Chapter 17 The Total Change

288 5 8
                                    

*Kinaumagahan*

*TONI's POV*

Nagising ako ng maaga, akala ko kasi may pasok. Holiday pala at nandito

pala ko sa bahay ni Nicko sa Tagaytay.

"Good morning Ms. Cruz"

agad na bati sa akin ni Nicko.

Nginitian ko lang siya, di na ko nagsalita. Gutom na kasi ako.

Agad akong inaya ni Nicko sa kusina para kumain.

Nakakagulat, ang daming hinain na masasarap na pagkain.

At si Nicko lahat ang nagluto at nag-prepare nito para sa akin.

Minsan sumasagi sa isip ko na...

"Ganito rin si Marko noon. Pinakilig ako ng sobra, tapos sasaktan ako sa huli"

.

.

.

.

.

*HABANG KUMAKAIN*

"Gusto mong mamasyal?"

Agad na tanong ni Nicko sa akin.

"Oo naman, para saan pa't dinala mo ko dito kung magtititigan lang tayo sa bahay niyo diba"

Pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay nag-ayos kami para mamasyal.

Sumakay na ako sa kotse niya...

*habang nasa byahe*

Wala kaming ibang pinag-uusapan kundi ang mga gawain sa school.

At yung mga experience namin sa pagiging isang teacher.

"Naalala mo pa ba?"

Tanong sa akin ni Nicko na parang natatawa...

"Nung may tumaeng grade 9 student, grabe pinatawag pa ko sa room para lang amuyin isa-isa yung mga pants ng boys"

Halos mawala ako sa malay katatawa...

"Oo, grabe sino nga pala yung tumae na yun?"

Agad kong tanong habang tumatawa.

"Ahh... si Kristoph Sarabia, yung malaking lalaki sa dulo"

Agad naman niyang sagot sa akin...

Halos hindi mapatid ang tawa naming dalawa.

Hindi na namin napansin na lumagpas na kami sa dapat naming puntahan..

Nag-U-turn pa kami at bumalik sa park na aming pupuntahan...

Magkalatinginan kami sabay tatawa...

Para kaming baliw dalawa...

Ngayon lang ulit ako tumawa nang ganung katindi...

|Sa wakas nandito na rin kami|

Para akong bata! Sobrang na-amaze ako sa nakita ko ang ganda ng lugar! Ngayon lang ako nakapunta rito.

"Thank you Nicko"

Tinignan ko siya at nginitian habang sinasabi ko ang mga katagang iyan.

"Your welcome Toni ko"

Agad naman niyang banat sa akin.

Inaya na niya akong pumasok sa loob ng park.

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon