, may lagnat ka lang hindi ka paralisado

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon