Chapter 5 (The Confession)

372 8 1
                                    

CHAPTER 5

The Confession

Makalipas ang dalawang linggo pagkatapos ng usapan naming iyon, isang ‘di inaasahang pangyayari ang naganap.

9:00 AM nang bumangon ako sa aking kama, sabado noon kaya medyo late na akong nagising, may tatlong mensahe agad akong natanggap 2 doon Group Message at yung isa doon iyon yung gumulat sa akin si Marko nagtext at nag-aayang makipag-date, at para bang naninigurado, kasama sa message niya kung saan kami magkikita at kung anong oras, halos mabitiwan ko ang cellphone ko, huminga lang ako saglit at nagsisigaw ako,

This is it pansit!

“Ano ba yan Toni”

sigaw ng mommy ko mula sa sala, bumalik ako sa kama ko at nagbabalikwas.

Eto na naman ako si Toni, in-love na naman ako.

Wala akong sinayang na oras agad akong naligo at halos ilabas ko ang lahat ng damit ko para marami akong mapagpilian, matapos ang ilang oras na pag-aayos at pagpapaganda lumabas ako sa aking kuwarto at nagpaalam na sa aking mga magulang.

Hindi naman ako masyadong eksahirada dahil 10 minutes bago ang aming call time ay nasa SM na ako doon daw kasi kami magkikita. Ayan na siya, ang epic ng eksena para bang slow motion ang lahat at para bang nagliliwanag ang paligid niya habang papalapit siya sa akin, sinalubong niya agad ako ng ngiti,

Oh! Grabe!

Pamatay talaga, tinanong niya ko agad kung saan ko gustong pumunta sumagot naman ako

“Bahala ka, kahit saan”

Tinanong niya ko kung anong gusto kong kainin, nakakita kami ng Ice Cream kaya ayun yung unang binili niya para sa akin. Habang naglalakad patuloy na bumabalik sa alaala ko yung eksena noong unang-una ko siyang nakita, parang panaginip lang ang lahat ng ‘to hindi ko akalain na yung lalaking pinapangarap ko, ngayon ay kasama ko at nilibre pa ko ng Ice Cream. 6 na ng gabi at para bang napakabilis tumakbo ng oras ganun nga siguro talaga kapag nag-eenjoy ka sa kasama mo parang ang bilis ng oras. Inaya ko na siyang umuwi dahil medyo gumagabi na at baka hanapin na ko ng aking mommy

Pero bago kami umuwi, papalabas na kami noon at bigla niyang hinawakan ang kamay ko at bigla niyang sinabi na...

“Ikaw”

sumagot naman ako..

“Ako”

Mabilis niya sinabi na

“Oo, Ikaw... Ikaw ang dahilan kung bakit gusto na ngayong pumasok ng school, Ikaw ang dahilan kung bakit ako ngumingiti, Ikaw... Ikaw... Ikaw...”.

Agad niya akong tinanong kung pwede raw ba akong ligawan? Ewan ko kung ano ba ang dapat kong maramdaman noong mga panahong iyon halos hindi ako makahinga at sobrang bumilis ang tibok ng puso ko walang lumalabas sa bibig ko parang napipe na ata ako, agad kong tinango ang ulo at sinuklian naman niya ito ng ngiti. At para bang nakikisama ang panahon dahil bigla na namang pumatak ang malakas na buhos ng ulan parang noong una lang kaming nagkasabay pauwi ng bahay.

July 17, 2007 6:15 PM.

Gabing hinding-hindi ko makakalimutan Ang tahimik, gwapo, matalino at ang mabangong si Marko Del Rosario ay nagtapat ng feelings niya sa isang babaeng katulad ko. Grabe! Pagkatapos ng araw na iyon hindi siya tumigil para pakiligin at paibigin ako ng husto. Hindi siya nagkulang, sweet, napakamaalagain at bawat araw na kasama ko siya ay para bang mas naiinlove ako sa kanya.

Nagpakita na rin siya ng interes sa lahat ng bagay hindi na siya katulad ng dati na lagi na lang nasa sulok, ngayon ngumingiti na siya at nadadagdagan na rin ang mga kaibigan niya sa school. Malaki ang pinagbago niya mula noong inumpisahan niya ang kanyang panliligaw, at sa bawat araw na iyon mas lalo ko siyang minamahal.                

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon