Chapter 23- The New Beginning

263 5 5
                                    

Chapter 22- The New Beginning

 

Toni’s POV

 

Monday na naman! Maaga na naman ang pasok at may klase na naman.

At ang mas mabigat pa. Paano ko haharapin si Nicko?

Nahihiya ako sa narinig niya, akala niya ok na kami pero hindi pala, malabo pala ang lahat sa amin.

Ganun din kay Marko, hindi na rin ako kasi sigurado sa nararamdaman ko sa kanya.

*Sa School*

Nakakapanibago walang bumati sa akin. Wala si Nicko absent.

Nagtanong ako sa office kung bakit siya absent sabi may sakit daw.

“Anong nangyari sa inyo? LQ?”

Tanong sa’kin ng co-teacher ko.

 

“Ah wala yun, diba nga may sakit siya. Baka nagpapahinga pa”

 

Sagot ko naman sa kanya.

 

“Naku, girl kilala ko yan si Nicko. Diba classmate kami niyan ng college. Ganyan yan kapag nag-iinarte sa babae pero Grabe! sa’yo ah, hindi pa yan umabsent dahil sa babae.”

 

Sagot naman sa’kin ng co-teacher ko.

Hindi na ko sumagot.

Alam ko naman kasi na ako ang dahilan ng pag-absent niya e.

 

“Sige diyan na kayo, may klase pa ko”

 

Umalis na lang ako bigla. At baka kung saan pa mapunta ‘tong usapan na ‘to.

*After ng klase*

 

Naglalakad nang biglag tumigil ang isag motor!

Jusko! Akala ko snatcher. Kinabahan ako. Binilasn ko yung lakad ko peros sumusunod pa rin siya.

Huminto ako. Huminto rin ang motor.

Si Marko...

“Tara hatid na kita”

 

Sabi niya sa’kin.

“Ok, lang ako. Umuwi ka na”

 

Agad kong sagot sa kanya at nagtuloy ako ng lakad.

Sa Pagpatak ng UlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon